Chapter Twenty-four
Stranger
"Aryanne! Magdidisband na ang banda nina Wesley! Nakausap na rin namin si Justin! Ha! Pagkatapos ng maraming taon?! Akala ko nga kinalimutan ni nila tayo ni Wesley." maingay na bungad sa akin ni Maxine sa tawag. She's in Manila with Michael and their two kids now, while I remained in the province with my son.
Narinig ko nga iyon sa balita. Nag-retire na rin ang mga ka band members ni Wesley dahil nag-asawa na at nagpamilya. Satisfied na rin ang fans sa ilang taon na pagbibigay ng entertainment ng band nila. At sa sinasabi ngayon sa akin ni Maxine ay mukhang uuwi nga sa bansa sina Justin at Wesley...
Nakaramdam pa rin ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko.
What will happen now...?
Sobrang tagal na puro news lang sa TV at internet ang mga nalalaman ko tungkol kay Wesley. Hindi na ako naging sigurado kung sila pa nga ba ni Savannah o hindi naman talaga... Kasi mukhang nakailang palit din siya ng girlfriend, base sa balita. Pero iyong huling naging girlfriend niya ay nagtagal sila ng two years... Pero naghiwalay din... Ayon lang lahat sa news tungkol sa sikat na si Wesley Rivera.
I looked at my son who got his dad's pretty green eyes. Unang tingin pa lang ni Wesley sa batang ito ay alam niya nang anak niya si Riff. Wala nga yatang namana sa akin ang anak ko at lahat kuha sa tatay niya. Pakiramdam ko ay nakasama ko uli ang batang si Wesley. Dahil alaala kong ganito rin noon ang hitsura niya noong mga bata pa lang kami. Ganito noon si Wesley kumilos o magsalita. Kuhang-kuha lahat ng anak ko kahit hindi siya lumalaking kasama ang Papa niya...
***
"Teacher Aryanne!" Halos dumugin ako ng mga students ko nang dumating ako sa venue. I was late because I also had to attend to my son's needs, too. Hindi talaga maiwasan minsan lalo at pinagsasabay ko ang trabaho at pagpapalaki ng anak.
"Sorry, late si teacher. Kayo na ang susunod?" I checked on them last minute as soon as I arrived. They will be performing music with other students and schools. Para na rin sa anniversary ng isang foundation.
Lumabas din ako galing sa backstage nang sila na ang magpeperform sa stage. I smiled and I felt proud of my students. They're young and talented.
Nasa likod na bahagi na ako kaya hindi ko na kita ang mga nasa harapan na siguradong mga founder ng foundation at sponsors.
We all clapped our hands after the children performed. Ma'am Beth, our school principal found me and brought me in front for introductions.
"This is Miss Aryanne Cruz, our talented teacher! Siya ang nagtuturo ng music sa mga students ng school namin." Ma'am Beth happily introduced me.
Medyo nakadama pa rin ako ng konting hiya sa papuri. I greeted and shook hands with the important people of the foundation. Nanlaki nga lang ang mga mata ko at halos manigas ako sa kinatatayuan nang makita kung sino na ang taong nasa harapan ko!
"Mr. Wesley Rivera!" Ma'am Beth became much happier when she saw him near.
Naglahad ng kamay sa harap ko si Wesley at nang matauhan ako ay halos taranta pa akong tinanggap iyon. Halos manginig din ang kamay ko nang humawak sa kaniya dahil sa pakikipagkamay. It was a short handshake at agad din naghiwalay ang mga kamay namin. Napayuko ako at ramdam ko ang pag-iinit ng mukha dahil sa naging reaction ko kanina nang makita ko siya. I was obviously shocked! Bakit hindi? Hindi ko inaasahan na magkikita kami rito...
Nalaman ko lang na isa pala si Wesley sa sponsors ng foundation na tumutulong sa mga young musicians na magamit talaga nila ang kanilang talent.
Napagmasdan ko ang mukha ni Wesley nang maging abala siya sa pakikipag-usap sa ibang tao habang nandoon ako nakatayo malapit sa kaniya dahil nanatili rin ako sa tabi ni Ma'am Beth.
![](https://img.wattpad.com/cover/88286421-288-k873471.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionAryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end up raising her child without its father because she chose to be with the man who was there for her when she needed him. Aryanne was happy wit...