Epilogue

1.7K 84 35
                                    

Epilogue

Our Song


"Wesley!" My eyes widened as I noticed that I was already able to continuously maneuver the bike! "Tingnan mo. Marunong na ako!" I chuckled.

"Marunong ka na nga, Aryanne!" Wesley also sounded happy for me.

Pagkatapos ng matiyagang pagtuturo sa akin ni Wesley na magbisikleta ay natuto na rin ako.

"Magsisimba rin ba uli sina Maxine mamaya?"

Tumango sa akin si Wesley. "Oo. Makikita natin sina Mike mamaya sa simbahan."

"Kung ganoon kakain uli tayo ng mga binibentang pagkain doon sa labas ng simbahan?" Kagaya noong nakaraan.

Wesley smiled at me and then he nodded again. "Oo ba."

I smiled widely. "Sige!"

Ganoon kasi ang ginawa namin noong nakaraang linggo rin.

"Gusto mo pa?" Wesley placed his food in front of me.

Napatingin naman ako sa fishball. Gusto ko pa nga. Naubos ko na kasi iyong akin habang kumakain pa sila nina Maxine at kulang din yata ang nadala kong pera. Napatingin ako sa simbahan kung nasaan nagpaiwan muna sina Mama at Tita Joyce at kausap pa ni tita ang ilan din niyang mga kakilala na nagsimba rin. Kung babalik ako doon at manghihingi ng dagdag na pera kay mama ay pwede naman siguro. Pero baka maistorbo ko rin ang mga nakatatanda. "Paano ka?"

"Busog na ako. Sa 'yo nalang 'to." The boy Wesley gave me a gentle smile.

Napangiti rin ako at unti-unting kinuha sa kaniya ang fishball at kinain. Wesley smiled as he saw me eating the food he gave me.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Wesley nang makita akong napakamot na sa ulo ko.

"Alam mo ba 'to?" Pinakita ko sa kaniya ang math assignment ko. Tingin ko ay hindi rin talaga ako magaling sa math. Sana pwedeng piliin ko lang ang mga gusto kong subjects sa school at iyon lang ang pag-aaralan ko every school year. At siguradong hindi ko isasama ang Math na subject.

Tiningnan naman iyon ni Wesley. Wala raw siyang gagawin ngayong weekend kaya nandito siya sa bahay namin at pinagmeryenda na rin ni mama. "Hindi ko kasi maintindihan. Ang hirap." sabi ko at gusto ko nang sumuko.

"Ganito lang 'yan." At nagsimula akong turuan ni Wesley sa assignment ko. Bakit kapag siya ang nagturo ay naiintindihan ko naman habang ang teacher namin sa school ay hindi?

"Ah. Sige, nakuha ko na. Salamat!"

"You're welcome. Sige sagutan mo na 'yan lahat. At kung may tanong ka pa sabihin mo lang sa 'kin."

Tumango-tango ako. "Okay!" At tinapos ko na ang assignment ko.

I will always remember Wesley as the gentle boy who became my friend and then later on my best friend since we were young. He was my first friend and my best friend. Who later also became my first love. Sa kaniya ko naramdaman ang unang pagtibok ng puso ko para sa isang tao. He was my first in everything. He made me feel all those feelings for the first time.

May masakit man na parte ang relasyon naming dalawa pero hindi ko maipagkakaila na marami rin ang mga masasayang bahagi ng buhay namin na magkasama. Wesley actually made me feel the best things that I could ever experience in this life. Ganoon naman siguro talaga. Kapag mahal mo siguradong napapasaya ka. Kahit pa sa kabila rin ng mga pasakit minsan.

"Our song is the slamming screen door. Sneakin' out late, tapping on your window. Where we're on the phone and you talk real slow. 'Cause it's late and your mama don't know. Our song is the way you laugh... And when I got home, 'fore I said "Amen". Asking God if he could play it again..." I sang the lyrics as I listen to the song called Our Song by Taylor Swift on my phone and through the earphones. I also closed my eyes to say a silent prayer.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon