CHAPTER 6 - THE SUSPICION

58 12 0
                                    

CHAPTER 6 - THE SUSPICION

"Thanks!" Inilapag ni Ezelle sa harap ko ang isang baso ng juice at agad ko naman itong tinikman. Napatigil ako saglit.

"Oh my goodness. I forgot to tell Caleb to accompany Goner today," bulalas niya. Nagmamadali siyang pumindot sa hawak niyang cellphone.

"Saan?"

"Hindi ko siya masusundo this afternoon. Si Caelum naman, mag-oovertime sa trabaho. Si Caleb na lang ang pag-asa ko," aniya. Napangiwi ako.

"Jusko, 'teh. Iyon pa ang inasahan mo. Alam mo namang dadaan pa iyon sa bahay ng nililigawan niya," labas sa ilong kong kontra. Narinig ko ang makahulugan niyang tawa.

"Bakit? Totoo naman."

"Bakit parang ang bitter mo? Selos ka, ano?" Gusto kong ibuga sa mukha niya ang iniinom kong juice. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin.

"Why would I? Goodness, he's just my bestfriend," depensa ko. Nagkibit-balikat lamang siya at naupo sa tabi ko.

"Anyway, wala ka bang pasok today?"

"Night shift na ako sa wards," sagot ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ako inilipat sa panggabing shift knowing na baguhan pa lang naman ako. Pero ang sabi ni Yja, utos raw iyon ng boss. Sino ba ang boss na tinutukoy niya?

"Ezelle, something is wrong with that hospital." Hindi na ako nakapagpigil pa at nakwento na sa kanya. Dahil may pagka-chismosa ang isang ito, tumigil siya sa pagkalikot ng kanyang cellphone at hinarap ako upang makinig sa akin.

"Paanong may mali? S'yempre ospital iyon ng mga baliw," aniya. Binatukan ko na siya.

"Gaga. They're not that crazy people. They are just depress who need mental treatment and medication."

"So, ano ngang mali doon?"

Napasandal ako sa upuan at hinilot ang sintido ko.

"The eerie corridors and hallways, I think I already experience this feeling before."

"Where?"

"In Eldritch Academy."

Matapos ko iyong sabihin, nagkatitigan kami. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

***

"What the fuck, Cartel?!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. Halos masubsob ako sa unahan ng kotse niya kahit mayroon naman akong seatbelt. Kaskasero pa rin talaga siyang driver.

"Sorry, akin," mala-jejemon niyang sambit at pinatay ang makina. Tumigil kami rito sa tapat ng gate ng school ni Goner. Ibinaba ko ang suot kong shades at sumilip sa bintana ng kotse para sipatin kung uwian na ba ng pamangkin ko.

"Where is he? I never met him before. Kamukha ba ng ate mo? O kamukha ng asawa niyang laging may sama ng loob?" sunod-sunod na tanong ni Cartel sa akin.

"Gago ka. Nagbago na si Caelum. Hindi mo kagaya," saad ko habang natatawa. Napabuntong-hininga naman siya.

"Seems like everyone has already changed here. Si Caleb lang siguro ang hindi mo pa pinapalitan." Dahil sa sinabi niya'y napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa manibela.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo, ungas? Narito tayo para sunduin si Goner. Hindi para hintayin si Caleb. And please, don't ship him to me. He's my bestfriend. Please lang, huwag ka na makigaya kay ate," naiirita ko siyang pinagsabihan at hinampas ang braso. When suddenly, his face lightened. Abnormal ampota.

"Dito pa ba nagtuturo si Caleb?"

"Yes. Na-promote na siya bilang instructor sa P.E last year. Good thing rin dahil naipagtatanggol niya si Goner tuwing may umaaway doon. Alam mo naman ang nakaraan, hindi ba?" Dahil sa sinabi ko'y napatango na lamang siya at nanahimik. Naka-move on na kami sa halos lahat ng nangyari sa amin sa eskwelahang halos kumitil ng buhay namin, pero hindi kami makakalimot. At naaawa ako sa pamangkin ko dahil hanggang ngayon, parang siya ang sumalo ng sumpang iyon. He doesn't deserve that.

"Speaking of, here he goes," nakangiti kong sambit at kumaway upang makuha ang atensyon ni Goner na palinga-linga lamang. Naging mabilis ang paglalakad niya at lumapit sa amin.

"I told mom not to fetch me anymore." He scratched his head.

"But tita is here to get you home. So hop in," sagot ko. Wala siyang choice kundi sumakay sa backseat. Tulad ng dati, wala pa rin siyang kaimik-imik sa biyahe. Parang pinagsakluban pa siya ng langit at lupa dahil hindi siya ngumingiti.

"Goner?" Napatingin siya sa akin.

"You should smile or iisipin kong pinaglihi ka ng mga magulang mo sa sama ng loob," I jokingly said but I failed to make him smile.

"Joke mo na ba iyon, Khirl Irish?" sabat ni Cartel na nagmamaneho. Napaismid ako.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Tumawa lamang siya ngunit inirapan ko lamang.

Goner is always like that. He smiles to no one. Hindi ko alam kung anong problema ng batang ito dahil hindi naman siya nag-oopen sa magulang niya. I tried talking to him personally, but he just cut me off. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan gayong hindi naman siya nagsasabi kung anong problema.

"By the way, Goner, what's your year level na ba?" may paka-conyong tanong ni Cartel sa kanya.

"12th grade," tipid nitong sagot at nakatingin lamang sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Oh, that's nice. Malapit ka na mag-college." With that, hindi na kami nakarinig pa ng respond mula sa kanya. Talagang bilang lang sa daliri ang mga sagot niya.

"Nice try, Cartel," nakangisi kong bulong.

"Whatever, Lamontez," ganti niya kaya napailing na lamang ako habang tumatawa.

Matapos naming maihatid si Goner sa bahay ay siya na rin ang naghatid sa akin papasok ng trabaho.

"Thanks for the ride," pasasalamat ko.

"Do you really have to work tonight?"

"Suswelduhan mo ba ako kung hindi ako magtatrabaho ngayong gabi?" pabiro kong saad. Hindi siya natawa sa sinabi ko.

"Ang creepy," aniya habang nakasilip na pala sa entrance ng ospital.

"You're right. Pero mas creepy sa loob."

"Mas creepy dahil gabi ang duty mo."

"That's the order of the boss. Who am I to oppose?"

"Basta mag-ingat ka lang."

Naguguluhan man ay napangiti na lamang ako.

"I know you're just concern but hey, walang masamang mangyayari sa akin. Ano ka ba?"

"Hindi kasi maganda ang kutob ko sa ospital na iyan."

Natahimik na lamang ako. Paano ko ba sasabihin na ako rin ay ganoon ang nararamdaman? Ayokong masira ang mga plano ko sa buhay ng dahil lang sa mga suspicion kong baka gawa-gawa lang ng imahinasyon ko. Nagpasya na akong lumabas ng kotse at ipagpatuloy ang duty ko ngayong gabi.

***

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon