Para akong tanga nang tuluyan na siyang umalis. Napakagat na lang ako sa aking labi dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pati ang bond paper ay napunit ko.
Shit! Camelle, mahalagang documents iyon! Ba't mo pinununit! May pakilig-kilig ka pa kasing nalalaman!
Tumayo na lang ako at naglalakad papunta sa kwarto ko. Magprint na lang ako ulit, kasi naman e!
Mabuti na lang at hindi pa naubos ang ink sa printer ko dahil kung ubos na ay walang wala talaga ako!
Harry kasi!
Nang matapos ko ng maiprinta iyon ay humiga ako sa kama ko at nagpagulong-gulong. Gagi! Mababaliw na ata ako!
Napaiktad pa ako nang biglang magring at cellphone ko. Tiningnan ko ito at Tita pala, nakikipagvideo call siya kaya pinindot ko ang answer bottom.
"Baby, here's your mommy na!" sabi ni Tita kay Liam.
"Mommy?" rinig kong sabi ng anak ko.
Napangiti ako nang siya na ang humawak sa phone ni Tita—mommy ko.
"Mommy!" tawag niya sa akin na parang nasa personal kami nagkikita.
"Hi baby, how are you there, hm?" I smoothly asked my Liam.
"Your baby is fine and healthy mommy," sabi niya na hindi na wala ang ngiti sa kaniyang labi.
Naisip ko naman si Harry. Pareho kasi silang dalawa kapag ngumiti. Mag-ama nga naman! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ni Harry e' wala nga akong balak ipaalam sa kaniya na may anak siya sa akin. Baka may girlfriend si Harry at makakasira pa ako ng relasyon.
"That's great, where is your teacher?" I asked him.
Nasa bahay lang nag-aaral ang anak ko na tinatawag nating modular pero may guro naman siya upang makasigurado talaga akong may matutunan siya. Lumaking matalino ang anak ko. Noong nag-two years old pa lang siya ay alam na niya kung paano magbilang at kilala niya na rin ang mga alphabet.
Masasabi kong matalino ang anak ko pagdating sa mathematics na subject dahil noong nagthree na siya ay alam na niyang mag-multiply ng one digit, like one-to-nine.
"She's checking your baby Liam's answer mommy," sabi niya sabay nguso.
Kung alam mo lang talaga anak na narito ang Daddy mo ay nakasigurado akong out of place ako dahil talagang magkakasundo ang ugali niyo.
Hindi ko alam kung bakit ako naging marupok kung si Harry na ang pag-uusapan. Damn! Ang dali kong bumigay! Ni hindi ko man lang naitulak nang halikan niya ako kanina.
"That's good," sabi ko sa kaniya.
"Mommy, I already missed you. Can you visit me, mommy? But if you're busy on your work, I'm still okay and waiting." He smilingly said at me.
Nalungkot ako nang sabihin niya iyon pero pinilit kong ngumiti sa mga tingin niya. Wala na akong oras sa kaniya at natatakot akong hindi na niya ako kilalaning ina. Gustong gusto kong makasama siya pero natatakot naman akong mapahamak siya kung kasama niya ako. Mas mabuti na roon muna siya sa lola niya dahil alam kong safe siya roon at mas mababantayan pa. Mahal na mahal ko si Liam at ayaw kong mawala siya sa akin. Hindi ko kakayanin kung mawala siya sa buhay ko.
Si Liam na rin ang nagpaalam dahil tinatawag na siya ng guro niya na pinsan ni Clea. Nag-I love you kami sa isa't isa bago niya ibinigay kay Tita ang phone. Nag-usap kami saglit ni Tita tungkol sa business.
Alam kong nag-alala siya sa akin dahil dalawang kompanya ang binatakbo ko. Sabi niya na siya na lang muna ang mag-aasikaso sa kompanya ni Dad pero tumanggi ako dahil hindi sa gusto ni Dad na ipatakbo ni mommy ang kompanya niya ay baka mapapagod siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/301723393-288-k351986.jpg)
YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Action[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell