"Natulog ka ba?" tanong ni Sandra sa akin. I nodded a little bit, para hindi na siya mag-alala.
Narito kami sa secret house namin, bahay ni Sandra. Narito si Handrick at pati si Harry. Ang akala ko ay hindi gusto ni Sandra na may makakapunta rito sa bahay niya ng ibang tao. Pero sa huli, siya rin naman ang nagdedesisyon na rito na lang sa secret house namin gagawin ang pagtrack namin sa ina kong walang kwenta.
Si Sandra na rin ang nag-invite kay Harry. Dumako ang aking tingin kay Harry na naroon sa terrace at nakahawak ang kaniyang kamay sa panga habang nakakunot-noo na naroon ang tingin sa laptop niya. Si Handrick naman ay naroon din sa terrace at may hawak din na laptop pero pasulyap-sulyap ito kay Harry.
"Huwag mo ng pansinin si Handrick, talagang luko lang 'yan." sabi sa akin ni Sandra ng makita akong napakunot ang noo habang tumingin sa dalawang nasa terrace.
Si Ria ay naroon lang nakaharap sa computer at nakaclear-glasses. Kagabi pa siya diyan. Binabantayan niya ang bawat galaw ng dot na nakatrack kay Shailene na Mommy ko. Nahack ito ni Ria gamit ang mensahe ni Shailene sa akin kahapon.
Si Med ay wala rito kaya ang tahimik ngayon. May pinuntahan lang kasi siya. Ewan ko lang kung ano ang pinuntahan niya. Pero mas maganda kong sasabihin nating 'sino' ang pinuntahan niya.
"Bakit?" Natanong ko na lang kay Sandra.
"Kagabi pa kasi iyan. Sabi niya, 'paano raw magkakaroon ng anak, e wala na kayo... Nakabuntis pala ang lalaking iyon, e mukha namang baog'." Pagkwekwento niya tungkol sinabi raw ni Handrick sa kaniya kagabi kaya ngumiti ako sa kaniya.
Sa totoo lang, hindi ako natulog kagabi. Nakatingin lang ako sa imahe ng anak ko sa aking cellphone. Miss ko na ang mga ngiti niya. Ang kakulitan niya. Ang akala ko walang pakialam si Harry sa kaniya pagkatapos nalaman niya ang totoo.
Ngayon, parang hindi nga iyan natulog. Pero ang sakit lang kasi, hindi man lang niya ako binalingan. Kapag makasalubong ko siya ay parang wala lang, hindi niya ako napansin na para bang ibang tao ang nakasalubong niya.
"Light, it's better if timplahan mo muna siya ng kape," sabi sa akin ni Sandra na tinutukoy si Harry.
Napatingin ako kay Sandra at nakakunot-noo. "Bakit ako?" tanong ko sa kaniya.
"Para mabawasan ang galit niyan," aniya.
Hinila ako ni Sandra patayo at itinulak papunta sa kitchen. Kaya wala akong magawa kundi magtimpla ng kape para kay Harry. Kung pwede lang na sa kape lang madadaan ang sorry ay kahapon ko pa ito ginawa kay Harry. Pero kasi, parang hindi.
Nang natimpla ko na ang kape ay dinala naglalakad ako papunta sa terrace. Nakita kong siya na lang ang naroon at wala na si Handrick. Hinanap ito ng mga mata ko at natagpuan ko na lang na nakapulupot na ito kay Sandra. Nang tumingin sa akin si Sandra ay napairap siya. Nakakatawa talaga ang dalawang 'to.
"Coffee," sabi ko kay Harry habang nilagay ko ang kape sa gilid ng laptop niya sapat lang na makikita niya.
"No need," Malamig niyang sabi at hindi man lang ako tiningala.
Hindi ko alam kong bakit may kumirot sa puso ko. Ang lamig ng pakikitungo niya, isama mo na rin ang mga sagot niya.
"Harry, pinilit ko naman talagang ipaalam sa'yo." Panimula ko naman tungkol kay Liam.
"Mr. Moore, I have a question!" sigaw ni Harry kay Handrick.
Nasasaktan ako, oo. Alam ko naman na narinig niya ang sinabi ko pero hindi lang niya pinagtuonan ng pansin. Pero, mahalaga pa naman ang mga paliwanag ko.
"Yes Bro?"
Nang lumapit sa amin si Handrick ay na-out of place na naman ako. Parang hangin lang ako sa gilid niya. Umalis na lang ako sa harap nila dahil hindi niya naman ako papansinin. Isa pa, hindi ko alam kong ano ang mga sinasabi nila.
Pumasok na lang ako sa kwarto at nilock ito. Deretso akong naglalakad papuntang kama at humiga. Binuksan ko ang aking laptop at nanood ng mga video namin ni Liam. Of course, umiyak na naman ako.
Lagi kong iniisip ang kalagayan ni Liam ngayong naroon siya sa poder ni Shailene na Mommy ko.
Ito siguro ang naramdaman kapag ina ka na. Iyong tipong mag-alala ka ng subra. Laging iniisip kong ano na ang nangyayari sa kalagayan ng anak. Mahal na mahal ko ang aking anak. Sobra.
Pinilit kong makatulog ng kaunti ay hindi pa rin ako makatulog. Kadapikit ko ay ang mukha lang ni Liam ang makikita ko. Iyong mga mukha niyang tumatawa at iyong mga cute niyang smile.
Sa totoo lang hindi ko na talaga alam kong ano ang mga plano ko para makuha ko ang aking anak. May plano ako pero ang gugulo rito sa isipan ko. Naghalo-halo lahat ng plano na gusto kong gawin pero walang ni isang malinaw sa akin.
Ang labo ng isip ko ngayon sa totoo lang. Gusto ko lang naman na maging masaya si Liam. Gusto ko lang naman na may magmamahal sa kaniya ng totoo at hindi peke. Gusto ko lang naman maging ina at magtratrabaho para mabuhay siya.
Muli kong ipinikit ang aking mata at inalala ang mga panahon na masaya kami ni Liam at pati na rin ang pag-sasama namin ni Harry. Hindi ko namalayan na unti-unti akong hinila ng pagod at sa antok.
NAGISING na lang ako nang may kumalabit sa akin. Gusto ko pa sanang matulog at iwaksi ang kamay na kanina pa ako inaalog sa akin.
"Light, wake up! This is important,"
Nang marinig ko ang sinabi ni Sandra ay automatic akong napabangon na akala mo ay may kalaban.
"What? Important what? Is Liam already here?" Magkasunod na tanong ko kay Sandra. Nakita kong kumunot ang noo ni Sandra dahil sa mga sinasabi ko.
Tumahimik na lang ako habang umayos ng tayo. Alam ko naman na wala rito si Liam. Hindi ko lang talaga mapipigilan ang ganito. Para akong mababaliw sa kakaisip sa kalagayan ni Liam.
"Stop worrying Light. It's not good for you." Sandra uttered.
Stop worrying? Paano? Paano ko gagawin?
Hindi naman kasi sila ang kinidnapped-pan ng anak. Isa pa hindi pa naman sila nagkakaanak. Sana maintindihan nila ang mga kinikilos ko. Dahil ang hirap para sa akin ang sitwasyon na ito. Mas mahirap pa kay sa problema ng company ko noon.
Ngayon, parang hindi ako makahinga. Parang nagkahiwalay ang paa ko at tiyan ko. Kung tatawagin ay parang manananggal.
"Sandra, paano? Sige nga, paano ako hindi mag-alala. Sandra, anak ko ang biktima rito!" Hindi ko maiwasan mataasan ng boses si Sandra na ngayon ay nakatingin sa akin ang sinuri ang mukha ko.
"Light, hindi ko naman sinabing ganiyan. Ang ibig kong sabihin ay hindi makakabuti ang mag-alala ka ng subra. Tingin mo nga ang mukha mo. Kulang sa tulog. Light, magpahinga ka muna, kami muna ang bahala ni Ria. Magpakatatag ka para kapag maharap mo na ang ina mo, may lakas kang loob na mabawi si Liam galing sa kaniyang maruming kamay." sabi sa akin ni Sandra, habang hinawakan niya ang mga kamay kong maliliit.
Tumango na lang ako sa sinasabi ni Sandra dahil tama naman kasi siya.
"Let's go, Ria is waiting. She want to tell you something important," she changed the topic.
Nang lumabas kami sa kwarto ko ay nakita ko si Harry sa my swimming pool na may hawak na cellphone. Bigla na kang nagkatagpo ang tingin niya sa akin pero hindi ko pa nga nakita ang kulay ng mata niya ay umiwas na siya ng tingin.
Naglalakad na lang ako na kasunod ni Sandra. Hindi ko muna papansinin si Harry dahil galit pa iyon sa akin. Baka madagdagan pa.
Nang makarating kami kay Ria na ngayon ay nakakrus ang mga kamay sa my dibdib niya habang tinitingnan ang computer.
"Ria?" I called her and he squinted at me.
"She messaged you," she said.
Tatlong words lang ang lumabas sa bibig ni Ria pero nag-uunahan na ang puso ko. Ibabalik na kaya niya si Liam?
Agad kong binuksan ang cellphone kong nacrack ang screen dahil sa kagagawan ko na hindi mapipigilan ang galit at lungkot.
Ibabalik ko ang anak mo kapalit ng kompanya ng asawa ko, iyong nasa L.A. Huwag mo ring pakialaman ang mga negosyo ko kung hindi mo gustong maabutang patay na ang anak mo. I'm a killer and I always be.
:()
YOU ARE READING
Hide and Seek ( Fearless Woman Series #2)
Action[COMPLETED] °Under Editing°||R-18|| ✓Action ✓RomCom "You hid? I will seek you then." Light Camelle Beltz X Harry Crosswell