11

1 0 0
                                    

Pag-gising ko same routine lang tuwing umaga.

Pumasok na ako ng school, habang naglalakad ako naka-salubong ko si raiden, may kausap siya na babae, kaya tinarayan ko nalang siya.

Naglalakad lang ako hangga't sa nakita na niya den ako, iniwanan niya yung babae, ewan ko pero bigla nalang akong nainis.

Ewan ko kung sakanya o sa babae.

"Hey!" Sabi ni raiden

At lumapit saakin. Kinuha niya yung bag ko, kaya pinabuhat ko nalang, bala siya jaan.

"Girlfriend niya daw ako, pero nakikipag-usap sa ibang babae."   Sabi ko, pero mahina lang.

"Huh? My sinasabi ka ba?" nagtatakang tanong niya.    "Wala!" Sabay kuha ko sa bag ko sa kamay niya.

Umakyat na ako ng classroom,   noong papasok na ako nakita ko si lissy at yung mga minions niya na  nag-aabang sa pintuan ng classroom ko banda, kaya nag u-turn na ako.

Pero pagka u-turn ko my natamaan ako na matigas na dibdib.

Noong tinignan ko kung sino yun nagulat ako kase si raiden, abay sinundan pa pala ako hanggang dito, bodyguard ko ba to?

Ang tigas talaga ng ulo.......

Habang tinitignan ko si raiden,  nakita ko na nakatingin siya kay lissy ewan ko pero.....

****

Kinuha ni brianna yung bag niya saakin ng pagalit. Doon ko palang narealize  na galit siya kaya sinundan ko siya hanggang classroom niya,  pero nagulat ako ng bigla siyang mag u-turn at natamaan niya yung dibdib ko.

Wala akong nasabi sakanya noong natamaan niya ako dahil nakatingin ako ngayon kay lissy, naiinis ako dahil alam ko hanggang ngayon di nila titigilan si brianna.

Pero.... biglang my kumuha sa mukha ko at may naramdaman akong malambot na labi na dumampi sa labi ko.

****

Hinalikan ko si raiden,  at nagulat ako ng sumabay lang siya sa halik ko.

Narinig ko den ang sabi ng mga minions ni lissy.   Dumaan lang sila saamin at walang nagawa, agad kung pina'kawalan si raiden dahil nawalan na kami pareho ng hininga.

Hinde na ako nag-explain sakanya noong nakita kung umalis na sila lissy,   pumasok na ako ng  classroom ko,   nararamdaman ko den na nag-iinit yung pisngi ko.

Pag-upo ko napansin kaagad ni gia na namumula yung pisngi ko.

"Huy! Anong meron sa pisngi mo brianna bakit pulang pula naging kamatis ka na oh..."  pagturo nya sa mukha ko.

Kumuha ng salamin si gia at hinarap niya saakin ang salamin para makita ko ang sarili ko. Grabe ang pula.

"Feel ko my crush na ako." sabi ko na ikinagulat nilang dalawa. Ewan ko kung ano lumalabas sa bibig ko.

Pero...  parang di ko naman pinag-sisihan noong sinabi ko yun sa harapan nilang dalawa.

"Sino? Sino?"  Pangungulit ni Gia.

Hinde ko sinagot dahil hinde pa ako sure sa nararamdaman ko,  kaka friend zone pa nga lang saakin ni eitan eh.

"Feel niya lang daw" alora playfully smile at me.  Eto minsan di ko alam kung tinutulungan ako o inaasar.

Dumating na yung teacher namin  at nag discuss lang ng lessons.

******

"Grabe yung teacher natin sa math,  grabe grabe na mag-bigay ng quizzes,"  reklamo ni gia.

Lumilipad yung utak ko habang kumakain kami sa canteen nila alora.

May biglang tumabi saakin,   noong tinignan ko kung sino nagulat ako noong nakita ko si raiden.

Nabuga ko yung kinakain ko sa mukha niya,  pero di ko sadya no,.  lahat tuloy ng tao sa canteen nag si tinginan saamin.

Nagulat si raiden sa gingawa ko kaya agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha niya hinde ko narealize ang gingawa ko.

Nagulat ako ng biglang my tumawa ng malakas sa likod namin.  Isang lalaki, lumapit siya kaagad kay raiden.

"Bro! My dumi ka ata sa  mukha?" Pang-aasar neto kay raiden.

"Alam  mo xylan kung wala kang maganda sasabihin umalis kana lang,"  galit na sabi ni raiden.  Napa "Oh" yung xylan noong nakita niya ako.

"Hi, you must be raiden's girlfriend right?" Nilakasan niya yung girlfriend na word,  siguro para marinig ng iba? O para marinig ng grupo ni lissy.  I dont know.

"Yeahhh,"  naiilang na sabi ko,  kase pinag-bubulungan na kami ng mga tao sa canteen.   Wala na akong ganang kumain kaya uminom nalang ako  ng strawberry milk na binili ko.

"Btw alam niyo ba si raiden namumula yung pisngi noong pumasok ng classroom" proud na sabi ni xylan. Nasamid ako sa sinabi xylan.

Napansin nila alora kaya pumunta si alora saakin at tinapik-tapik ang likod ko.

"Oh yan nabulunan  pa nga,"  sabi ni gia.

"Ay wehh? Eh si brianna den kanina nag bublush noong pumasok sa classroom eh." Sabi ni gia. So anong pina-parating ng mga kaibigan namin huh.

Nilakihan ko kaagad siya ng mata, para hudyatan na tumahimik na siya,  which is ginawa naman niya.  Bumalik lang kami sa classroom at wala akong  balak kausapin si raiden.

......

PLAYFUL LOVEWhere stories live. Discover now