CHAPTER 1 - MILD

162 16 3
                                    

CHAPTER 1  - MILD

"BINALAAN na kitang tumakbo na kanina pa. Ngayon, isa ka na rin sa amin." May pangungutya sa tono ng boses ni Caleb at tinutukan ako ng water gun. Napapikit na lamang ako nang sumirit na ang tubig na laman nito. Napaubo ako at sinamaan siya ng tingin.

"Hayop ka! Humanda ka!" pagbabanta ko at kumuha naman ng lobo na may laman ring tubig. Walang paligoy-ligoy ko itong inihagis sa kanyang likuran. Sumabog ito kasabay ng pagkadulas niya patungo sa katapat niyang swimming pool. Umalingawngaw ang mala-demonyo kong tawa nang tuluyan siyang mahulog at kakampay-kampay sa tubig.

"Buti nga sa 'yo!"

"Time out! Tapos na ang laro! Kakain na tayo!"

Sabay kaming napalingon ni Caleb sa  tumawag. Nakita ko si ate Ezelle na nakapamewang habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Alinlangan akong napangisi.

"We're just having fun?"

"I know," nakangiwing tugon niya sa amin. "Like getting hit by a water gun and playing kids game. Iyon ba Khirl Irish?"

Dahil sa sinabi niya ay ako naman ang napangiwi. Narinig ko ang halakhak niya.

"Let's go. Masamang paghintayin ang pagkain," aniya na lamang at hinila na ako sa shed kung saan sila nagsasalo-salo.

Hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko ang sigaw ni Caleb.

"Hoy, iahon mo ako rito! Aba!"

Napangisi lamang ako at saglit na tumigil.

"You rise up, loser!" I shouted and raise my middle finger as a salute to his stupidity. Kapwa kami natawa ni ate Ezelle.

"Khirl Irish, humanda ka sa akin!"

"Hindi pa tayo tapos," pagbabanta ng basang-sisiw na si Caleb habang kumakain ng hotdog sa tabi ko lamang. DInuro-duro pa niya ako ng stick na animo'y matatakot ako sa kanya. No way.

"Akala mo masisindak mo pa ako. I've had enough," sambit ko at tinorture ang beef steak sa pinggan ko. Napalunok-laway naman siya dahil sa kaba at umiwas ng tingin.

"How's the food?" Nagulat ako sa biglaang pag-akbay sa akin ni kuya Caelum.

Nag-thumbs-up na lang ako bilang senyales na masarap ang mga pagkain dahil may laman pa ang bibig ko at hindi ako makapagsalita. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"Goods. Ang ate Ezelle mo lahat ang nagluto niyan," pagmamayabang niya.

"Alam namin kuya. Ang swerte mo nga sa kanya, e. Ikaw, palamunin lang," panunukso ng kapatid niyang si Caleb kaya nawala ang ngisi niya sa labi.

"Ikaw, kanina ka pa!" At nagsimula na nga silang maghabulan sa kung saang lupalop nitong resort. Nakangiti lamang ako habang pinapanood sila.

"What's happening to them?" Sunod na sumulpot si ate Ezelle sa harapan ko.

Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Nothing. Just their brothers' bonding, I guess," sagot ko habang ngumunguya.

"So, kumusta naman ang psychiatrist namin?" Out of the blue na tanong ni ate kaya halos mabulunan ako. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.

"I'm starting my first day of work tomorrow in Crimson Mental Institution." A smile creep from Ezelle's lips when I answered.

"I'm so proud of you. You really made your dream come true," she praised me again. Napangiwi ako dahil hindi ako sanay na ganito siya sa akin.

"Thanks. Hindi rin naman magtatagal at magre-resign agad ako sa ospital na iyon," sambit ko at sumandal sa upuan habang pinapanood pa rin sina Caleb at kuya Caelum na maghabulan. Hindi pa rin magpang-abot ang dalawa.

"Ha? Hindi ka pa nga nag-uumpisa sa trabaho, iniisip mo na agad ang pag-alis?"

"I just want to gain experience from that institution. I want to know how they provide urgent care for a sudden mental illness, how that hospital work in the actual field diagnosing and treating people with mental impairment."

"In that way, makakapagpatayo na ako ng sarili kong clinic or much better institution na rin, e no? What do you think? I really want to help those people, ate."

Saglit siyang natahimik. "You really are a genius," mahina niyang sabi kaya natawa ako.

"Pang-ilang beses mo na iyang sinabi sa akin. I must accept that as your daily compliment," biro ko pero hindi siya natawa. Sa halip, tumitig siya sa mga mata ko at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

"Help me. Tell me what's going on in Goner's mind," seryoso niyang saad kaya hindi agad ako nakaimik. Dumako ang tingin namin sa tahimik na si Goner na nakatulala lamang sa tabi ng swimming pool.

"Fudge, ate." Nasapo ko ang noo ko.

"Why?"

"I am a medical doctor and specialized in assessing the mental health of an individual. But that doesn't mean I can read minds. Hell, wala akong superpower," nakangiwi kong pagpapaliwanag.

"I know. I'm sorry. It's just that... Okay, I really don't know now what will I do with him," namomroblema niyang depensa.

Muli kong tinapunan ng tingin si Goner sa hindi kalayuan. Ni hindi ko pa nakita ni minsan na ngumiti ang batang ito.

"Sure ka ba na hindi mo iyan ipinaglihi sa sama ng loob?" paniniguro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Sira." Natawa ako.

"Alright, kung hindi naman. Baka namana lang niya ang pagka-bipolar ni Caelum." Ngumiti siya ng tipid dahil sa sinabi ko.

"Sana nga." Ako naman ang humawak pabalik sa mga kamay niya.

"Don't worry. Part lang iyon ng pagbibinata ng anak mo. One day, makikita mo na lang tumatawa na rin iyan mag-isa."

"Khirl Irish?!" Magkasalubong na ang dalawa niyang kilay dahil hindi na ata niya kinakaya ang mga sinasabi ko. "Nahahawaan ka na ni Caleb, ha?"

Nag-peace sign na lamang ako habang tumatawa pa rin.

"Anyway, good luck on your first day tomorrow. Break a leg!" aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Do you really mean I have to break someone's leg?" I jokingly said.

"In case you have to, Khirl." Kumindat siya at naglakad na papalapit sa anak niyang si Goner. Halos mabulunan naman ako ng juice na iniinom ko at napailing-iling.

"This woman is really something," I whispered and then smirk. Sakto namang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text message from Crimson Mental Institution. Napangiti ako at saka lumagok muli ng inumin.

***

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon