CHAPTER TWELVE

163 4 0
                                    


"Hello philippines!" kababa lang namin ng eroplano, at ito ngayon ang dalawang abnoy si Marky at Trina nagsisigaw sa labas ng airport.

Iyong dalawa namang kambal 'ayon nanghahaba ang nguso, ang init 'raw masyado sa pilipinas.

Arte ng dalawang batang to. Kong hindi ba naman sa sobrang ka-artehan ng babaeng anak ko ang kapal ng suot na leggings at naka-jacket pa talaga siya. Iyong lalaki ko naman naka-jacket rin at nakapantalon naka bonet pa talaga at gloves.

Sinabihan ng hubarin mona iyong suot nilang jacket at bonet tsaka gloves, hayon nagdadabog masisira raw outfit nila.

"Guy's sa labas nalang tayo maghintay darating na 'raw iyong sasakyan." Sabi ni Marky, kaagad  naman kami sumunod sa sabi niya at naghintay.


Mga ilang minuto may pumarang Limousine. "Oh my ghad! Is this our service?" Maarteng pagtatanong ni Dieve natawa kami sa kaartehan nito.

"Yes sweetie." Natatawang sabi ni Marky.

"Ang arte talaga ni Dieve ate, mag-aapat na taon palang pero kong makaarte akala mo eh..  ang tanda ng kausap mo." Sabay kaming tumawa ni Trina.

"Isn't obvious Dieve?" Nagsisimulang asarin na naman ni Dave di Dieve.

Bago pa 'man mag-away ang dalawa ay sinuway kona ito, kahit saan talaga nagbabangayan pa.

"Mommy after our rest will go to mall, right?" Pagtatanong ni Dieve.

"Yes baby," I kiss her cheeks

"Yieeeee! Tenkyu mommy." Isinandal ko ito sa aking balikat.


Nakatulog na 'rin ako sa gitna ng byahe.

Nagising nalaman akong nasahigaan at sa hinding kilalang kwarto.

Bumalikwas ako ng bangon at nagtungo sa CR upang mag-momog at mag hilamos. Binuhat na naman 'ata ako ni Marky, gawain na 'iyon ni Marky kapag nakakatulog ako sa byahe.

Nasana'y narin ako kaya di 'naako naiilang sa kanya. Lumabas ako ng silid at dinig ko ang tawanan ng apat, nangingibaw talaga iyong halakhak ni Marky.

"Unfair, di marunong gumising." Kon waring galit kong saad.

"I'm sorry mommy, we just thoughts that your really tired. So we don't disturb your sleep," ahh... ang sweet talaga ng panganay ko.

"Mommy?!" Bingi 'ba ako at kailangan pa talagang sumigaw ni Dieve?

"Yes baby?" I asked her.

"Did you forgot your promise?" Nakayukong tanong nito.

"Ofcourse not baby." I hugged her small waist.

"So? We can go now on mall!?" I nodded at her. Nagtatalon ito sa sobrang saya.

"Mom, you should take a bath first." Nagtaka naman ako.

"Why?" nagkatinginan ang dalawang kambal.

"Your smell mom," inamoy ko naman iyong sarili ko.

Amoy pawis nga. Hindi na ako nakipag-away sa dalawa nagpaalam lang akong maliligo at mag-aayos.

1hour din ang umabot bago ako natapos sa aking ginawa sa sarili. I smiled on mirror when I saw my face, ang laki ng pinagbago ng dating ako at ngayon, mas nagkalaman at medyo tumaba din ako.

"Mommy!" Sigaw na naman Dieve ng mapansin ako nito'ng pababa ng hagdan.

"Chill baby," napaka-eksaytid naman ng batang to.

"Infairnes ate ang ganda mo, pahalik nga sa kilikili." Tumatawang lumayo ito sa akin.

"Tumigel ka d'yan Trina at baka sabihin ko iyong sekreto mo!" Pagbabanta ko, namula naman ang pisngeng humarap sakin.

"Si ate galit agad. Baka menupos kana ate?" Gaga talaga to.

"Ammm... Marky I have a secret to share for you." Nanlaki ang mga mata ni Trina ng mabanggit ko ang pangalan ng binata.

