11

57 22 4
                                    

"Umamin ka na lang kasi!" sigaw sa akin ni Medena na simula pa kanina nang dumating ako.

"Ano nga ang aaminin ko?" Inis na tanong ko sa kaniya.

Kami lang tatlo ang narito dahil may kailangan gawin si Sandra tungkol sa kasal nila ni Handrick.

Kanina pa ako kinukulit ni Med at Ria rito. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ako pumunta rito. Paano naman ang kotse ko? Tsaka pa hindi nila ako titigilan kapag hindi nila ako nakita at hindi aamin ang pinaggagawa ko kagabi. Hanggang ngayon, medyo masakit. Hindi ko lang pinahalata dahil tiyak na haggang buhay ako kukutyain ng mga gaga kong kaibigan.

"Umamin ka na kasi, kumandong ka nga kay Harry kagabi e'." sabi ni Ria sa akin na ngayon ay nakangiti.

Kahit butas pa iyan ng karayom ay gusto kong malampasan. Tulad ng mga kutya nila sa akin ngayon.

"Talaga? Kumandong ako kagabi?" Pagkukunwari kong tanong na parang hindi ko talaga ginawa kagabi.

Wala kasi ako sa aking sarili kagabi dahil lasing na lasing pala talaga ako kagabi. Gusto ko pa nga gumawa ng baby—oh! Nevermind!

"Ayy! Galawang amnesia 'te?" Nakakalukang tanong ni Med sa akin. Japanese! Pinag-iisahan ako ng mga gaga!

"Sabihin na lang natin Med na walang nangyari sa kanila kagabi at kaya pala nakita ko siyang paika-ika papasok dito sa loob ng bahay!" Sarkastikong sabi ni Ria kay Med at sabay pa silang tumatawa!

Nasampal ko ang aking noo dahil sa addict ng mga kasama ko. Hindi naman ako nagdadala ng druga rito bakit malala pa sila sa addict?! Malala pa nga sa mga drug dealer na kalaban ko.

"Na-curious nga ako Ria. Kung gano'n nakita mo siyang nagpaika-ika kanina. Sa tingin mo, ilang rounds inulit?" bulong na tanong ni Med kay Ria na halatang-halata na nagpaparinig sa akin.

"Lima? May marka pa nga sa leeg niya e," bulong din na sabi ni Ria kahit parang ang layo nila at nagbulung-bulungan. Alam ko naman na gusto lang talaga nila akong inisin.

Lima? Anong limang rounds namin inulit? Gaga 'tong si Ria. Makapang-inis sila sa akin, kala nila ang linis linis pa? Tse! Alam kung may mangyayari ring kainan iyang si Ria. Iwan ko lang kay Med, may naka-one night stand 'yan e'. Landi!

"Ano kayang position inapply nila. Ano sa tingin mo Ria?" tanong ni Med kay Ria na para bang hindi ako nag-exist dahil sa harap-harapan nila ako pinag-uusapan. Mga purtuges!

"Sa tingin ko—"

"Stop it! Aamin na!" Putol kong sabi kay Ria baka kung ano-ano ang sasabihin niya. Masyado ng kinuhanan nang kainosentehan ang mga reader ko.

"Ayy! Ayon naman pala e'!" sabi ni Med kay Ria at sabay silang may pataas-taas ng kilay pang nalalaman.

Parang mga aso silang nag-aantay sa sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba na ipaalam ko sa kanila dahil klarong-klaro naman na privacy ko iyon.

Kung si Sandra lang ang nasa kalagayan ko ay hindi sila ganito ka-brutal magtanong at mangutya. Ano pa ba ang aasahan mo kay Sandra, e' lagi na lang iyon naghahamon ng patayan?

"Ahm, may nangyari sa amin kagabi." sabi ko dahilan ng pag-whaa nila. "Ano magpaparty kayo?" Inis na dagdag kong tanong sa kanila.

"Ilang rounds?" tanong sa akin ni Ria. Wala na, hindi na inosente ang mga readers ko. Chinese kasi!

"O-one," pag-alinlangan kong sagot. Napa-hm naman siya.

"One lang?" Dismayadong tanong ni Med sa akin. "Magaling ba siya?" Dagdag pa niya.

Aba, itong japanese na ito masyado ng hinalungkat ang privacy ko!

"Y-yeah—"

"Ayyy 'te, patry ako sa kaniya!" Putol ni Med sa sinasabi ko dahilan nang nabatukan namin ni Ria.

Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)Where stories live. Discover now