Chapter Twenty-eight
Guitar
I think people are lucky to be given chances. We're lucky that we can make our own choices in life. But we're luckier to still have a chance despite the bad choices we made. I realized this after everything that had happened to us.
"Uh, if you'll sleep here then I have to clean the rooms." sabi ko pagkatapos kong kumalma at medyo awkward na umalis sa yakap ni Wesley. Pinasadahan ko rin ang pisngi ko sa maaring luha pa na nandoon pero mukhang natuyo na ang lahat.
"It's okay. I can sleep in our son's room."
Unti-unti akong tumango. I actually sleeps in Wesley's old bedroom. Tapos iyong kwarto ko naman noon dito sa bahay nila ng Mama niya ang ginawa kong bedroom ni Riff. Tatlo lang ang mga kwarto sa bahay kaya pwedeng sa dating kwarto na ako ni Tita Joyce matulog o sa kay Riff para matulugan ni Wesley ang kwarto niya. Kompara sa amin ni Wesley ay mas maliit ako kaya kasya pa ako sa tabi ng anak namin.
"Okay... Pero maliit lang ang kama ni Riff." I said.
"Riff... You named him?"
I nodded.
I saw Wesley smiling and then he nodded, too.
"It's okay. Do you have extra blankets? I can sleep on the floor."
Maagap naman akong umiling sa sinabi niya. "No. Hindi na. Actually you can sleep in your room. Pasensya na at iyon ang ginagamit kong kwarto..."
Umiling din si Wesley. "It's all right."
"Uh, may dala ka bang extra na damit mo?"
"I have in my car."
Tumango ako at sinamahan na muna siya sa labas sa kaniyang kotse. Mukhang may overnight bag nga siya sa loob ng sasakyan niya. Kinuha iyon ni Wesley at pagkatapos ay bumalik na kami sa loob ng bahay. Nag-locked na rin kami at umakyat na sa pangalawang palapag kung nasaan ang mga kwarto.
"Sigurado ka bang dito ka matutulog?" Tukoy ko sa kwarto ni Riff.
He nodded. "Yes. It's all right, don't worry."
Unti-unti akong tumango. At dahil nga maliit ang kama ni Riff at hindi na kakasya si Wesley doon dahil medyo malaking bata rin ang anak namin kaya naglagay na lang ako ng pwede niyang higaan sa sahig. I was still hesitant on letting him sleep on the floor. Pero parang wala lang naman iyon kay Wesley. Like it's really no big deal for him.
Katatapos ko lang ayusin ang higaan niya nang pumasok si Wesley sa kwarto ni Riff na basa pa ang buhok galing sa pagligo. Nakasuot na siya ng isang pajama at plain white shirt. Nagkatinginan kami pero hindi ko rin matagalan ang tingin ko sa kaniya kaya nagsabi na rin akong aalis na at pupunta na rin sa kabilang kwarto para makapagpahinga na rin.
"Uh, sure ka na okay ka na rito?"
He nodded. "Yes. Thank you."
"Sige..." Tumango-tango ako.
"Goodnight, Aryanne."
Bahagya pa akong natigilan at nilingon siya nang palabas na ako sa kwarto. "Goodnight, Wesley..."
He smiled.
I bit my lip as I turned my back to the door and out of Riff's bedroom.
Matagal pa akong nakatulog kahit nakabihis na rin ako at handa na sa pagtulog. Wala na rin akong kailangang gawin kahit para sa trabaho ko. Hindi lang talaga agad ako nakatulog sa kakaisip. Iniisip ko kami ni Wesley at ang anak namin. Hindi na kami mga bata. Ang dami nang taon ang lumipas. Pero nandito pa rin kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionAryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end up raising her child without its father because she chose to be with the man who was there for her when she needed him. Aryanne was happy wit...