CHAPTER 12 - MEET THE BOSS

64 10 1
                                    

CHAPTER 12
MEET THE BOSS

Pumarada ang kotse ni Cartel sa mismong tapat ng bahay namin. Napamulat ako ng mga mata at napatingin sa nakasaradong gate ng bahay.

"Can you do me a favor?" I asked him.

"What is it?"

"Please don't tell Ezelle about the incident earlier," tipid kong sagot at napabuntong-hininga. Napakarami ng iniisip ng isang iyon at ayoko nang dumagdag pa kapag nalaman niyang muntik na kaming maaksidente kanina.

"Okay, can you do me a favor too?"

Napatingin ako sa kanya at napataas ang kilay. Tinaasan rin niya ako ng kilay. Gumaganti ang mokong.

"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng humingi ng pabor?" Napa-cross arm ako dahil sa sinabi niya.

"Ano ba 'yon?"

"Alagaan mo ang sarili mo," seryoso niyang sambit at pinisil ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya lalo na nang siya na rin mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Napakalapit niya sa akin na halos maamoy ko na ang gamit niyang pabango. Halos pigilan ko ang aking hininga. Hanggang sa naitulak ko siya bigla nang makarinig ako ng katok mula sa bintana. Sumilip ang nakangising si Caelum sa amin at taas-baba pa ang kilay.

"Too early for a PDA, huh?" nakangisi nitong bungad. Kapwa kami napangiwi ni Cartel.

"C'mon, tamang-tama at kakaluto lang ng breakfast ni Ezelle. Ayain mo na rin iyang boyfriend mo," aniya pa at nakapamulsang naglakad pabalik sa loob ng bahay. Halos magsalubong ang kilay ko.

"He's not my boyfriend!" sigaw ko pero hindi na niya ako nilingon pa. Akala ata niya ikina-cool niya iyon.

***

Nagmamadali akong maglakad papasok ng ospital habang hindi tumitingin sa dinaraanan.

"What the!"

"Ay shit! Sorry po!" bulalas ko. Nakita ko sa sahig ang mga nagkalat na papeles at folders. Awtomatikong tinulungan ko ang babae sa pagpulot ng mga nagkalat na dokumento ngunit iwinakli niya ang kamay ko nang tangkain ko na siyang tulungan. Naiangat ko ang aking paningin at nagtama ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pamilyar ang mga mata niya.

"You..."

"Ms. Alvarado! Wait, Khirl Irish, what did you do?!" Nagulat ako sa biglaang pagtulak sa akin palayo ni Yja. Bakas rin ang gulat sa kanyang mga mata.

"You hit her?"

Dahil sa tanong niya ay agad akong napailing.

"No, I didn't!"

"What did you do?" sambit pa niya sa pagalit na tono.

"Yja!" awat ng babae sa kanya. Para siyang napitpit na luya sa tabi at napayuko. Hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayari. Matapos iyon, ibinaling ng babae sa akin ang kanyang tingin. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa mga ngiting iyon.

"Nice meeting you, Ms Khirl Irish Lamontez," bati niya sa akin kaya mas lalo akong naguluhan. Nakakunot noo kong tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"T-Thank you. And you are?"

Tumingin muna siya kay Yja bago muling ngumiti sa akin. Napakalamig ng kamay niya kaya agad akong napabitaw roon. Sa pagkilatis ko sa kanya, doon ko lamang napagtanto na pamilyar siya. Itim na dress pa rin ang suot niya na terno sa kanyang itim na boots at bag. Bukod roon, medyo itim rin ang shade ng lipstick niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya pala kanina pa ako hindi mapakali. Ang babaeng ito ang lulan ng kotse na muntik nang bumangga sa amin kaninang umaga. Hindi ako nagkakamali roon.

"Ash Alvarado, the CEO of this institution," pagpapakilala niya sa kanyang sarili na naging dahilan para maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Halos hindi ako makapagsalita.

"Are you okay, Ms. Lamontez?" tanong niya. Napansin ata niyang natameme ako bigla. Agad akong nagbalik sa reyalidad at ngumiti na lamang.

"Nice to meet you too, b-boss," magalang kong tugon. Napayuko ako bilang paggalang. Sa hindi malamang dahilan, tinamaan ako ng kaba.

***

"Her name is kinda familiar to me. It sounds like parang narinig ko na siya somewhere. Hindi ko lang alam kung kanino. Kay Ezelle ba or sa inyo," sambit ko habang hinihilot ko ang aking sintido. Narinig ko ang tawa ni Caleb mula sa kabilang linya. Napairap ako.

"What's funny?"

"So you're telling me earlier that you and Carter were almost hit by a car this morning and accidentally, that lady from the other car was your boss all this time?" Napabuga ako ng hangin. Ang hirap kausapin ng medyo lutang, e no.

"Caleb, paulit-ulit lang tayo. Kanina ko pa sinabi iyan," reklamo. Napakamot na ako sa ulo ko sa sobrang inis. Walang kwenta kausap ang isang ito. Sana si Carter na lang pala ang pinagkwentuhan ko.

"To clarify lang," aniya. Napangiwi ako. "Oh, tapos? Ano namang kaso doon? Baka coincidence," dagdag pa niya.

"But don't you think it's intentional? 'Yong banggaan, iyong pagbangga naman niya sa akin kanina, and lastly, iyong alam na agad niya ang pangalan ko kahit hindi pa naman ako ganoon kakilala rito. Like, kung iisipin mo, bago pa lang ako. Bakit kung kausapin niya ako kanina, alam na alam na niyang ang tungkol sa buong buhay ko?" paliwanag ko. Pinaglaruan ko ang hawak ko ballpen habang ang kabila kong kamay ay hawak ang cellphone.

Saglit na natahimik si Caleb sa kabilang linya. Rinig ko ang kanyang buntong-hininga.

"She's a CEO. And she has the right to know the every detail of her employees. