25

41 13 0
                                        

"Light, sit-down. Ako ang nahihilo sa'yo!" sigaw na sabi ni Med sa akin

Narito na si Med, oo. Gusto niyang umupo ako. Kanina pa kasi ako naglalakad ng pabalik-balik sa harap nila.

Si Sandra at Med ang narito sa couch at kanina pa ako sinusuway. Habang si Ria, Handrick, at si Harry na hanggang ngayon ay hindi pa ako pinapansin, ay naroon sila sa computer table at may ginagawa.

"Tumigil ka na rin Med. Mauubos lang laway mo niyan," sabi ni Sandra kay Med.

Dahil pagod na ako sa pabalik-balik na paglalakad ay umupo na lang ako sa tabi ni Med.

"See?" Pagmamayabang ni Sandra ng umupo na ako kaya binigyan ko na lang siya ng death glare pero nerolyuhan lang ako ng mata.

Bakit pa kasi ang kompanya ni Dad ang kapalit? May kompanya naman siya. May illegal naman siyang negosyo.

Mas lalo akong nandidiri sa Mommy ko dahil sa nakalap naming balita. Ang mga ama pala niya o Lolo ko ay isang leader ng mga sindikato.

Kaya pala hindi ko nakikita ang side ng Mommy ko dahil patay na pala ang Dad niya. Habang ang kaniyang ina ay naroon sa mental at masama ang kalagayan.

Tinanong ko siya noon kung nasaan ang mga grandparents ko, ang sabi niya ay naroon sa malayong lugar. Napakasinungaling niya.

Noon ay siya ang iniidolo ko sa lahat. Siya lang ang pinaniwalan ko, kaya noong una ay hindi ko mataggap-tanggap na magawa niya iyon. Pero biglang nagising ako sa katotohanan na maling-mali ang  pag-iidolo ko sa kaniya.

"Light! Come here!" Ria called me so I automatically stood up. Agad akong pumunta kay Ria.

"You have new a message," Ria said. I looked at my phone and one message popped up. I open it and I saw an another message from my liar's Mom-slash-Shailene-slash-Sheryl.

Meet me in the old building where we last met and fought. I'll bring your Son and you? You will bring what I want. Ikaw lang ang pupunta. Kapag nagkakataon na may kasama kang iba, you'll see your son in the casket.

Tomorrow; 1 pm.

I think, she's out of her mind. Liam is her grandson. Why did she do that? Bakit ang sarili niyang apo ay pinapahamak. Hindi ba siya naaawa kay Liam. Liam is a little kid and he can't understand of what happens right now.

"Flying," Ria said. Napatingin ako sa computer ng bigkasin iyon ni Ria. I saw the dot on the computer, it's looks a like a person running. Dot, represent their place and where do they go.

"Damn it!"

Pareho kaming napatingin ni Ria ng marinig namin ang boses na iyon. Boses ni Handrick.

Dumako ang tingin ko sa cellphone nitong hinawakan. Ang kaniyang mga kamay ay mabilis na pinipindot ang screen ng cellphone. Naglalaro pala ito ng ML.

Hindi ko mapigilang tingin si Harry na naroon lang sa tabi ni Handrick. Hindi ko alam kong ano ang ginawa niya pero nakaharap lang siya sa computer niya at parang siya lang ang tao sa bahay na ito.

Siguro hindi niya ako mapapatawad sa mga ginawa ko sa kaniya. Sa ginawa ng Mommy ko sa kaniya.

NANG dumating ang gabi, halos lahat ng sulok sa kwarto ko rito sa bahay ni Sandra ay natapakan na ng mga paa ko. Hindi ako mapakali para sa bukas ng hapon. Pero kakayanin ko, para sa anak ko.

Bigla kong naramdaman ang pagtuyo ng lalamunan ko. Agad akong lumabas para kukuha ng tubig. Pero bago pa ako makapasok sa malaking kusina ni Sandra ay narinig ko ang boses ni Harry. Sa tingin ko ay may kausap siya sa pamamagitan ng cellphone.

Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)Where stories live. Discover now