"Baby!"
Kahit anong takip ko ng unan sa tainga ko ay rinig na rinig ko pa rin ang boses ni Harry mula sa labas.
Hindi pa sana ako magigising kung hindi siya nag-iingay sa labas ng kwarto ko at tawagin ako gamit ang corny naming tawagan noon.
"Baby Cam! Lalamig na ang pagkain!" sigaw na naman niya.
I just want to collect my thoughts but he ruins it! Baby Cam? Ano iyon? Baby Camera?
"Baby! Kakain ka o kakainin kita?" tanong niya sa akin mula sa labas.
Pigilan niyo ako! I swear may masama talagang mangyari sa kaniya kapag hindi niyo ako pipigilan. Scheisse! Maniac! Hindi naman siya native na tao para kainin ako!
"Baby! Labas ka na o gusto mong labasan ka kapag makapasok ako diyan?" tanong niya na halatang natatawa sa ginawa niya.
Scheisse! Bastos!
Bakit ko ba siya naging karelasiyon noon kung ganiyan pala ugali nun?
Ano naman ang masama kung tatawagin ko ng baby ang Rabbit ko? Gusto niyang tawagin siyang baby dahil tinatawag ko ng baby ang Rabbit na bigay niya sa akin.
"Baby!" Iyan na naman siya!
Dahil nangangati na ang kamay kong manapak ay agad akong tumayo para bigyan siya ng award sa pangbubwesit ng umaga ko. Tawagin na lang natin ang award na nakakabwesit—nakakapag-init ng dugo—maniyakis—nakakainis—nakakasira ng umaga Award.
And all of them suits him well! Scheisse!
Agad kong binuksan ang pinto at kitang kita ko siya na nakapangdelekwatrong nakaupo sa couch.
"Wow," sabi niya habang sinuri ang buo kong katawan kaya napasuri rin ako kung ano ang meron sa katawan ko.
Napayakap ako sa sarili kong katawan nang namalayan ko na nakaroba pala ako ng isang manipis at kitang kita ang panty shorts ko. The worst is, bumabakat ang dibdib ko dahil tanging sando lang ang sinuot ko pang-itaas. Parang nasa beach ako.
Scheisse! Hindi naman sa akin ang anong-klasing-roba ito. Kay Medena kaya ito noong nag-over night sila noon!
"Scheisse! Bastos ka!" sigaw ko sa kaniya dahilan ng pagtawa niya habang sinusuri ang katawan ko.
Alam kong nakita na niya ang katawan ko noon pero naiilang pa rin ako sa kaniya.
Dahil sige pa rin siya sa kaniyang ginagawang pagtawa at suriin ang katawan ko, nadamput ko na lang ang bulaklak na galing sa vase at hinagis sa kaniya.
"Ouch!" daing niya.
Bulaklak lang iyan at hindi vase ang hinagis ko sa'yo! Pasalamat kang lalaki ka!
"Layas!" sigaw ko sa kaniya dahil hiyang hiya na ako. Trip niya kasi akong bwesitin mula noon!
"No. I'm enjoying the view bhe," sabi niya at ngumiti ng nakakailang.
Dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang lumapit sa kaniya at babatukan ko sana ay nakailag siya. Hindi ako mapakali sa kabastosan niya kaya sinundan ko iyon ng suntok pero nahuli niya ang kamay ko.
Kala mo siguro isa lang ang kamay ko. Nagkakamali ka!
Nahuli niya ang kanan kong kamay pero hindi niya mahuhuli ang kaliwa kong kamay. Itong kaliwa kong kamay ang magpapabagsak sa kaniya. Dahil nangangati na ang kaliwa kong kamay ay umamba pa nga lang ako ng suntok ay naunahan na niya akong yakapin. Nagkadikit ang mga katawan namin dahilan ng mas lalo pa akong naiilang.
![](https://img.wattpad.com/cover/301723393-288-k351986.jpg)
YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Action[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell