I'm here at Sandras' house, or should I say our meeting place and our secret place.
Nag-iisa lang ako rito sa bahay. Si Ria ay may inaasikasong bagay. Si Med ay nasa photoshoot niya ngayon as a popular dancer. Habang si Sandra ay pumunta sa pulis station kasama ang fiance niya.
Sumbrang gulo na ng utak ko, dumagdag pa ang tanong ni Liam sa akin kahapon. Alam ko naman na malalaman niya na may kulang sa kaniya at iyon ay ang ama niya.
Buti na lang at dumating si Mama kahapon na may dalang pagkain kaya hindi na napansin ni Liam ang tinanong niya sa akin. Kinakabahan ako kung paano ko sasabihin sa kaniya.
May karapatan ang anak ko na malaman niya ang totoo. May karapatan siyang makita ang ama niya. Pero paano kung ayaw ni Harry sa kaniya. Because in the first place, I'm no longer his fiancee. Pangalawa, alam kung wala na siyang naramdaman sa akin.
Natapon ko ang mouse dahil sa inis ko. Kanina pa ako nagresearch dito at hindi ko pa rin makita ang Sheryl na iyon!
Sino ka bang babae ka at bakit may kinalaman ka sa pagkamatay ng Daddy ko? Kilala ba kita?
"Ahh!" Napasigaw ako sa inis kasabay ng pagpunit ko sa mga files ko na walang sapat na evidence sa babaeng iyon.
Napatingin ako sa aking cellphone ng nagvibrate ito. Isang mensahe galing kay Med. Ano naman kaya ang problema ng babaeng ito?
Umuwi ka muna, narito kami sa penthouse mo. The message said.
Isa ring message galing kay Harry. Isa pa itong purtuges na lalaking ito! Bakit hindi na lang kasi siya mawala sa buhay ko na parang bula? Bakit kailangan pa na maging bagyo siya at guguluhin ang buhay ko!
Ano ba talaga ang gusto niyang mangyayari sa akin? Kukunin ulit ang puso ko at iwan na naman para lang makahigante sa pagkawala ng Mommy niya? Gano'n ba?!
Come home Camelle. Ria and Med is here.
The message said.
Ano naman kaya ang ginagawa ng Chinese at japanese roon?
Kilala ni Harry ang mga kaibigan ko dahil bago ko pa nakilala si Harry ay nandiyan na ang mga kaibigan ko. Pero hindi alam ni Harry ang pagkatao ng tatlo kong kaibigan.
Hindi ko nga alam na ang tagal na naming magkakaibigan ni Sandra ay may grupo pala siyang pwedeng pumatay ng tao. Nalaman ko lang iyon noong namatay ang Daddy ko. Tinanong niya ako kung sasama ba ako sa kaniya. Sa una ay naguguluhan ako kung ano ang ginagawa niya. Not until na ako na lang pala ang walang alam sa grupo niya. Si Med at Ria ay nagkakasama na pala sila sa laban niya kahit sa pahon pa noong college namin.
Sumali si Med upang makuha ang hustisya ng boyfriend niyang namatay na wala man lang siyang alam kung bakit at na paano. Wala naman daw siyang kilala na pwedeng gumawa sa boyfriend niya na ngayon ay nanahimik na. Mabait naman daw ang boyfriend niya.
Habang si Ria, ay gusto niyang malaman kung sino ang naggahasa sa kapatid niya na hanggang ngayon ay siya pa rin ang sinisisi sa pamilya niya kung bakit iniwan niya ang kaniyang kapatid sa isang party ng kaibigan nito.
Dinampot ko na lang ang susi ng kotse ko at lumabas na ng bahay.
Bakit hindi na lang kaya sila dumeretso rito? Baka kung ano-ano ang sasabihin nila ay kay Harry tungkol sa nangyayari sa amin. Mapapatay ko talaga ang dalawang iyon.
Sa kasawiang palad, kinalaban na naman ako ng mundo at may traffic pa talagang nagaganap. Dahil sa mga problema ko ay hindi ako nagpatinag sa traffic light at nag-over take ako. The worst is hinarangan ako ng pulis!
YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Aksi[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell