4

76 32 9
                                    

Gaya nang napagkasunduan namin ay naglagay ako ng mga damit sa suitcase ko, good for three days.

Sabi niya sa akin ay sa airport na lang daw kami magkikita. Nagtaxi na lang ako papunta roon dahil hindi ko gusto na maiwan ang sasakyan ko sa airport at baka ma-carnapped pa.

Nang makarating ako sa airport sa may waiting area ay nakita ko si Harry na nakaprenteng umupo roon. Tse! Kung hindi lang dahil sa pera, hindi naman talaga ako sasama! Nagmukha na tuloy akong pera.

Aaminin ko na lang na hindi pa ako nakamove-on!

"Your late," sabi niya sa akin nang makalapit na ako sa gawi niya.

"Naka-alis na ang airplane papuntang Europe? Good, may gagawin pa kasi ako e." sabi ko sa kaniya.

Tama talaga ang dating ko, nakaalis na. Wala naman talaga akong balak na sumama sa kaniya. I have a lot of dossiers on my table that needs my signature.

Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko. I feel the butterflies again in my stomach. Paano kaya kikiligin ang mga butterfly 'no? I think, they feel a human in their stomach. Cheesey!

"Let's go," sabi niya sa akin. Nang tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko ay agad niya itong binitiwan kaya nagmukha akong idiot sa lagay na iyon.

Siya na rin ang nagdala ng suitcase ko. Hindi pa rin nawala ang pagka-gentle man niya. Walang nagbago. Meron pala! Iyon ay hindi na ako ang mahal niya!

Umupo ako malapit sa may bintana, dahil doon ako komportable. In my peripheral vision ay nakita ko siyang kumuha ng cellphone at sinagot ang isang tawag.

"Yes," he answered the phone call.

Hindi naman siguro masama kung magtanong ako kung sino iyon. Sino kaya iyon? Asawa? Girlfriend?

"Bye love, take care." Paalam niya rito.

Napatingin ako sa kaniya. Love? Sa tagalog ay mahal, diba? Girlfriend niya iyon? What if asawa?

Naalala ko noong inimbita ako sa party ni Webb. May sinabihan din siya sa phone ng endearment na 'baby'.

Nang maramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya ay tumingin din siya sa akin kaya napa-iwas ako ng tingin.

"What's wrong?" tanong niya sa akin. Pakialam ng lalaking 'to?

"Nope," I said with a small smile.

Naramdaman ko na lang na unti-unting lumapit ang kaniyang mukha sa tainga ko.

"Jealous?" Bulong niyang tanong sa akin kaya napalunok ako.

"Gwapong-gwapo ka sa sarili mo 'no?" mahinang tanong ko sa kaniya na may kasamang pekeng ngiti.

"No. Look at your self, you're acting like a jealous one." He playfully whispered at my ear.

Humarap ako sa kaniya dahil ayaw kung magpapatalo. Baka sabihin niya na pagdating sa kaniya ay tiklop ako.

"According to my observation, hindi ka pa naman natutulog at kapag natutulog ka ay hindi ka naman ganoon managinip na bigla-bigla na lang magsasalita." sabi ko sa kaniya.

"The possible answer of my question, it should be 'Yes or I'm not'. Ang dami mo pang sinasabi. I think, you're still inlove with me." He confidently said.

Agad kong kinuha ang headset ko at inilagay ito sa tainga ko at baka ano pa ang masabi ko sa kaniya. Talagang sinadya kong i-full ang volume nito upang wala akong marinig galing sa kaniya.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kaniya nang kunin niya ang left headset ko. Nang-iinis ang putcha!

"I just want to hear a music." He defended as he placed the left-ear-headset on his right ear.

Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)Where stories live. Discover now