Chapter Four
Sick
"Marunong ka?" medyo gulat at mangha kong tanong kay Wesley nang makitang nagsimula siyang patugtugin ang isang lumang gitara.
Ngumiti lang siya sa akin at tumango.
Nakinig ako habang tumutugtog siya. Kasama namin sina Maxine na nagpunta sa isang tree house sa likod ng bahay nina Michael. Ginawa raw ito ng Papa ni Mike noong mas bata pa silang apat para may mapaglaruan ang magkakaibigan. Sobrang bata pa talaga naging magkakaibigan sina Justin, Maxine, Michael at Wesley. Kung sabagay magkakapitbahay lang din sila.
"Saan ka natuto? May nagturo ba sa 'yo?" tukoy ko sa paggigitara niya.
Nag-angat ng tingin ang berde niyang mga mata sa akin. Umiling siya. "Wala naman... Pero noong narinig kong mag-gitara ang Papa ni Michael nakuha na no'n ang atensyon ko. Pinapahiram nila ako ng gitara kapag nandito ako kaya natuto rin," he shrugged.
Tumango ako.
Narinig namin sina Maxine na paakyat na sa tree house. Hindi sobrang laki ang tree house pero hindi rin naman maliit. Sakto lang para sa aming lima at medyo maluwang pa nga ang loob. Galing ang tatlo sa bahay nina Michael para kumuha ng meryenda. Sinalubong ko sila at tumulong na rin.
"Nandito pala ang gitara n'yo, Mike? Hindi ko napansin kanina." si Maxine.
Tumango si Michael at tumingin na rin kay Wesley. Kumuha na rin kami sa pagkain na dala nila. Juice iyon at ilang biscuit.
"Marunong palang mag-gitara si Wesley..." sabi ko sa tabi ni Maxine.
Bumaling siya sa akin. "Oo! Marunong din siyang kumanta, silang tatlo!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. I didn't know the three boys can perform some music... Pero nalaman ko rin na may banda din pala ang parents nina Michael at Justin. Kaya hindi na nakapagtataka na namana rin ng mga anak nila ang kanilang talento.
And for the first time I heard Wesley sing with both Justin and Michael. And it was amazing! They were good. Sumasabay na rin si Maxine at nang tingnan ko ay ngumiti siya sa akin. Until I slowly joined their singing, too... At first I was just humming the familiar song quietly until I was already opening my mouth to sing with them. And it was really fun!
So for Wesley's 12th birthday I gave him a guitar as a gift. Inubos ko ang buong ipon ko sa aking piggy bank at tumulong din si Mama para mabili namin iyon.
"Happy birthday, Wesley." I greeted him.
Hindi pa siya agad nakapagsalita nang makita ang regalo ko sa kaniya. We had a simple celebration for his birthday. Tita Joyce cooked all the delicious food and Mama also helped her in preparing. Kami ni Mama at ang tatlong sina Maxine, Justin at Michael lang din ang nandoon bilang bisita gaya lang din ng gusto ni Wesley.
"T-Thank you, Aryanne..." he said slowly and even stuttered a bit. And then he hugged me.
Nagulat pa ako sa yakap niya sa akin. I looked at everyone around in their home. Nakangiti sa amin pareho sina Mama at Tita Joyce. At ganoon din ang tatlo pa naming mga kaibigan.
"Thank you!" muli siyang nagpasalamat nang pakawalan ako sa yakap. He was smiling widely and gratefully which made me smile in the end.
We ate the food for his birthday happily after Wesley just blew on his cake. And of course after we sang him a happy birthday song.
Those were my first few weeks with the new place, new school and classmates, and Wesley and his friends. And of course Tita Joyce who's really a good cook! Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ang mga unang araw ko sa nilipatan namin ni Mama. Back in Manila I had no friends... for being the quiet type... Tapos dito sa probinsya ay parang bigla akong nagkaroon ng mga kaibigan, mga taong agad napalapit sa akin, especially Wesley. He was my first friend and became my protector... He's my best friend.
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionAryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end up raising her child without its father because she chose to be with the man who was there for her when she needed him. Aryanne was happy wit...