Chapter Six
Feelings
"Aryanne..."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. It was Jacob looking shy as he approached me. It's been years at mga bata pa kami noong sinubukan niya akong i-bully. Now I can see that he's changed and not anymore childish...
"Oh, Jacob?"
Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Papunta na ako sa classroom ko nang araw na iyon. Lumiko na rin kanina si Wesley papunta naman sa Grade 12. Sa susunod na pasukan ay college na siya at maiiwan na akong mag-isa na magiging Grade 12 pa lang. Parang gaya noong naiwan din ako sa elementary dahil Grade 6 pa noon at graduate na sina Wesley. "Gusto sana kitang isayaw noong prom," medyo nahihiyang sinabi ni Jacob.
Hindi agad ako nakapagsalita. I was aware that he likes me. Parang hindi na rin naman niya iyon tinatago. Hindi lang din ako ganoon ka komportable.
"Kaya lang hindi umaalis sa tabi mo si Wesley..." he added.
"Uh, oo, sila nina Maxine and madalas kong nakasama noong prom..."
Jacob nodded. "Oo... Gusto ko lang sanang magtanong... uh, kayo na ba?"
Kumunot ang noo ko pagkatapos ay umiling. "Magkaibigan lang kami ni Wesley."
He smiled. "Sabi ko na! Kung ano-ano kasi ang sinasabi ng ibang estudyante tungkol sa inyo. Alam ko namang hindi totoo 'yon. Pero kasi... noong prom, hinarang talaga ako ni Wesley noong gusto kong lumapit sa 'yo. Muntikan pa nga kaming magkasuntukan kahit ayaw ko naman talaga ng gulo. Hindi ko lang kasi talaga siya maintindihan kung bakit ganoon siya umakto. Parang boyfriend mo siya kung umasta. Kahit hindi naman."
I didn't know it happened. Maybe I was with Maxine at that time? Or I was doing something else... Kaya hindi ko na napuna na gusto pala akong lapitan ni Jacob at isayaw...
"Sa totoo lang, Aryanne. Matagal ka nang binabakuran niyang si Wesley kahit wala naman siyang karapatan!"
Kumunot ang noo ko. Wesley can't do that. He's my friend and I know that he can be protective sometimes... Pero bakit naman gagawin ni Wesley ang binibintang sa kaniya ni Jacob? I'll just talk to Wesley later. "Kakausapin ko nalang si Wesley mamaya, Jacob. Sige, mauna na rin ako sa 'yo at baka ma-late pa ako sa klase ko."
He nodded with a smile on his literal bigger face. Ayos lang sa akin na maging magkaibigan kami pero kung liligawan niya pa rin ako ay hindi ko siguro mapapayagan dahil ayaw ko noon. Mga bata pa rin kami at mas mabuting mag-aral nalang muna.
I grew up without a father. And when I think of it, gusto ko sanang piliin ng mabuti ang posibleng magiging ama ng magiging anak ko sa hinaharap. I know it might still be early to think about it but I just can't help it. I've heard and read it somewhere that a child can't choose his or her parents but a woman can choose her child's father. At ganoon din naman sa mga lalaki sa babaeng pipiliin nila. Ayaw ko lang na matulad sa akin ang anak ko.
Nang uwian ay sumabay lang muli ako kanila Wesley. Maxine looked fine now after what happened on our prom... Mukhang okay lang din naman sila ni Mike... Nang maiwan kaming dalawa ni Wesley ay hindi muna ako pumasok sa gate ng bahay namin. Tumigil din si Wesley sa tabi ko. "Pwede ba tayong mag-usap, Wesley?" I asked him.
He looked at me and nodded his head. "What is it?"
I sighed a little. "Hinarangan mo raw si Jacob noong prom? Gusto niyang lumapit sa akin pero pinigilan mo raw siya..." I was also asking him dahil ayaw kong pag-isipan agad siya gayong kay Jacob ko lang ito narinig.
But then he looked away to his side.
I sighed obviously this time. "Wesley... hindi dapat ganoon. Magkaibigan tayo at alam kong nag-aalala ka lang naman sa akin. Kung tungkol pa rin ito sa pambubully sa akin noon ni Jacob ay matagal na iyon. I have already forgiven him a long time ago. And we can even be friends now. You don't really have to worry, Wesley—"
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionAryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end up raising her child without its father because she chose to be with the man who was there for her when she needed him. Aryanne was happy wit...