CHAPTER 7 - WARD SIX

63 9 2
                                    

CHAPTER 7 – WARD SIX

"Good evening everyone," masigla kong bati sa mga kapwa kong nurse na panggabi rin ang duty tulad ko. Sa halip na ngitian o batiin nila ako pabalik, tinitigan lamang nila ako mula ulo hanggang paa.

Napangiti ako ng tipid. It seems that not all of the workers and staffs here are nice and approachable. Nagpasya akong tumungo na sa opisina ko matapos mag-time in. Saktong nakasalubong ko si Yja.

"Hey," matamis ang ngiti niyang salubong sa akin. "Good evening," dagdag pa niya at nakipagbeso sa akin.

"H-hey," awkward ko ring sagot.

"It's kinda hard to adjust in a night shift but I know you can do it." She tapped my shoulder. I just nodded and walk past by her.

Pagpasok ko pa lang sa opisina ay sumalubong na ang malamig na atmosphere na dulot ng nakabukas nang aircon. Mabuti na lang at makapal ang dinala kong jacket ngayon. Dahil kung hindi, baka manigas ako rito sa lamig. Nakuha ng atensyon ko ang isang baso ng kape na nasa ibabaw ng mesa ko. Napangiti ako. Minsan kasi hindi ko maintindihan ang ugali nila. Minsan abnormal, minsan thoughtful. Ano kayang meron ngayong gabi at may pa-kape sila?

Nang gabi ring iyon ay sinimulan ko na ang paper works ko. More about of my patients' background profile ang ini-encode ko sa computer. Paulit-ulit at nakakahilo. Ang iba'y pare-pareho lang ng mental condition kung bakit na-admit rito. At ayon sa ibang information na nakikita ko, may ilang taon na silang hindi nakakalabas rito. Ibig bang sabihin, sa loob ng ilang taon na iyon, hindi pa sila gumaling kahit may treatment naman silang natatanggap mula sa ospital na ito?

Parang sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko. Isang pamilyar na patient profile ang lumabas sa computer. Napa-zoom in ako ng hindi oras sa picture niya sabay tingin sa pangalan.

"Shamara Sandoval," bulong ko habang ini-scan pa ang kanyang iba pang impormasyon.

"This? It's from our former nurse head."

"What happened to her?"

"She resigned."

Napanganga ako sa napagtanto. Yja is not telling the truth. In any other case, why would their former head nurse would be admitted here in the hospital of mental impaired people?

"Fuck. She's staying in ward six?" halos pabulong ko nang kinakausap ang sarili ko.

"This can't be," sambit ko pa at nanginginig ang mga kamay na hinagilap sa makakapal na folders ang record niya. Napamura ako nang matapon sa sahig ang kapeng nangangalahati na ang laman dahil sa pagpa-panic ko.

Nasapo ko ang noo ko. What a careless biatch.

Nang makita ko ang folder, doon na nag-sink in sa akin ang lahat. Napalunok-laway ako at halos manigas ako sa kinatatayuan. Napapikit ako at humugot muna ng malakas na buntong-hininga. Pagkuwa'y nagpasyang tumayo. Isinuot ko ang puti kong coat at notepad. Hindi ko na nilinis pa ang kumalat na kape sa sahig ng opisina. Tuluyan na akong lumabas.

Madilim na sa corridors nang lumiko ako. Mabibilis na yabag ang pinakawalan ko at waring alam na alam na ng mga paa ko kung saan ako dadalhin. Habang nakapamulsa, dire-diretso lamang ang aking paglalakad. Nagpalinga-linga rin ako dahil baka makita ako ng ibang nurse dito. Hanggang sa marating ko ang pinakadulong kwarto kung saan nakapaskil sa harapan ng pinto ang pamilyar na numero.

Ward six.

"She didn't resign. She's gone insane," bulong ko sa sarili at pinihit ang seradura ng pinto. Naging mabilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong hindi ito naka-lock. Does someone is expecting me to visit her in the middle of the night? Parang gusto kong taasan ng mga balahibo ngayon rin. Wala naman akong tinuturo na tao at ayoko pa mang-bintang. Gusto ko lang maging malinaw kung bakit na-admit siya rito at bakit binabalaan ako ng ibang pasyente na huwag akong pumasok sa kwarto kung saan siya naka-detain? Parang gusto ko nang himatayin ngayon pa lang dahil sa kaba.

Nanginginig man, pikit-mata kong binuksan ang pinto. Umingit pa iyon dahil sa napakatahimik na paligid. Nakakakilabot ang awra ngayong gabi. Unti-unti akong humakbang papasok at nakita ang natutulog na babae. Napakagat-labi ako at dahan-dahang isinarado ang pintuan. Iyong tipong hindi siya magigising sa ingay. Ngunit sa kasamaang palad, ang pangalawa kong hakbang ang naging dahilan upang mabitawan ko ang steel kong ballpen. Lumikha iyon ng ingay sa napakatahimik na apat na sulok ng kwarto.

"Shit," I cursed. Nabigla ako sa pagmulat ng kanyang mga mata at sindak na sindak nang napatingin sa akin. Hindi tulad ng ibang pasyente, hindi siya naging agresibo. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang maputla niyang katawan at makakapal na eyebags sa ilalim ng kanyang singkit na mga mata. Dahil maputi siya, napansin kong may kakaiba sa kanyang balat. Para itong mga sugat at pasa na hindi ko malaman kung ano. May sakit ba siya sa balat? Napangiwi ako.

Muli akong humakbang palapit sa kanya matapos mapulot ang ballpen ngunit itinaas niya ang isa niyang hintuturo na waring nagsasabing huwag ko na siyang lapitan pa. Nagsimula siyang humikbi at umiling-iling na parang natatakot. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"I'm not gonna hurt you. I just want to check you up here," mahinahon kong sambit. Tumango-tango ako upang kumbinsihin siya. "Alright? Alright," dagdag ko pa.

Kinakabahan man, humakbang ako nang ilang ulit hanggang sa nahawakan ko na ang kanyang braso. Napakunot ang noo ko.

"Napakalamig mo," komento ko kaya inayos ko ang kumot niya at ibinalot sa katawan niyang tadtad ng galos at pasa.

"Do you want me to turn off the aircon?" Hindi siya sumagot. Nagpatuloy siya sa pag-iyak.

"Umalis ka na," aniya sa bawat hikbi. Hindi ako nagpatinag.

"I won't. Unless you will tell me how did you end up here." Dahil sa sinabi ko'y gulat siyang napatingin sa akin at nahihintakutang napatingin sa pintuan. Nanginginig ang maputla niyang mga labi at waring gustong magsalita.

"Papunta na siya rito. Naririnig ko ang taguktok ng sapatos niya. U-Umalis ka na ngayon din!" bulalas niya kaya hindi na ako nakapagsalita pa at kinuha na ang ballpen at notepad. Napaatras ako sa kanya.

"Sinong paparating?" tanong ko pa pero sinigawan lamang niya.

"Umalis ka na! Paparating na siya!"

"Shamara Sandoval, tell me who's approaching!"

"Umalis ka na!"

Hindi na ako nakasagot pa nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at mayamaya'y may kamay nang tumakip sa bibig ko. 

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon