Chapter Twenty-seven
Tumayo at pumunta sa kusina si Wesley and when he came back he's with a glass of water for our son. Riff kept on crying awhile ago pero unti-unti na rin siyang kumalma. Pinainom ko siya sa tubig na dala ng Papa niya. Nagpaalam din ako saglit na ikukuha lang siya ng pampalit na damit dahil nabasa na sa pawis ang suot niya dahil sa pag-iyak.
When I returned I saw Wesley was already trying to talk to his son. Pero nag-angat lang ng tingin sa akin ang tahimik lang na si Riff nang makita niyang nakabalik na ako. Binihisan ko siya at halos tulungan din ako ni Wesley. "Maghahanda pa nga pala ako para sa hapunan... May pupuntahan ka pa ba?" I looked up to Wesley.
Umiling siya. "Can I stay?" he asked me.
Unti-unti akong tumango.
Riff fell asleep in my arms dahil na rin sa pagod niya galing sa pag-iyak. Wesley carefully took our son from me and carried him up to his strong arms. Sinamahan ko siyang dalhin muna ang anak namin sa kwarto nito. Pagkatapos ay iniwan muna namin doon si Riff.
"Magluluto lang ako." paalam ko kay Wesley.
From our son he turned to me and stood up from Riff's bed. "Aren't you tired to cook dinner? We can order food for now. What does he want?" He turned to Riff again who was now sleeping. Pero alam kong gigising din siya mamaya dahil makakaramdam pa rin ng gutom lalo at mukhang hindi na niya nakain ang meryenda niyang sandwich kanina. "What does he usually eat...?"
"He likes fried chicken. Iyon ang favorite niya at... afritada rin na maraming potatoes. Pareho kayo ng favorite na ulam." I gave Wesley a small smile.
Malungkot na napangiti rin si Wesley at muli pang bumaling sa natutulog na si Riff bago namin muna tuluyang iniwan ang kwarto ng bata. Wesley ordered food while I cleaned the house a bit. Medyo makalat din kasi ang bahay because I was busy with work and Riff the past days.
"Is this his?" Tinuro ni Wesley ang electronic keyboard na nandoon sa isang tabi sa sala.
Tumango ako. Binili ko iyon kay Riff noon dahil mahilig din sa musika ang anak ko. Madalas din niya itong gamitin at tugtugin. "He likes music, too. Just like you." I told Wesley.
We heard the doorbell and our food arrived. I did not expect that Wesley will order this much food. Kaming tatlo lang naman ni Riff ang kakain. "Ang dami nitong binili mo." puna ko. 'Di bale at kung hindi namin maubos ngayong gabi ang pagkain ay pwede pa naman bukas ito.
"Ihahanda ko lang ito sa kusina. Gusto mo bang gisingin na sa taas si Riff? Para makakain na rin tayo ng hapunan bago magpahinga."
Tumango si Wesley at inakyat na ang anak namin. Tumuloy naman ako sa kitchen dala ang mga pagkain sa dalawang mga kamay ko. I prepared the food and minutes later Wesley came back alone. "He's looking for you." he sighed.
I smiled a bit. Pagkatapos ay ako na ang umakyat para sa anak namin. Riff was already awake at bumangon lang nang makita ako. He also raised his arms and I hugged my son as he cling to me. "We have to go down now to eat dinner." Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
He yawned a bit and nodded. I laughed a little and held his hand. Pinasuot ko muna siya ng tsinelas niyang pambahay bago kami lumabas sa kwarto niya at bumaba kung saan naghihintay na sa amin si Wesley. Agad siyang naging alerto nang makita ang anak namin na pumasok sa kusina.
The three of us sat there and I saw how my son's mood lifted when he saw the food on the table. Napangiti ako sa anak at nag-angat ng tingin kay Wesley. Nagkatinginan kami at nagsimula siyang lagyan ng pagkain ang pinggan ng anak namin. "May I?" he gently asked Riff.
Unti-unti namang tumango ang anak ko at hinayaan ang ama niya na lagyan siya ng pagkain. And then we started eating.
"You like fried chicken?"
Tahimik lang naman na tumatango si Riff sa mga tanong sa kaniya ni Wesley. Tahimik nalang din akong lihim na napapangiti.
Pagkatapos naming mag-dinner ay inasikaso ko muna si Riff. Nakaligo na ang anak ko at nakabihis ng pantulog niya nang magpatulong siya sa akin para sa kaniyang assignment. Nakasunod lang naman sa ginagawa naming mag-ina si Wesley.
"Your Papa can also help you with your assignment, Riff..." Natigilan din ako. To be honest I didn't really know how to tell it to Riff. Na ang akala niya kaninang stranger na biglang dumating dito sa bahay ay ang ama na pala niya. Bigla ko nalang nasabi.
"Papa?" Riff looked up to Wesley.
"Yes, Riff..." I breathed and try to calm my emotion. I have to be strong for my child. "This is... Wesley Rivera, your father..." There I said it.
Tumabi sa akin si Wesley at hinarap ng mabuti ang anak namin.
"Papa..." Tears pooled in my son's eyes. "P-Papa..." And then he started crying again. "Papa!" he shouted. Maagap na niyakap at hinagkan ni Wesley ang anak namin. He, too, cried for our son.
Halos mag-iwas naman ako ng tingin at umiyak na rin. It's breaking my heart. Riff was asking his father why he just came home now, where had he been, as he cried on his father's arms. Wesley tried to explain to his son as he comforted him. Kitang kita ko ang sakit sa parehong mag-ama.
Hindi ko na alam kung gaano katagal na nanatili kaming ganoon.
"Don't leave again..." Riff was conquered by exhaustion from crying and his emotions and he ended asleep in his father's embrace.
Nagkatinginan kami ni Wesley. Kalaunan ay pinakawalan din niya ang anak niya at hinayaan si Riff na magpahinga na sa kaniyang kama. After a long while of just Wesley staring at his sleeping son, he stood up. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumayo na rin mula sa kama ni Riff. "Aalis ka...?"
He looked at me.
Bahagya naman akong nag-iwas ng tingin. "Pwede kang manatili na muna rito... uh, baka hanapin ka ni Riff paggising niya." I remember what my son said before he fell asleep.
Nang tingnan kong muli si Wesley ay naabutan ko ang pagtango niya. "I will stay." Nagkatinginan kami. "I'm sorry, Aryanne..." he said it like he's so broken. Tears welled my eyes again. "And thank you."
Napasinghap ako dahil sa mga emosyon at unti-unting tumango sa sinabi ni Wesley. He thanked me despite... "I'm sorry, too..." I said to him.
Umiling naman si Wesley. "Thank you for raising our son well even if you're alone... You've been so strong, Aryanne. I'm proud of you."
Tuluyan nang bumuhos muli ang mga luha ko sa sinabi ni Wesley. Maagap ngunit marahan niya akong dinala sa loob ng yakap niya. He kissed my forehead as he hugged me gently while I cried in his arms.
BINABASA MO ANG
Our Song
General FictionAryanne Cruz grew up without a father by her side. Despite knowing how exactly it feels like, she still end up raising her child without its father because she chose to be with the man who was there for her when she needed him. Aryanne was happy wit...