I don't know how broken I am right now. I don't know if I'll still survive. Why I let this happen?
Iyong mga pinakamamahal ko sa buhay ay unti-unti akong iniwan. Parang hindi kami magkasundo ng tadhana at ginawa niya sa akin 'to.
Ilang araw na pero lutang lang ako. Si Clea na nga ang bahala sa company ko at wala talaga akong balak na pumunta roon.
Bigla na lang akong napatingin sa phone ko noong my nagmessage sa akin.
Hinahanap ka ni Liam. He's sick. I'll send you the address
Sabi ng message, pagkatapos no'n ay isang location. Kaya agad akong pumunta kung saan iyon.
Hindi nagtagal ay nakarating ako gamit ang GPS. Huminto ako sa isang napakalaking bahay. Mag-eemote pa sana ako kaso bigla na lang bumukas ang gate at iniluwa roon ang bulto ni Harry.
Deretso siyang nakatingin sa akin at kumunot ang kaniyang noo. Bakit ba ganito ang awra niya, nakakainis siya.
"Follow me,"
Iyon lang ang lumabas sa bibig niya at saka ako tinalikuran. Kaya naman, para akong aso na sumunod sa yapak niya.
Ilang segundo lang ay nakarating kami sa harap ng pinto. Binuksan niya iyon at nakita si Liam na nakahiga.
"M-mommy?" pangklaro niyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at agad na tinungo siya.
Nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya. Agad ko siyang niyakap at pinatahan.
"I-I'm sorry M-mommy. I'm sorry if I treat you like t-those..." hirap na sabi niya sa akin habang yakap-yakap ko siya.
Ang gaan sa pakiramdam. Parang automatic na nawala ang sugat ko sa aking puso. Iba talaga kapag iyong minamahal mo ay babalik na sa'yo.
"Shhh, tahan na, hindi ako galit okey? Naiintindihan kita.
NANDITO ako sa terrace sa bahay ni Harry. Hindi pa kasi ako pinaalis ni Liam dahil gusto raw niya akong makasama dahil iyon daw ang patunay na pinatawad ko siya sa pangbabastos sa akin. Sa totoo lang, nasasaktan naman talaga ako pero hindi ko matiis ang anak ko. Anak ko siya. Mahal ko siya.
"Enjoying the view?", tanong ng isang boses lalaki. Si Harry.
"Yeah," tugon ko.
Maganda naman talaga ang view, malayo sa mga building, kitang kita ang mga lights sa bahay, buildings, at sa kalsada.
Napatingin ako sa aking kamay nang may inabot sa akin si Harry.
"A-ano 'to?", hindi ko alam pero parang iba ang aking pakiramdam sa envelope na inabot sa akin.
"Buksan mo," nasabi niya na lang.
Gaya ng sabi niya ay binuksan ko ito. Hindi ko alam kong sasaya ba ako o malulungkot. Parang huminto ang mundo sa nakikita ko. Parang pasan ko lahat ng problema sa mundo. Parang hindi ako makahinga.
It's invitation card. A wedding.
"Sa darating na linggo magaganap ang kasal," sabi sa akin ni Harry.
Ikakasal na siya? Wala na ba talaga? Wala na ba kaming pag-asa? Bakit? Oo! Umaasa akong magkaayos ang relasyon namin dahil may anak na kami pero nakakamali ako.
Hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha. Ang sakit. Subra pa nga e'. Ang akala ko ba may happy ending. Ang akala ko may Destiny. Iyon ay ang akala ko lang pala.
"Why are you crying?" kunot noo niyang tanong sa akin. Hindi ba halata?
"I'm just happy, no! I'm in pain," pag-aamin ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Action[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell