I woke up in the morning when I heard my friends shouting from the outside, terrace. I yawned when I stood up and I observing my face from the reflection of the mirror. As I observed my face, I'm looks like an ashen.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako sa kwarto at natanaw ko ang aking mga kaibigan na nagsisigawan. Parang bingi kung makaasta. The worst ay parang bata na nag-aagawan ng pagkain.
Kala ko ubos na ang chips. Iyon kasi ang pinag-aagawan nila Med at Ria ngayon. Napatingin ako sa may rehas at nakita ko si Sandra na seryosong nakatingin sa kabuo-an ng siyudad. Wala siyang pakialam sa dalawa na parang mga bata.
Hula ko, may gumagabag sa kaniyang isipan. Ang isang pulis na laging nakabuntot sa kaniya or sa kalaban niyang Mayor? I think, both.
"Akin kaya ito!" sigaw ni Med habang nakahawak sa isang chips.
Bakit isa na lang? Nasaan ang iba? Twenty ata lahat ang nadala ko rito at iyon ay hindi ako nagkakamali.
"Anong sa'yo! Takaw mo! Hindi ko nga iyan natikman!" sigaw ni Ria kay Med at pilit na abutin ang chips na hawak ni Med.
Anong ibig sabihin ni Ria? Hindi niya natikman ang chips? Kung gano'n, nasaan ang iba?
Hindi ko na kailangan pilitin ang braincells kong magfunction dahil klarong-klaro na inubos lahat ni Med kagabi. Sabi niya kasi kagabi na matutulog na raw siya. Hindi na namin iyon binalingan at tango lang ang ginawa namin ni Ria. Hindi na namin kasi napagtuonan ng pansin ang mga chips. Siguro dinala niya sa kwarto at doon kinain lahat. Gaga talaga ang babaeng ito.
"Sa akin binigay ni Light kagabi 'no! Kaya alis!" Taboy niya kay Ria pero hindi ito nagpatinag at patuloy na inaabot ang chips.
Nagbago na si Ria, hindi tulad noon na ang tahimik niya. Mas mabuti na iyon kay sa tahimik lang siya. Sa tingin ko, ang lakas nang kadaldalan power itong si Med at binago niya si Ria.
"Takaw mo! Para kang buntis!" sigaw ni Ria pero tumatawa lang si Med. Baliw lang. Pwede nang ipunta sa mental.
Hindi ko na napigilan ang sigawan nila at lumapit ako ng dahan-dahan. Kung hihintayin ko pang si Sandra ang aawat sa kanila ay tiyak na tatagal pa dahil para ngang walang nadinig ang babaeng ito sa paligid. Dinala na siya sa mga iniisip niya.
Dahil nahiya ako sa lalamunan ng dalawang ito at baka mamaos pa mamaya ay aawatin ko na lang sila.
Doon ako pumunta sa likod ni Med ng hindi niya napapansin at nakita ako ni Ria at sinenyasan ko siyang huwag maingay gamit ang hintuturo kong pinadikit sa labi ko.
Nang aabutin sana ni Ria ang chips pero tinaas ito ni Med kaya naglakas-loob akong tangayin iyon gamit ang kamay ko.
"Light!" sigaw sa akin ni Med nang makita niya kung ano ang ginawa ko.
Hindi ko muna siya pinansin at umupo sa tapat nilang dalawa. Binuksan ko iyon at kumuha ng isa at kinain. Pinasa ko iyon kay Ria at dali niya itong kinuha at baka maunahan pa siya kay Med. Napabusangot si Med dahil sa ginawa namin. Parang inagaw sa kaniya ang lahat! Gaga!
"Nasaan iyong iba?" tanong ko kay Med na may halong pagtataka kahit alam ko naman kung saan iyon napunta. Edi sa C.R kung nakapag C.R na siya!
"Hindi na pwede kunin. Nasa tanke na!" sabi ni Med na tumatawa pa.
"Baliw," bulong ni Ria na alam ko naman na nagpaparinig siya kay Med.
Tumayo na lang ako sa lumapit kay Sandra. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Baka kinuha na ng isip ang kaniyang kaluluwa.
"Problem?" tanong ko kay Sandra na hindi nakatingin sa kaniya at naroon lang ang tingin ko sa kabuo-an ng siyudad.
"A sort of," maikli niyang sagot sa tanong ko.

YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Aksiyon[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell