Prologue

3.9K 145 24
                                    

Warning: The story may contain mature themes. Please read at your own risk.

Prologue


Green





Aryanne

The growing stubble on his face tickled me. Panay ang iwas ko sa kaniya habang tumatawa. Mataas na ang sikat ng araw sa labas, but we were still in bed cuddled under the comforter.

"Art, stop," tumatawa ko na pigil sa mga kamay niyang nangingiliti sa akin.

Mariin niyang hinalikan ang pisngi ko habang nakayakap sa akin bago ako tuluyang pinakawalan. Bumangon ako at inabot ang isang shirt na hinubad niya kagabi sa akin at sinuot iyon. Umalis na rin ako sa kama habang nanatili naman siyang nakahiga pa doon.

Napailing nalang ako at hinawakan ang kamay niya upang hilahin. "Come on, Attorney Arthur Laurel! You'll be late for the hearing..." I told him.

Ang alam ko ay may hearing pa siya ngayon para sa isang client niya base sa kaniyang schedule na nasilip ko kagabi.

He pouted for awhile. Napabangon na rin siya. Umupo siya sa dulo ng kama at lumihis ang kumot, revealing his nakedness. Pabiro pa akong suminghap at agad nagtakip ng mga mata. Narinig ko ang kaniyang pagngisi at hinila ang baywang ko para maupo sa lap niya.

He showered me with his tickling kisses again. Tawa muli ako ng tawa. Natigil lang kami nang mag-ring na ang cell phone niya sa tawag ni tito.

"Yes, Dad," Art answered his dad's call.

Umalis na rin ako sa kandungan niya at nauna nang tumungo sa bathroom para makapag-shower, while he talked to tito over the phone. Mali-late pa yata ako sa appointment ko dahil sa makulit na si Art. Minsan ko talagang maisip that he's just a little boy na nakatago sa isang matipunong bachelor dahil sa kaniyang pagkapilyo rin minsan.

Natapos ako sa pagligo at sumunod naman sa akin si Art habang nagbibihis ako. Pagkatapos namin pareho sa pag-aayos ay umalis na kami sa condo niya. Hinatid muna ako ni Art sa pupuntahan ko bago siya tutuloy na rin sa trabaho niya.

"We're here," aniya nang ihinto ang kotse niya sa harap ng isang building.

Kabado rin ako pero at the same time excited din habang nakatingin sa gusali through the car's window. Bumaling ako kay Art na may encouraging na ngiti para sa akin. As if telling me that I can do it by his handsome smile. Napangiti na rin ako.

"I'm nervous." pag-amin ko.

Lumapit siya sa akin, tucking some loose strands of hair behind my ear. "Don't be, baby. I know you can do it." he reassuringly said.

Medyo may pag-aalinlangan pa rin ako pero dahil sa pagpapalakas ni Art sa loob ko ay kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam ko. He was smiling and even stretched my lips to form a smile, para ngumiti pa ako. Lalo nga akong napangiti, until I chuckled.

"Thank you, Art." I thanked my ever supportive boyfriend.

Ngumiti siya at lumapit pa upang madampian ako ng halik sa labi ko. "I love you." he told me as he looked into my eyes.

I smiled. "Love you."

Pagkatapos ay bumaba na ako sa sasakyan at pumasok sa building.

Sinalubong din ako mismo ni Sir Oliver. He was our music teacher back in high school. Now he's managing artists... He smiled as he saw me.

"I'm late, Sir. I'm sorry." agad kong hingi ng paumanhin.

But Sir Oliver shook his head. "Ayos lang. Wala pa rin naman... Oh, kumusta ka na, Aryanne?" nagawa pa ako nitong kumustahin.

Ngumiti ako. "Ayos lang po, Sir. Kayo po?"

Nag-usap kami ni Sir Oliver hanggang pumasok sa isang mukhang conference room dito sa TV station building. At mukha rin wala pa namang ibang tao roon bukod sa amin.

"Kilala mo naman siguro si Savannah Ortega?" tanong sa akin ni Sir Oliver nang maupo rin kami roon.

Tumango ako kay Sir Oliver. Hindi na ako masyadong nakakapanood ng TV pero isang sikat na Filipino-American actress ang magandang si Savannah Ortega sa Pilipinas.

"Good. Isa siya sa makakatrabaho mo." ngumiti sa akin si Sir Oliver.

Umawang pa ang labi ko at halos hindi ako makapaniwala na may makakatrabaho ako agad na kasing sikat ni Miss Savannah!

Ngumiti lalo si Sir Oliver sa reaction ko. Agad napunta ang atensyon namin sa dumating at maagap na tumayo. Agaran din ang pagbati ni Sir Oliver at nalaman kong ang mismong may-ari iyon ng istasyon.

"Madam, this is Aryanne Cruz..." Sir Oliver introduced.

Mabait at mukhang friendly na ngumiti sa akin ang TV station owner. "Nice to meet you, hija." kinamayan ako nito.

Maagap din akong nakipagkamay. "Nice to meet you, Ma'am,"

"She's the aspiring songwriter I was telling you, Madam. Siya na rin po siguro ang kakanta sa part sana ni Savannah." ani Sir Oliver.

"Oh," tumango-tango ito at ngumiti pang bumaling muli sa akin.

Ngumiti lang din ako...

"Wala pa ba sila?" tanong nito.

Umiling si Sir Oliver. "I'm sorry, Madam, nandito na rin sila mayamaya- Oh! They're here,"

Lahat kami ay bumaling sa mga bagong dating.

Una kong nakitang pumasok si Miss Savannah Ortega... I was smiling until I met a familiar pair of eyes...

My lips parted. Nawala ang ngiti ko at pakiramdam ko parang saglit na huminto ang pintig ng puso ko. Parang bumagal din ang takbo ng oras, and everything around me as if turned into a slow motion...

Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking kasunod na pumasok ni Savannah Ortega. His face looked so serious and void of any emotion. His sea green eyes bore into mine and memories flashed in my mind like a fast replay of a certain recorded scenes...



Author's Note: This is a work of fiction. All rights reserved. I do not allow my work to be used or adapted in any way without my permission. Thanks!

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon