CHAPTER FOURTEEN

169 4 0
                                    

"That's right, hold her waist." Sigaw ni Marky.

Nakangise'ng tumingin sa akin ang lalaki, siya ang magiging co-model ko para ngayon'g buwan.

Nakakaasiwa kong tignan ako nito, para bang hubad ako sa harap nito, pinipisil pa aking bewang na akala mo naman hindi masakit.

Hinayaan ko nalang gusto kong matapos kaagad, nami-miss kona ang kambal, naramdaman ko ang isang kamay nito'ng tumataas pa punta sa dibdib ko.

Hindi ito napapansin dahil ako ang nakatalikod kay Marky at siya naman ang nakaharap sa 'akin. Pinisil ang dibdib nito.

"Bastos! Tang-ina mo!" Nangangalaiting sinampal ang pisnge nito.

"What are you talking about? I'm just holding you're waist."Inosenteng tumingen ito sa akin.

"Hayop ka! Nagawa mo pa talaga'ng mag-sinungaling hayop ka!" Mabilis kami napansin ng mga tao kaya kaagad ito lumapit sa 'amin ni Kirby.

"Misma? What happen?" Kumot-noong tumingen ito sakin.

"And demonyong to! Pinisel ang dibdib ko!" Hindi ko parin ma-kontrol ang sarili kong dumaloy ang galit.

"W8alang katotohanan ang sinasabi niya! Anong karapatan ng isang babaeng galing sa putikan, sabihan akong minanyak siya?" At siya pa talaga iyong galit ngayon?

"Hindi ako pumapatol sa babeng inanakan!" Namanhid ako sa sinabi nito, hanggang dito ba naman Sa Pilipinas issue ito sa kanila?

"Ang taas naman ata ng tingin mo sa sarili. Eh,  hindi ba inanakan ka lang naman? Wala ka nga'ng maiharap na tatay sa mga an-" hindi na ito natapos ang sasabihin ng ambahan ito ng dalawang suntok s mukha ni Marky.

Nanginginig ang kamao ni Marky, hinawakan ko ito upang pakalmahin.

"Hayaan muna Marky," wala akong masabi, 'iyun lang ang kinaya ng bibig kong masabi.

"Walang may karapatan sabihan ka 'non ng ganon Misma. Wala sila'ng alam sa pinagdaanan mo, kaya anong karapatan n'yang sabihan 'yun sa'yo?" Hindi ko parin binibitawan ang kamay nito.

"Walang may alam sa pinag-daanan ko Marky, ikaw iyong taong patuloy na sumuporta sa akin. Maraming salamat sa tulong mo sa akin." Para ko nang kuya si Marky kaya ganoon nalang ito kagalit kapag nakakarinig siya ng mga masasakit na salita.

Umuwi kami kaagad kami ni Marky ng huminahon na ito.

Wala ang mga bata kaya alam kong isinama ito di Trina sa panonood ng sine sa Mall.

Makakapag-pahinga na ako, napagod ako kakatayo kanina namamanhid rin ang mga paa ko.

Ang akala kong makakatulog kaagad ako, na bigo lang ako, pilit ko 'mang ipikit ang aking mata ganoon parin didilat. Tumingen ako sa kisame at nag-isip ko kong anong dapat kong gawin para bukas.

Baka hindi kami abutin ng isang buwan rito baka umuwi kaagad kami tinapos ni Marky ang trabaho kanina, ayaw na 'raw n'yang magpatuloy kami sa photoshoot dito sa Maynila.

Hindi 'rin siya napapanatag kapag pinagpatuloy ang shoot.

Isang sikat na modelo ang sinuntok ni Marky, malaking gulo ito kapag nag-sampa ng kaso ang kaliwa. Ayaw kong mahirapan uli di Marky ng dahil sakin.

Hindi ko namalayan sa kaka-isip ko. Makakatulog ako.

Nagising akong may yumuyogyog sa aking braso, si Trina nakatingin sa akin. "Ate! Nasa News kayo ni kuya Marky!" Tarantang sabi nito.

Kaagad naman akong napabalikwas ng bangon ng dahil sa sinabi, "Ha? Bakit?" Sana talaga mali ang iniisip ko.

"Ate lumabas ako kayo'ng dalawa sa News ni kuya." Hinarap nito sa akin ang hawak n'yang selpon, tama nga ang hinala ko mag sasampa ng kaso ang kabila dahil sa nangyari kanina.

Dapat ako! Dapat ako ang nag-sampa ng kaso, ako ang binastos niya ang hinawakab niya! Anong karapatan ng gago na ito na mag reklamo? Kong inaakala nilang matatakot ako. Hindi! Sasabayan ko sila sa laro nila, ipapakita kong anong tamang laro.

Breaking News: Ang modelong si Ms, Misma sinabihang binastos 'raw siya ng isang sikat na co-model!  At hayon nga sa nasagap na balita, sinuntok ng dalawang beses ng isang sikat na photography  ang modelong si Kirby!  Sinampahan na ang dalawang ito ng kaso, dahil sa ginawa sa sikat na si Kirby Cinco."

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Marky.

"Marky! Papasok ako!" Sigaw ko sa labas ng pintuan.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob napansin ko ang kalat sa lamesa nito, mga litrato namin'g dalawa ang nandoon at higit pa sa lahat ang nakalagay sa newspaper na ginagamit ko 'raw ang sikat na photography upang umangat ako.

"Gago! Totoo ba to!" Mabilis kong nakuha ang newspaper ng hahawakan sana ni Marky.

"Wala 'iyan Misma, hayaan muna lang at ililipas 'rin yan." Matamlay nasabi ng binata.

"Bakit ang big deal sa kanila? Sa U.S naman hindi naman ganito iyong mga tao." Tanong ko sa sarili.

Bakit ang big deal sa kanila? Ako iyong binastos ako iyong inabuso! At anong ginawa ng gagong Kirby?  Siya talaga ang nag-sampa ng kaso? Ang kapal grabe! Kong anong kinakapal ng kamay ganon rin ang ugali ng hayop!

"Aayusin ko ito Marky, pangako. Hindi ko hahayaang madumihan ang pangalan mo ng dahil sakin." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito.

Bumalik ang ng kwarto upang magbihis isa lang taong mahihingian ko ng tulong malawak ang negosyo nito kaya alam kong matutulungan niya ako.

Hindi ako nag-dalawang isip na puntuhan ang opisina nito.

Papasok pa lang ako nakakatitig na sa 'akin ang mapanuring tingin ng iba. Well I guest nakaabot nasa s kanila ang balita.

"Siya diba iyong Modelong sikat sa U.S"

"Oo at alam mo ba ang News kanina? Sinampahan siya ni poging Kirby ng kaso!"

"Ay oo mga bes! Ang sabi sa News ginagamit din raw niya ang sikat na photography, iyong crush mo Leleine! Si Marky!"

Binulong pa talaga! Bulong yarn Marites? Sinigaw nalang sana! May nalalaman pang bulong, eh.. hindi naman iyong mabahong boses nila!

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi kona rin pinnsin ang mga naririnig ko.

Ang ganda ko sa araw nato tapos makikipag-away lang ako? NO THANKS! alam ko naman hindi talaga sila nag toothbrush kita pa iyong itim sa mga ngipin nila!

Like duh! Ang hilig mang-chismis, pero 'yong mga ngipin nandon pa iyong tinta ng pusit!




THE MISTRESS (EDITED) Where stories live. Discover now