31

53 11 1
                                    

"Mommy! I'm home!" sigaw ni Liam sa akin. Habang ako naman ay nakatulala lang at hindi maproseso ang mga pangyayari.

Nakita kong nakatingin sa akin si Harry na walang emosiyon at parang wala lang ako sa kaniya. Wala naman talaga 'di ba?

Sinuri ko ang kabuoan ni Liam at tumangkad siya ng kaunti. Mas lalo siyang gumwapo. Kuhang kuha na niya ang features nang kaniyang ama at kapag ito'y lumaki ay alam 'kong malamangan ang kagwapuhan ni Harry.

Hndi ko masisisi si Harry kong galit siya sa akin dahil kasalan ko naman talaga na hindi ko pinaalam sa kaniya na may anak siya sa akin.

Yumakap si Liam sa akin nang makapalit ito sa akin. Napapikit ako habang dinama ang bawat yakap ko sa kaniya. Subrang namiss ko talaga siya. Kahit hindi man kami madalas magkasama noon pero mahal na mahal ko pa rin siya.

Ang akala ko ay hindi na ibalik ni Harry si Liam. Ibig sabihin ay roon na tutuloy sa penthouse si Harry at ang anak ko. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa aking naisip na buong pamilya na kami. Kahit galit man si Harry, alam kong may pakialam siya sa naramdaman ni Liam na kailangan ito ng ina kaya magkasama kami sa iisang bahay.

"Hey love, are you done here, let's go. I'm hungry and I know that our cute little boy is hungry," sabi ng isang boses na tunog pangbabae.

Bilang nawala ang iniisip ko at mga inexpected ko. Napatingin ako sa pinto at nakita ko roon ang kulot na buhok ng isang babae, tila isang model at ang tangos ng ilong. Subrang ganda niya at mas maganda pa siya sa akin. Perfect ang kaniyang hitsura para sa akin. Napakagandang titigan.

Pero bigla akong nasaktan, ng ipinuluput niya ang kaniyang kamay sa braso ni Harry. Tsaka, humalik sa pisngi ng lalaki. Parang isang arrow ang tumusok sa akin at bigla na lang akong nanghihina sa nakikita ko.

Ito na ba ang bagong minahal niya? Na-alala ko noon na sabi niya ay hahanap siya ng isang babae na mamahalin siya at pati si Liam. Huli na ba talaga ang lahat para sa destiny ko? Ilayo na ba niyang tuluyan ang anak ko?

Ang sakit! Subra...

"Tita Kitty!" tawag ni Liam. So si Kitty pala ang pangalan ng babaeng ito? "Mommy, I miss you but I need to go." sabi niya sa akin.

Lalo akong nanlumo dahil sa sinabi niya. Ilang minuto ko lang siyang nakita pero ganito na agad? Iiwan niya ako? Deserve ko ba talaga ang ganito? Hindi naman siguro 'di ba?

Napatingin ako sa babae pero naroon ang tingin niya kay Liam. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na gustong-gusto niya si Liam. Nasasaktan ako. Gusto ko na akin lang ang anak ko.

"Mommy, I'll going to miss you, I'll stay at daddy and tita's condo," sabi ni Liam at hinalikan ako saka tumalikod.

Tama naman siguro ang narinig ko 'no? Bakit parang ang sakit pakinggan? Bakit parang hindi ako makahinga?

Wala na sila sa harap ko at tuluyan ng tumulo ang luha kong matagal ko ng pinipigilan. Ang sakit, subra.

"HOY! Nakatulala ka diyan?" pangulat na tanong ni Med sa akin. Nandito ako sa secret house namin and this is not secret house anymore dahil marami ng pumunta rito, including mga pulis.

"'Wag ngayon Med, I'm not feeling well," walang ganang sabi ko na para bang ako lang ang tao sa mundo dahil sumbrang tahimik ng paligid ko.

"Nabalitaan ko na bumalik na ang mag-ama mo, plus may babae pang kasama," biglang sabi ni Ria habang paupo sa harapan ko.

"Wala ka bang plano?" seryusong tanong ni Med sa akin na klaro sa kaniyang mga mata.

"Wala," nabigkas ko na lang.

Wala akong plano. Iyon ang totoo. Masaya na si Liam sa bago niyang buhay, sa bago niyang ina, sa Tita niya.

Umalis na ako sa bahay ni Sandra dahil ayaw ko batuhin ako ng mga tanong galing sa aking mga kaibigan.

Pumunta muna ako sa mall dahil bibili ako ng gift para kay Liam. Agad kong nakita ang mga magagandang libro kaya kinuha ko ito. Pupunta na sana ako sa counter para bayaran ang kinuha ko pero nakita ko sila... silang tatlo na masayang pinagsamahan ang mga bagay.

Nanlumo ako. Ang saya ni Harry, iyong mga ngiti niya habang tiningnan ang mga labi si Kitty.

Nasasaktan ako.

Subrang saya ni Liam habang hawak-hawak siya ng tita niya, na alam kong magiging step-mom niya.

Hindi ko na mapipigilan, tumulo na ang luha ko at nabitawan ko ang libro. Subrang gulat ko nang makita kong napatingin si Harry sa akin na nawala ang mga ngiti sa labi niya. Dali kong kinuha ang libro na nahulog ko at ibinalik iyon sa nilalagyan. Dali akong umalis, dahil hindi ko kaya ang nakikita ko. Subrang nadurog ang puso ko.

Nagkulong ako sa penthouse ko, walang ganang kumain, walang ganang magtrabaho. Tila ba, namatay ang kalahati kong katawan. Parang pasan ko lahat ang mga problema ng mga tao.

Bigla na lang tumunog ang bell, sa una ay hindi ko ito pinansin dahil parang wala akong mga paa. Ayaw ko sanang tumayo pero narinig ko ang boses ni Liam sa labas kaya mabilis pa sa kidlat ako tumayo.

Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang pagkakunot ng noo ni Liam. Parang naiirita siya. Sa likod niya ay naroon si Harry na walang pakialam.

"Why are so tagal po mommy? We have a trip with Tita po, and I just want to visit you po, and you are so tagal po, I hate it," natahimik ako dahil sa pinagsasabi niya.

"Matagal na ba kayo rito?" tanong ko sa kaniya na nakangiti pero nakakunot lang ang kaniyang noo. Bakit ang sakit?

"Yes po, we are here in 2 minutes na po!" medyo tumaas ang boses niya.

Minutes lang? Bakit nagbago ang anak ko? Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Ibang-iba na siya.

"Pumasok muna kayo," sabi ko sa mag-ama.

"No, we're already late na po, I don't want tita waiting us. I just want to invite you but I don't want pala, I want tita and daddy only po. They fit us more than you. I love her because she is honest. Why are you so selfish Mom? Why are hiding me from daddy? Mom, you don't deserve me!"

Mom, you don't deserve me!

Mom, you don't deserve me!

Mom, you don't deserve me!

Paulit-ulit pumasok sa isip at puso ko ang huling sentence ni Liam. Parang nawalan ako ng kaluluwa. Parang tuluyan na siyang nagbago.

Walang lumabas sa bibig ko kahit vowel lang. Napatingin lang ako kay Liam habang naglalakad ito papalayo sa akin.

Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay pinipigilan ko pa dahil narito pa si Harry sa harap ko. Deretso ang tingin niya sa aking mga mata.

"Kung galit ka sa akin, bakit dinamay mo pa ang anak ko? Bakit ganoon siya makikitungo sa akin? Binibrain wash mo ba ako sa kaniya?" tanong ko sa kaniya.

Sa halip na sagutin niya ako ay tumalikod siya sa akin. Napaluha ako dahil ganoon ang pakikitungo nila sa akin. Subra na ito.

"Yes, and you deserve it," bigla sabi niya habang nakatalikod sa akin at patuloy sa paglalakad.

Wala na! Tuluyan na akong nasasaktan! Ang sakit!

Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)Where stories live. Discover now