"Yes?" Nagpabaling baling ito ng tingin sa 'amin ni Trina.

"Trina have a f----" bulol ang lumabas sa aking bibig ng matakpan ito ni Trina.

"Para ka namang iwan ate! Pahamak talaga iyang bunganga mo, gusto mo tahain ko?" Bulong nito sakin. "Wala 'iyun kuya Marky." Pulang-pula ang mukha nito.

"Mommy where here!" Susmaryusep itong bata! Kong magtitili ay parang ngayon lang nakapasok ng Mall.

"Baby low your voice," mahinahon kong suway.

"Sorry mommy I'm just super excited." nanggilgil itong humawak sa hamba ng pintuan.

Lahat naman 'ata para kay Dieve excited, kahit nga iyong buto ng sitaw nagtitili dahil 'raw bakit may buto iyong pagkain?

Bumaba na kami una namin pinuntahan ang play store, hinayaan mamili iyong dalawa, pagkatapos sa play store alam kona iyong kasunod nito book store na naman para kay Dave. Iwan ba at saan nagmana iyang bata ang hilig sa libro, hindi nagpapahuli iyong Love Story 'jan diba ang taray ng anak ko.

Madami-dami 'rin nabili iyong dalawang baby ko. Dumiretso na kami ng restaurant para kumain, nagrereklamo nasi Trina dahil nga 'raw mamatay na siya sa gutom.

Nag paalam muna akong gagamit lang ako ng CR, kanina pa ako ihing-ihi hindi ko naman magawa kanina dahil pana'y ang hila sa akin ni Dieve.

Palabas na ako CR ng may mabangga ako isang matigas na bagay. Wait? Wala naman kanina poste sa labasan ng banyo, kaya bakit matigas? Pinaglandas kopa iyong mga kamay. Oh my god! Hindi naman pala siya matigas piniga ko ito malambot pala talaga siya.

Mabilis akong nag-angat ng tingin ng maka-recover ako sa ginawa ko, gago kaya pala medyo malambot hindi naman pala talaga poste kondi Biceps, yummy na sana kaso. Para akong natakasan ng dugo nang makilala kong sino iyong nakabangga ko.

Lumipas man ang taon, nagbago man iyong hugis ng mukha nito, lumaki man ang katawan ngunit masasabi kong kilala ko parin ito.

Ang bilis ng tibok ng puso para bang may nagkakarera sa loob hindi ako makagalaw, sinubukan ko 'ring magsalita ngunit hangin lang ang lumalabas sa bibig ko. Nanginginig na iyong mga tuhod ko pati ata mga kamay ko ramdam kong namamawis na.

"Oh, hai Misma." Pormal ang pagkakasabi nito sa 'akin pero bakit parang ang diin naman ata ng salitang binitawan niya.

Pati iyong boses ang lalim, para akong mababaliw hindi ako makagalaw, walang lumalabas na salita sa aking bibig.

"Babe! There you are, bakit ang tagal mo? Hinihintay kana ng mga bata." Muntik na! Mabuti nalang at naisipan sundan ako ni Marky. "Relax Misma." Bulong nito.

Huminga ako ng malalim bago halikan ang pisnge ni nito.,ramdam kong nanigas ito sa ginawa ko. Ngayon ko lang kasi nagawa sa kanya ito.

"I'm sorry Babe, may nadaanan lang kasi akong dating kaibigan." diniinan ko talaga ang salitang 'kaibigan'.

"Marky this is Davy, my friends from highschool." Nakipag-kamay ito kay Marky.

Nanginginig ang kamaong binaba nito ang kamay napansin kong malalim rin iyong paghinga ni Davy.

"And Davy my Fiance Marky," mas lalong nagdilim ang paningin nito sakin. Para rin itong kinakapos ng hininga.

Kaagad kong hinila si Marky, natatakot ako sa pwedeng gawin ni Davy kay Marky, kilala ko siya kaya alam ko kong anong gagawin niya kay Marky.

Hindi kona rin binalak ibaling ang aking tingin sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pagkaladkad kay Marky.

THE MISTRESS (EDITED) Where stories live. Discover now