CHAPTER 14 - FAVOR

51 9 0
                                    

CHAPTER 14

FAVOR

TUMUNOG ang chains ng pintuan pagkapasok ko pa lamang sa loob nitong 24/7 convenience store. Agad kong hinagilap ng paningin si Caleb at namataan ko siyang nagkakape sa sulok.

"Alas dos na ng madaling araw. Bakit ngayon ka pag nagyaya na magkape at makipag-usap?" bungad niya at humalukipkip pa na parang isa sa pinakamaling desisyon na ginawa niya'y pumayag siyang makipagkita sa akin ngayon.

"It's our break time," sagot ko at ipinatong ang bag sa ibabaw ng mesa katabi ng umuusok-usok pang kape na inorder pala niya. Humikab muna siya bago magsalita ulit.

"And you disturb my sleep just because it's your breaktime? What are you up to?" iritado niyang tanong. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"You are the only person I can trust right now," diretsahan kong sambit na naging dahilan para magulat siya. Ngunit mayamaya'y pagak siyang tumawa.

"E, si Eldritch? Naku, sinasabi ko sa 'yo, magseselos 'yon."

Dahil sa sinabi niya ay hindi na ako nakapagpigil at sinapak siya. Umalingawngaw ang sigaw niya kaya nakuha pa namin ang atensyon ng cashier na nasa counter. Nag-peace sign na lamang ako sa kanya.

"Listen," panimula ko pa. Umayos siya ng upo at tumitig sa akin na para bang ako na ang pinakamasamang nilalang na nakilala niya.

"Ano ba ang dahilan talaga at kailangan mo akong makausap?"

"I think something wrong is going on inside the hospital. That Alvarado has something to do with the death of one of the patients," mahina kong paliwanag na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Anong ikinamatay?"

"It was announced to everyone of us that the patient no. 3 named Sally was already dead. But we didn't see her body. Wala ring nakakaalam na mga kamag-anak niya kung anong nangyari sa kanya. In short, dinispatsa lang nila iyong babae ng walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari!"

"Tangina, huwag ka namang magbiro ng ganyan," halos mamutla na sa takot si Caleb habang nagkukwento ako. Kung simple lang itong urban legend, siguro natawa na rin ako. Pero hindi. Buhay ang nakasalalay rito. Naaalala ko pa rin ang mga katagang binanggit ni Alvarado kanina. Talagang nakakapangilabot.

"I am not joking here."

Mas napalunok siya sa kaba. Maging ako rin naman ay nababahala na rin.

"Mag-resign ka na kaya?" nakangiwi niyang suhestiyon kaya nasapo ko ang noo ko.

"Ngayon pa ba ako aalis na may nalalaman na ako?"

"Baliw ka ba? Kaya ka nga aalis na kasi may nalaman ka. Ayaw mo naman sigurong matulad doon sa pasyenteng iyon, hindi ba?" Ngumiti ako ng tipid at humigop sa kapeng umuusok pa rin sa init.

"Something is wrong with this Alvarado's management and I must figure out who she is. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga pasyente ko roon pati na rin ang mga katrabaho ko," paliwanag ko. Well, Yja and I are not in good terms pero may pake rin naman ako sa kaligtasan niya.

"Tangina, Khirl Irish. Ayan ka na naman sa playing the hero card mo. Baka nakakalimutan mong muntik ka na mamatay dati dahil diyan, ha?" Halos mapakamot na siya sa ulo.

"Kaysa dini-discourage mo ako, tulungan mo na lang kaya ako sa pag-iimbestiga? Caleb, do me favor," taas-kilay kong bwelta.

"Shuta, idadamay mo pa ako diyan. Ayoko pa mamatay, tangina neto!"

"Okay, e 'di sasabihin ko kay Caelum na pinopormahan mo 'yong teacher ni Goner kaya gusto mo lagi na ikaw ang maghahatid-sunod sa pamang---"

"Ano bang maitutulong kong peste ka?" labag sa kalooban niyang putol sa aking sasabihin kaya napangisi ako. Madali lang naman pala itong kausap.

"Sally Castillo. I want you to find her background profile and every detail of her."

Sa muling pagbuntong-hininga ko ay kumabog ang puso ko. Hindi ko gustong mangialam sa patakaran ng ospital nila pero may nakikita talaga akong mali at kailangan kong malaman ang totoong nangyayari.

"Sally Castillo. Noted. May iba pa?" sambit ni Caleb. Napailing ako.

"Iyan lang muna. Sa lalong madaling panahon sana gusto kong malaman ang mga detalye tungkol sa kanya. Ako naman na ang bahalang mag-imbestiga sa loob ng ospital. Kailangan ko lang talaga ng koneksyon rito sa labas."

"Si Eldritch ang maraming koneksyon. Baka makatulong rin siya," wika ni Caleb. Napangiti ako.

"You two are friends na, ha?" I jokingly said. Nasamid siya sa iniinom na kape.

"Tangeks, feeling close lang siya sa akin porket alam niyang friends tayo," tanggi niya kaya natawa na lamang ako.

"Ako na ang bahalang magkwento sa kanya ng natuklasan mo sa loob. Basta, ipangako mo sa amin na huwag mong i-stress-in ang sarili mo. Sinasabi ko sa 'yo, baka maging pasyente ka na rin doon." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

"Oh, paano. Our break time is over. Back to work." Tumayo na ako habang nakatitig sa wristwatch ko.

"Ha? Babalik ka pa doon? Kung umuwi ka na lang kaya muna?" dismayado niyang tanong.

"Sayang overtime pay," tanggi ko.

"At kailan ka pa naging workaholic, Khirl?" Nakataas na ang kilay ni Caleb.

"Ngayon lang na may gusto akong malaman," sambit ko sabay ngiti ng tipid. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Ihatid na kita," alok niya at tumayo na rin.

Hindi naman kalayuan ang convenience store na pinuntahan namin. Walking distance lang ito at kalapit rin ng ospital na pinagtatrabahuhan ko. Good thing at pinapayagan nilang lumabas ngayon ang mga empleyado para bumili ng snacks tuwing lunch break ng madaling araw. Kaya sinamantala ko ito para makalabas at makausap sandali si Caleb.

"Thanks," sambit ko at nakipag-fist bump sa kanya. "Iyong usapan natin, a,' dagdag ko pa. Tumango na lamang siya.

"Just promise me one thing bago ko gawin iyong pinapagawa mo," aniya kaya natigil ako.

"What? Treat sa Starbucks? Or what? Ilang box pa ng pizza ang gusto mo?" I grinned but he stood there with a serious face.

"Kahit ano pang malaman mo sa loob ng building na iyan, ingatan mo ang sarili mo."

Dahil sa sinabi niya ay bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. Napalunok-laway ako at alinlangang tumango.

"You're a hard-headed potato, Khirl. Alam mong ayaw na ayaw ni ate Ezelle ang mapahamak ka." Napaiwas na lamang ako ng tingin at ngumiti.

Hindi ito alam ng ate ko. At ayaw kong malaman pa niya. Kung ano man ang mangyari, labas na siya sa gulong papasukin ko. Napakarami ko nang atraso sa kanya mula noong una. Ayoko nang madamay pa siya.

Nginitian ko na lamang si Caleb at dire-diretso nang pumasok muli sa ospital para ituloy ang duty ko.

***

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon