CHAPTER 4 - ELDRITCH CARTEL

69 9 1
                                    

CHAPTER 4 – ELDRITCH CARTEL

"Pakawalan mo ako!" Naging agresibo siya at pilit akong inaabot. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinurukan siya ng pampakalma. Hindi ko alam kung ano ang inihahalo nila sa gamot ng mga pasyente pero iyon ang nagiging dahilan para kumalma sila at makatulog. Matapos kong mapansin na unti-unti na siyang kumakalma ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

"Pakawalan mo ako!"

Napapikit ako dahil sumasakit ang ulo ko kakaisip sa sinabi ng lalaking iyon kanina. Nakakatakot siya maging agresibo. Parang oras na makawala siya sa kwartong iyon, mapapatay niya ako.

Napangiwi ako nang mapansin ang maliit na sugat sa braso ko. Sa sobrang pagpapanic ko kanina, hindi ko napansin na nakalmot niya ako. Ngayon ko lamang naramdaman ang hapdi. Nagpalinga-linga ako sa nagtataasang drawers rito sa office at nagbabakasakaling nagdala na sila rito ng first aid kit para sa akin. Isa-isa kong binuksan ang drawers at naghahanap ng bulak nang mapansin ko ang isang name plaque. Nakasiksik ito sa makakapal na folders. Agad ko itong hinawakan at binasa ang pangalan.

"Sandoval---"

"Khirl, are you all right here?" Isang katok at boses ang narinig ko kaya halos mabitawan ko ang hawak na plaque. Muntikan na itong mabasag. Mabuti na lamang at napahigpit ang kapit ko rito. Nakita ko si Yja na nakasandal sa tapat ng pintuan ng office.

"You scare the hell out of me," sambit ko.

"Oh, that plaque. I thought the janitor already disposed that." Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa at inagaw sa akin ang bagay na iyon.

Napatayo na rin ako.

"Kanino iyan?" usisa ko.

"This? It's from our former nurse head," sagot niya. So, may isa pa palang nurse head bago siya ma-promote.

"What happened to her?" Alam kong maiinis na naman siya sa mga tanong ko pero gusto ko lang malaman ang lahat. Para kasing may mali sa mga sinasabi niya.

"She resigned." Tulad ng kanina, tipid ang naging sagot niya sa akin.

"Pack-up your things. Your shift is over. See you tomorrow, Khirl." Ngumiti siya at naglakad na papalayo. Rinig ko pa ang taguktok ng suot niyang heels. Nakakunot ang noo na inayos ko na ang mga gamit ko.

***

"How's your first day?"

"Feels like hell," sagot ko at diretsahang tinungga ang beer na nakuha ko sa ref at naupo sa tapat ng dining table. Abala si ate Ezelle sa paghuhugas ng pinggan.

"How's your workmates? Are they nice? Or rude?"

"They are... mysterious," nalilito kong sambit kaya napaharap si Ezelle sa akin.

"Wow. That sounds amazing."

"There is something wrong with the surrounding. Medyo creepy lalo na iyong mga pasyente." Bigla na namang sumagi sa isip ko ang lalaking pasyente ko kanina na sinubukan akong hablutin. Tinago ko sa mahabang manggas ng suot kong long sleeves ang kalmot niya kanina.

"Siguro kasi luma na?" Tumango na lamang ako at hinilot-hilot ang sintido ko. Pagkuwa'y naglakad na paakyat sa kwarto.

"You're not joining us tonight for movie marathon?" pahabol ni ate kaya boring akong napatigil at nilingon siya.

"I need a rest."

"Okay, suit yourself."

"But hey! May bumisita pala kanina," dagdag pa niya pero hindi na ako lumingon pa.

"It's Cartel."

Saktong pagsara ko ng pintuan ng aking kwarto ang pagkarinig ko sa pangalan niya. Napabuntong-hininga ako. Kung ganoon, nakauwi na ulit siya galing sa Vietnam? Wow, at paano naman niya nalaman ang bago naming address?

Agad akong sumalampak sa kama at nagmuni-muni habang nakatitig sa kisame. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na alalahanin ang mga nangyari kanina sa ospital.

"Pakawalan mo ako."

"Ay shutangina!" mura ko at napabalikwas ng bangon nang mapansin kong gumagalaw ang kurtina ng bintana ko kahit wala namang hangin.

"Who the fuck are you?!" Walang takot na sinugod ko ang bintana at halos mapanganga nang makita ang isang pole. Sinusungkit nito ngayon ang kurtina ko kaya gumagalaw. At sa Bermuda grass namin, doon ko nakita ang pamilyar na pagmumukha na ilang taon ko ring hindi nasilayan. Hindi ako makagalaw o makapagsalita. Sa halip, nagtatakbo ako palabas ng kwarto. Hindi ko na ininda kahit wala akong sapin sa paa.

***

"For God's sake! You are back! You are fucking back!"

"Yeah, and you miss me, right?" Dahil sa sinabi niya ay halos maibuga ko ang iniinom kong Smoothie. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ulol. Muntik na nga kita makalimutan," depensa ko.

"Muntik na makalimutan. So, iniisip mo nga ako all this time."

"Fuck you, Cartel." I smirked and diverted my gaze outside the window of this convenience store. Narinig ko na naman ang nakakabuwisit niyang tawa.

"So, how's life in Vietnam?"

"Just three words. Hindi na ako babalik," mabilis niyang tugon kaya hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

"Why?"

"Nakakapagod na rin mag-manage ng business sa ibang bansa. That's why I am planning to invest and start up my own firm here in the Philippines." The way he explain sounds professional. Walang-wala talaga ako sa level nito.

"Wow. So you are staying here in the Philippines for good?"

"Yes, ayaw mo ba?"

"Tangina mo. Bakit ako ba tinatanong mo?" Dahil sa reaksyon ko ay natawa siya.

"Besides, my heart will always be here in the Philippines. Kasi narito ang babaeng gusto kong pakasalan," nakangiti niyang paliwanag at tumitig sa mga mata ko.

"Ay, bongga mo naman. Kilala ko ba 'yan?" biro ko.

"Probably. Kasing-tanga mo rin, e."

Shuta.

"Well, not to be awkward, how's your life?"

"I'm a psychology graduate na," may pagka-conyo kong balita pero proud akong sabihin sa kanya iyon dahil noong umalis siya, nag-aaral pa ako sa college.

"May sarili ka nang clinic?"

"I am working in Crimson Mental Institution."

Pansin ko ang pagkadismaya niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"I am collecting experiences. In that way, I could build my own institution too." Mukhang naconvince ko naman siya at napansin ko ang pagtango niya dahil sa sinabi ko.

"What happened to your arm?" he asked me out of the blue when he noticed my swelling arm. I immediately covered the scratch with my long sleeves and answered.

"Just a scratch from a patient earlier. He had a tough aggression."

"Khirl Irish Lamontez." Nagulat ako sa biglaan niyang pagtawag sa buo kong pangalan.

"W-What?"

"Always take care of yourself."

Hindi ko man maintindihan kung bakit niya iyon biglang sinabi, tumango na lamang ako at nagpasalamat.

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon