Chapter Twelve

817 56 8
                                    

Chapter Twelve

Confused



"Lalo ka yatang gumaganda, Aryanne. Siguradong naaalagaan ka nang mabuti ni Attorney Arthur." ngumiti sa akin si Tita Joyce.

Napangiti nalang din ako. I always visit her ever since every chance I get... Kahit umalis na ako sa puder niya ay pinupuntahan ko pa rin si tita para dalawin at kumustahin. Nahirapan nga lang ako noong mga unang beses dahil hindi ako halos makaalis sa bahay ni Papa.

"Kumusta po kayo, tita?" I checked on her. Medyo matagal na rin simula noong huli ko siyang nadalaw. May kalayuan din kasi itong lugar at probinsya na. As soon as I learned driving through Arthur who taught me ay mas dinalasan ko na ang pagdalaw dalaw kay tita.

"Ayos lang naman ako, Aryanne." She smiled. Her wrinkles especially beside her eyes were showing. She aged.

I wanted to directly ask her about Wesley pero hindi na talaga namin napag-uusapan...

"Tita..." Humugot ako ng hininga. "Bakit hindi po kayo sumama noon kay Wesley? May nagsabi po sa 'kin na binalikan niya raw po kayo noon..."

Nanatili ang tingin sa akin ni Tita Joyce. I looked down.

"Ayaw ko kasing iwan itong bahay... Nandito lahat ng memories namin ni Wesley. Dito ako nagsimula kasama ang anak ko."

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Joyce at nakita ko siyang nakangiti. Bahagya na rin akong ngumiti.

"Isa pa... Ayaw ko nang bumalik pa sa lugar na iyon." she said.

Tita Joyce told me about what really happened to her and Wesley's dad. Nagtatrabaho raw siya noon bilang teacher sa London nang makilala niya ang Papa ni Wesley... An English man who's parents hired tita to be his private tutor. Para kumita raw ng extra ay tinanggap ni tita ang trabaho. Pero nagkaroon sila ng relasyon. Mas bata rin kay tita iyong lalaki. The family threatened Tita Joyce. Kaya mabilis na siya noong umalis sa London at umuwi sa Pilipinas na buntis na sa kay Wesley. Hindi matanggap ng pamilya niya rito sa Pilipinas ang nagyari sa kaniyang pagkabuntis sa ibang bansa at pagkawalan ng trabaho lalo na ang Mama niya na namatay dala-dala ang kinahinatnan ni Tita Joyce. Tita was guilty and got traumatized of everything that had happened to her. At dito sa probinsyang ito siya nakapagsimula muli at napalaki si Wesley.

"Nag... kita na ba uli kayo ng anak ko, Aryanne?"

Tumingin ako kay tita at unti-unting tumango.

She sighed. "May ginagawa lang siyang movie rito sa bansa ngunit babalik din sa England. Inaayos na rin iyong problema sa kasama niya sa banda."

Marahan lang akong tumango kay tita.

We barely talked about Wesley every time I visit her. We usually only talk about me at kinukumusta lang namin ang isa't isa. She knew about Arthur after I told her at isang beses ko na rin nadala dito at napakilala sa kaniya ang boyfriend ko...

Tita Joyce was like a mother to me. Kahit nawala na si Mama ay nanatili siyang nandiyan para sa akin after all that happened.

Paalis na rin ako nang may marinig kaming dumating na sasakyan sa labas. Tumingin ako kay tita. Is she expecting a visitor today? "Tita, mukhang may tao po yata sa labas,"

Nakatingin sa akin si Tita Joyce. "Si Wesley siguro iyan..." ani tita.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad parang nagwawala ang puso ko sa kaba... "B-Buksan ko lang po ang pinto..." paalam ko kay tita.

Tumango siya at tinungo ko na iyon. I opened the door and it revealed Wesley. Agad nagtagpo ang mga mata namin. Mukhang hindi rin niya inaasahan na nandoon ako. "Uh, pasok ka..." Binukas ko ng malaki ang pinto.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon