CHAPTER 3 - SPARE ME

75 11 2
                                    

CHAPTER 3 – SPARE ME

Ugong lang ng aircon ang maririnig sa buong opisina ko habang binabasa ko ang nasa memo. Mayamaya ay sinimulan ko na ring ipukpok nang dahan-dahan ang ballpen sa ibabaw ng table kasabay ng pagtunog ng mga kamay ng orasan. Tumatakbo ang oras at pinag-aaralan ko pa rin hanggang ngayon ang behaviour ng bawat pasyente na bibisitahin ko mamaya sa mga ward nila. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makakausap ko ang mga pasyenteng aggressive. Naihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha at napasandal sa swivel chair.

Unang araw pa lang nai-stress na ako. Mayamaya pa'y nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. Agad ko itong pinagbuksan at tumambad sa harapan ko ang balisang si Gayle bitbit ang makakapal na folder. Hindi siya makatingin ng direto sa akin. Pakiramdam ko tuloy may mali sa kanya.

"Doctor Yja asked me to give you these," aniya at iniabot sa akin ang makakapal na folders. Binuklat ko ang ilan sa mga ito at nakita ko ang mga profile ng pasyente na pag-aaralan ko.

Akma na sana siyang aalis nang mahagip ko ang kaliwa niyang braso at hinatak siya papasok ng opisina ko. Nang masigurong walang nakakita ay sinarado ko ang pintuan at hinarap siya. Hindi ko na maipinta ang hitsura niya ngayon. Para siyang na-trauma o kung ano man.

"I know we only met but can you tell me what's going on with you?" may pag-aalala kong tanong. Nakita ko ang pagbabago ng aura niya. Waring may gusto siyang sabihin ngunit parang may pumipigil sa kanya na ibulalas iyon.

"Look, you can trust me here. You can trust everyone here." Hinawakan ko ang kamay niya bilang pagpakalma. Ramdam ko ang kanyang panginginig at nanlalamig na rin ang mga daliri niya.

"No," aniya at umiling-iling.

"You can't trust everyone here," aligaga niyang sagot at agad bumitaw sa pagkakahawak ko. Nang makakuha ng tiyempo, nagtatakbo na siya palabas ng opisina ko.

"Wait! Gayle!" Sinubukan ko siyang habulin hanggang sa hallway ngunit nagulat ako nang may magsalita naman sa bandang likuran ko.

"Masasanay ka rin sa ka-weirduhan niya,."

Mabagal akong lumingon at nakita ko si Doctor Yja na nakatingin na sa akin habang nakapamulsa sa suot niyang puting coat.

"I don't think so. Something is wrong with her," paliwanag ko sabay turo sa direksyon kung saan nagtatakbo si Gayle.

"I told you earlier that she's just over fatigue for working here 24/7," depensa niya at parang walang nangyari na pumasok sa opisina ko at siya na mismo ang nag-ayos ng folders na dala ni Gayle kanina. Sinundan ko lamang siya ng tingin at napasandal sa pader habang naka-crossed arms.

"Hey, can I ask you something?"

"Sure. What is it?" tanong niya pabalik habang abala pa rin sa pag-aayos ng folders. Siya na mismo ang nag-arrange nito sa drawers ko.

"Why are you working here as a nurse if you can be a doctor of your own?" Dahil sa naging tanong ko ay natigil siya sa ginagawa at hinarap ako.

"An increase in salary, maybe that's why," sagot niya.

"Is that so?" paninigurado ko pa.

"The boss just hired me to be the head nurse here and I can't do anything about that since she promise me a higher compensation compare to my normal salary," nakangiti niya paliwanag. Tumango-tango na lamang ako.

"And if you do better than me sa pamamalagi mo dito, baka nga mapalitan mo pa ako sa position ko ngayon," biro niya. Napailing ako.

"Wala naman akong balak na agawan ka ng pwesto. And besides, hindi naman ako kagalingan, Doc." Napaiwas ako ng tingin.

"Yja na lang ang itawag mo sa akin. I don't really want to be called a pro. Besides, parehas lang naman tayo at magkaedad lang."

"Okay, Yja." Nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa. Umupo naman ako sa swivel chair at pinapanood pa rin siya.

"So tell me who's our boss. I just want to know more about her," pangungulit ko pa dahil gusto ko rin namang malaman kung sino ba talaga ang founder ng ospital na ito. Ang naaalala ko kasi ay hindi ko pa siya nakikita in person. Iba ang nag-interview sa akin rito bago ako ma-hire. So sino ba itong boss na tinutukoy ni Yja?

"Someone who is powerful," tipid niyang sagot.

"And then?"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo at walang emosyon na tumitig sa akin.

"You'll meet her soon. For now, focus on your task. Walang lugar rito ang pagiging chismosa." Hindi ko alam kung maiinis ako dahil feeling ko sarkastiko niya iyong sinabi sa akin o dahil kanina lang ay mabait siya sa akin tapos ngayon parang pinaplastic na lang niya ako. Ano ba talaga?

Pinagmasdan ko na lamang siyang umalis sa office ko at saka ako napabuntong-hininga.

"Yja Zotomayor, you made me even curious," bulong ko at bumalik na muli sa aking ginagawa kanina.

***

Mag-isa kong tinatahak ang napakahabang pasilyo ng ospital upang bisitahin ang una kong magiging pasyente. Bawat hakbang ko sa konkretong sahig ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko. Napahigpit ang kapit ko sa hawak kong folder. Nagpalinga-linga ako sa paligid at napasulyap sa wristwatch ko.

Bakit walang tao? Talaga bang kakaunti lang ang nurses nila dito?

Saglit akong napatigil sa isang pinto at sinigurado munang nasa tamang kwarto na nga ako. It's ward eight.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago pihitin ang seradura. Tumambad sa akin ang malamig na hangin na dulot ng aircon. Halos kulay puti ang buong kwarto. Sa bandang sulok ay makikita ang nakaratay na lalaki. Kalmado ito at waring natutulog.

Napakagat-labi ako at dahan-dahang isinara ang pintuan upang hindi makagawa ng ingay. Oras na marinig kasi niya ang pagsara noon, alam kong magigising siya.

Magagaan ang yabag na lumapit ako sa kanyang higaan at halos hindi ako makapaniwala na gising pala siya all this time. Nakatulala lang siya sa kisame at waring hindi na kumukurap. I immediately check his pulse.

"What the hell!" Napaigtad ako nang subukan niya akong hawakan gamit ang nanlalamig niyang mga kamay. Napaatras ako ngunit agad ko ring binawi ang naging kilos ko. Diyos ko, Khirl. Psychiatrist ka ba talaga? Napaka-unprofessional mo.

"S-Sir, are you okay?" mahina kong tanong sa pasyente. Dahan-dahan lamang siyang lumingon sa direksyon ko. Doon ko lamang napagmasdan ang buong hitsura niya. Namumutla siya at parang luluwa na ang mga mata.

"Pakawalan mo ako." Dahil sa sinabi niya ay biglang nanghina ang mga tuhod ko.

***

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon