Chapter Ten
Pain
"These are your brothers." Pinakilala sa akin ni Papa ang tatlong lalaking mga kuya ko.
When Wesley left home to go to his father in Europe, nagkasakit si Tita Joyce at hindi na siya nakapagtrabaho. May savings naman si tita but I wanted her to spend it on herself. Ayaw ko nang maging pabigat pa sa kaniya. Kaya gaya ng bilin ni Mama ay pumunta ako kay Papa.
He knew me. When I told him that my mother's already dead, wala siyang sinabi. He only accepted me and brought me home. Alam naman pala ng asawa niya at kahit ng mga kapatid ko na may isang anak pa ang Papa namin sa ibang babae. Pero hinayaan lang nila kami ni Mama.
My father's wife was okay, she's civil to me. Pero hindi rin kami nag-uusap kung hindi naman kailangan. Ang panganay kong kuya ay parang ganoon lang din. While I'm never comfortable with my second brother. Ang pangatlo ko namang kuya ay mabait sa akin. He's the only one who's kind to me in that house.
I was also introduced to some family friends. Lalo na sa mga Laurel na sobrang malapit si Papa at ang pamilyang ito ang nagpaaral sa kaniya hanggang sa maging abogado siya. Judge Laurel treated my father as his brother. Sabay silang lumaki at sa pamilya nila tumira si Papa simula nang maulila ito sa mga magulang na dating nagtatrabaho rin sa pamilya Laurel.
"Tapos na ba siya sa kaniyang pag-aaral?" tanong ni Judge kay Papa.
Bumaling sa akin si Papa saglit. I remained quiet as we ate our dinner on the long table Tita Carina prepared especially for the guests. "Hindi pa. Ililipat ko pa lang din siya ng eskwelahan. She's taking Political Science." Papa decided even though we barely talked about it.
Bumaba nalang ang tingin ko sa plato ko. The food was good enough but I miss Tita Joyce's cooking.
Masayang bahagyang tumawa si Judge. "Mag-aabogado rin!"
Papa nodded smilingly at Judge Laurel.
Pagkatapos ng dinner ay nag-usap pa ang mga nakatatanda. While I went outside to Tita Carina's garden as my brothers went on their own, too. Hindi nga lang nagtagal na mag-isa ako doon dahil sumunod sa akin ang nag-iisang anak ni Judge. Bumaling ako sa kaniya.
"Hey," he smiled. Hindi naman ako makangiti agad. He stood taller beside me. "Ano'ng year ka na sa Political Science?" he asked. He mentioned a university where he studies.
I didn't really know what to say. Mag-uusap pa kami ni Papa. I wanted to pursue and finish my Education course. I wanted to be a teacher like Tita Joyce. Sa ilang beses ko ring pagsama sa kaniya noon sa school at sa mga klase niya para mag-assist din sa kaniya minsan at natutuhan ko nang magustuhan ang pagtuturo.
"Oh, am I bothering you? I'm sorry, I hope I'm not making you uncomfortable..."
I turned to the man. Now that I look at him closely ay parang nakita ko na siya noon. Hindi ko lang maalala kung saan. Umiling ako. "Hindi... Uh, hindi ko pa alam kung saan ako i-enroll ni Papa." I said.
Tumango-tango naman siya.
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap naming iyon dahil nilingon na namin nang may tumawag sa kaniya. Even his name sounds a little familiar to my ears. I'm not sure if we have already met before. Wala rin naman siyang sinabi. He only tried to talk to me politely that night.
"Let's go, son?" tawag sa kaniya ng Mama niya na asawa ng Judge. Sumulyap din ito sa akin.
From the very beginning I knew that Art's mother dislike me. Even though nilapit ko pa rin ang sarili ko kay Arthur Laurel. Dahil iyon lang ang nakita kong paraan para makatakas ako sa bahay nina Papa.
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionAryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end up raising her child without its father because she chose to be with the man who was there for her when she needed him. Aryanne was happy wit...