Nakatingin lang siya ng diretso sa aking mga mata. Iyon ang dahilan kung bakit biglang bumulis ang tibok ng puso ko, kasama ang pagkagulat, inis, at pangamba na hindi ko alam.
Si Harry na ngayon ay papalapit sa akin na walang emosyon sa kaniyang mukha. Nakikita kong hindi siya nag-alala sa akin.
Umupo siya sa side ko at tiningnan ako kaya umiwas ako ng tingin dahil sa katotohanang hindi niya ako mapapatawad dahil sa kondisyon ngayon ni Liam. Napatunayan ko ngayon mismo na wala na siyang naramdaman sa akin kahit kunti.
Ang dali ng panahon kung kailan lang ay nabasa ko ang sulat na galing sa kaniya at nakasulat na mahal pa niya ako.
Kailan lang ay narinig kong may kausap siya at gusto niyang humanap ng babae na mamahalin silang dalawa ni Liam dahil hindi niya ako mapapatawad. Ang gulo naman niya! Ang gulo gulo! Subra.
"Nabalitaan kong hindi ka kumakain," panimula niya. Napatingin ako sa kaniya at agad din akong umiwas ng tingin dahil nakatingin pala siya sa mga mata ko. "Pwede mo ngayong bisitahin si Liam dahil bukas ay dadalhin ko siya sa U.S at doon ipapagamot." patuloy niya.
Napatingin ako deretso sa mga mata niya. Kitang-kita ko na hindi siya nagbibiro sa desisyon niya. Bakit doon pa kung meron naman dito? Wala ba siyang tiwala sa mga doktor dito na gagaling si Liam sa mga kamay nila?
"Sasama ako," sabi ko habang tiningnan ang kaniyang mga mata.
Umiwas siya ng tingin sa akin. "Ilang taon mo ring tinago sa akin si Liam kaya may karapatan akong ako lang ang kasama niya papuntang U.S." sabi niya at ikinalulungkot ko.
Bakit niya pinagkait na makasama ko si Liam at ako ang masilayan sa paggising niya? Dahil ba pinagkait ko rin sa kaniya na malaman ang totoo na may anak siya sa akin?
"Harry," tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa mga mata ko. "Huwag mong gawin sa akin 'to," sabi ko at nagsimulang tumulo ang aking luha galing sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan.
Dahil sa katotohanang hindi ko makikita si Liam sa bawat paghilom ng sugat niya ng dahil sa akin. Na ako mismo ang nagpahamak sa kaniya.
Kinabukasan, ay nagpasama ako kay Ria sa kung saang kwarto rito sa hospital nakalagay ang aking anak. Sabi sa akin ni Harry na ngayong tanghali niya dadalhin si Liam sa U.S at wala siyang balak na isama ako.
Nakatingin ako ngayon sa mukha ng aking anak na payapang natutulog habang may maraming nakakabit sa katawan niya at iyon ang dahilan ng pagkabasag ng aking puso.
Ang sakit bilang ina na tingnan ang isang anak na naghihirap sa kaniyang kalagayan.
Gusto kong makita ang mga dimples niya na mabubunyag kapag ngingiti siya. Ang kaniyang mga ngiti ay kasing hawig ng kaniyang ama na si Harry. Ang kaniyang mataas na pilikmata. Ang kaniyang matangos na ilong at may maliit na butas. Ang kaniyang boses. Hindi ko alam kong kailan ko ulit masisilayan.
I'm sorry son for not being a good mother. I'm sorry kung hindi mo pa ngayon makilala ang Daddy mo. Kaya, magpagaling ka dahil siya ang kasama mo sa mga araw na ito. I'm sorry kung hindi ako makakasama sa'yo. Anak mahal na mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa iyong ama.
Tuluyan ng tumulo ang aking luha dahil nasasaktan ako para kay Liam. Minsan ko nga lang siya makakasama ay mahihiwalay pa siya sa akin.
Ngayon, natutunan kung mas bigyan ng mataas na oras ang pamilya kaysa trabaho. Kasi hindi mo malalaman kung ano na ang nangyayari sa pamilya mo.
Paalam muna sa ngayon anak. Ipinapangako kong babawi ako sa'yo kapag magkita ulit tayo.
Ginawaran ko ng halik ang kaniyang noo bago ako umalis sa kwarto niya. Ngumiti ako kay Ria nang makita ko siya sa labas na naghihintay.
"Ayaw mo ba talagang makita si Liam na isasakay sa airplane?" tanong sa akin ni Ria.
Ngumiti lang ako sa kaniya bilang sagot ko sa tanong niya. Hindi ko kayang tingnan si Liam habang isasakay siya sa eruplano patungong U.S dahil para sa akin ay hindi ko na siya makikitang muli.
Two weeks past, wala akong balita kay Harry tungkol sa kalagayan ni Liam. But I'm thankful because Harry always does a story on IG about Liam's condition.
Sana gumaling na si Liam para makita ko na siya. Kapag may makita man si Harry na isang babae na mamahalin sila ay sana hindi magustuhan ni Liam. Sana, pagbalik niya makilala pa rin niya ako na ako ang kaniyang ina.
"Camelle anak, magtiwala ka lang na gagaling si Liam at babalik siya rito sa Pilipinas para sa'yo." sabi sa akin ni Mama Tarsie na ngayon ay umupo na rin siya sa tabi ko.
Narito kami ngayon sa veranda ng penthouse ko at tiningnan ang building na makikita rito. Masarap din sa makiramdam dahil sa malamig ng simoy nang hangin.
Makalipas ang dalawang linggo ay maraming nagbago. Madalas na lang akong pumunta sa office at dito ko na lang sa penthouse ginawa ang mga trabaho roon. Dalawang linggo ang lumipas, hindi ako nakasama sa laban ng mga kaibigan ko. Nagpapasalamat din ako sa kanila dahil naiintindihan nila ang kalagayan ko. Isa na roon ang nangulila ako sa aking anak na ang layo ng pagitan namin ngayon pero malapit naman siya sa puso ko.
Sana lang ay hindi gagawin ni Harry ang ginawa ko sa kaniya... sa pagtago ko sa kaniyang anak dahil hindi ko kakayanin iyon.
Alam kong galit sa akin si Harry, pero sana ay huwag niyang idamay si Liam na ilayo sa akin.
Tiningnan ko ang IG story ni Harry ngayon. Gumawa ako ng account na hindi ang pangalan ko at finollow ko siya kaya malaya akong nakapagstalk sa kaniya.
Tumingin ako kay Mama Tarsie na ngayon pala ay nakangiti siyang tinitigan ako. Bilang ganti, ay yumakap ako sa kaniya. Agad niya namang hinahaplos ang buhok ko kaya ramdam na ramdam ko na komportable ako sa kaniya dahil siya ang totoo kung ina.
Dalawang taon na ang nakalipas ngunit wala pa rin akong balita kay Liam. Hindi na rin nag-story sa Instagram si Harry. Kaya sumbra akong nangulila.
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa bawat oras kapag biglang pumasok sa aking isipan ang mga ngiti ni Liam sa akin. Lagi kong pinagdadasal na sana gagaling na ang anak ko.
Narito ako ngayon sa opisina ko at ginugol ko na lang sa trabaho ang aking lungkot.
Gusto sana akong kausapin ni Clea pero pinigilan ko siya at nagpapasalamat naman ako dahil hindi niya ako kinukulit.
Tumalikod ako sa aking mesa at humarap sa malaking glass kung saan makikita ko ang mga iba't ibang katayuan ng mga gusali.
Paano kung gumaling na si Liam at ayaw lang talaga ibalik ni Harry rito sa Pilipinas?
Paano kung nakahanap na nga si Harry ng isang babae at siya na ngayon ang nag-aalaga kay Liam?
Paano kung hindi na ako kilala ni Liam at tanging kinikilala niyang ina ay ang bagong babae ni Harry?
Dahil sa mga katanungan ng isip ko na hindi ko naman alam kung nasaan ang sagot ay napahawak na lang ako sa aking noo at napabuntong-hininga.
Ilang minuto ay may narinig akong katok sa pinto ng opisina ko.
"Come in!"
Iyon na lang ang nasabi ko at nanatiling nakatingin sa mga gusali. Naramdaman kong bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang mga pangyayari.
"Mommy!"
Biglang nabuhayan ang dugo ko. Parang nabingi ang aking tainga. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Agad akong napatingin sa pinto at tumambad sa akin sila...
Liam at Harry.
(• ▽ •;)
YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Action[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell