CHAPTER 2 - WELCOME TO CRIMSON M.I

94 11 1
                                    

CHAPTER 2 - WELCOME TO CRIMSON M.I


"Have you brought some snacks? Baka magutom ka sa shift mo today."

"Iyong tumbler mo ng tubig i-refill mo na lang sa loob, ha. Stay hydrated. Alam mo naman ang panahon ngayon."

"Hey, Ezelle."

"Yes?" Nilingon niya ako saglit pagkuwa'y nagpatuloy sa pagmamaneho. Napangiwi ako at inihilig ang ulo sa bintana.

"Hindi ako si Goner." I heard her chuckled.

"Khirl, I am still your older sister. Responsibilidad pa rin kita. Ipinangako ko iyon kay Lolo," paliwanag niya. Natahimik na lamang ako at ipinikit nang mariin ang aking mga mata.

"How I wish Lolo is still here with us to see how good you are as a wife, a sister, and a mother," I said those words to her wholeheartedly. Muli kong iminulat ang aking mga mata at tinitigan siya. Wala siyang naging reaksyon ngunit kapansin-pansin sa mga mata niya ang namumuong luha. She misses Lolo. We both are.

It's been 2 years since he was gone. Nakaka-miss rin pala ang mga pang-umaga niyang sermon at pangaral. How I wish I did better in school when he was still alive. I hope I made him more than proud during those times. I can't help but to feel remorseful about the past. Ramdam ko rin na parehas lang kami ng nararamdaman ni ate.

"And we're here. Good luck for your today's job! You can do it!" As usual, she gave me again a bone-crashing hug before I took off my seatbelt and went out of the car. Siya lang naman ang tagasundo at hatid ko ngayon.

"Thanks!" sambit ko na lamang.

"Mag-text ka kung susunduin pa ba kita later, ha," paalala niya.

"I can commute. Don't worry about that." Akala ata niya bata pa rin ako o she just sees Goner in me? Ganoon ba talaga ako kaisip bata at pati behaviour ng anak niya ay nakikita niya sa akin? Muntik na ako mapangiwi dahil sa iniisip ko.

"Okay, I'll go ahead," paalam niya.

"Grocery?"

"Yes, naubusan na ng stock, e."

"Ingat ka," sambit ko na lamang. Ngumiti siya ng tipid at kumaway. Sinundan ko ng tingin ang minamaneho niyang kotse bago ko tuluyang pagmasdan ang kabuuang taas ng institution na pagtatrabahuhan ko. Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pero baka dahil ito ang kauna-unahan kong job experience sa isang ospital.

"Here we go, Khirl Irish Lamontez," bulong ko sa sarili at naglakad na.

Sa lobby muna ako ng ospital nagtungo upang hintayin ang head nurse. Pinagmasdan ko ang hitsura ng lobby. Medyo may kalumaan na rin pala ang building na ito. Ayon sa sabi-sabi, mayaman naman daw ang may-ari nito. Bakit hindi kaya nila ipa-renovate man lang?

"Khirl Irish Lamontez, is that you?" Awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang taguktok ng sapatos ng tila nagmamadaling doktora papalapit sa pwesto ko.

"Yes." Ngumiti ako at yumuko bilang paggalang. Nagpalipat-lipat ang titig ko sa kanya at sa kasunod niyang nurse na nanginginig at waring namumutla na. Malikot rin ang kanyang mga mata at hindi makatingin nang diretso.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya pero bago pa ito makasagot ay nagsalita na ang doktorang kasama niya.

"I am Dr. Yja Zotomayor and I am the head nurse here. You must be the sister of Ezelle if I am not mistaken?" Matamis ang ngiti niya at nakipagkamay sa akin. Agad ko namang tinanggap iyon. Kahit naguguluhan, ngumiti na rin lang ako.

"Ako nga. It's nice to meet you," nahihiya kong pagbati.

"And by the way, this is Gayle, my nurse assistant."

"H-hello," bati ko ngunit umiwas lamang siya ng tingin.

"It's nice knowing that you chose to work here. Today is your first day, right? By the way, here is the key to your locker and drawer. Come with me and I'll bring to your assigned cubicle." Nabigla ako sa biglaang paghagis niya sa akin ng susi. Mabuti na lamang at nasalo ko ito agad.

"Nabasa mo na naman siguro ang nilalaman ng kontrata bago ka ma-ideploy rito, hindi ba? And also the hospital's policy that are strictly implemented here so hindi ko iisa-isahin pa sa 'yo. Well, you can give some of them if you---"

"Drinking alcohol and smoking are strictly prohibited," diretsahan kong sagot at hindi na siya pinatapos. Natigil siya sa paglalakad at manghang-mangha ata na napatitig sa akin.

"Good," she muttered.

"Thanks."

It's my pleasure to answer that correct.

"There are lots of hallways and corridors here and you might think you will lost. However, just always keep in mind that every door has its own point of destination at hindi mo dapat basta-basta bubuksan. Bago ka pa lang naman at alam kong makakabisado mo rin ang mga entrances at exits rito. Okay ba tayo doon?"

Nag-thumbs up na lang ako.

"Hey, Doc," bulong ko at nilingon ang assistant nurse niyang mabagal lamang na naglalakad sa bandang hulihan namin. "Are you really sure that she's okay?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at tumigil sa paglalakad. Boring niyang tiningnan si Gayle na halos namumutla na.

"Take your medicine and rest. Go!"

Mas naguluhan pa ako nang mapatitig sa akin si Gayle at mayamaya'y nagtatakbo na palayo sa amin.

"She's over fatigue. She works here 24/7," aniya ngunit wala man lang bakas ng pag-aalala sa boses niya.

"Bakit? Marami ba talagang na-aadmit na pasyente rito sa Crimson?"

"Kinda. Depende sa sitwasyon," wala sa hulog na sagot niya. May problema rin ata sa utak ang doktor na ito.

"Ay shuta," mura ko nang makarinig ako ng kalabog at sigawan sa iba't ibang sulok ng hallway. Halos mapatakip naman ako sa dalawa kong tenga.

"They're being aggressive again," kalmadong saad ni Doc Yja.

Biglang kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"They'll be okay soon," sambit pa niya at tumigil sa tapat ng isang bakanteng office. Naningkit ang aking mga mata nang makita sa ibabaw ng table ang buo kong pangalan. Nasa glass plaque ito. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

"Here is your office, Ms. Lamontez. Welcome to Crimson Mental Institution, a center for mental health care."

Mas lumapad ang ngisi ko at nakipag-shakehands muli sa babaeng kaharap ko.

***

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon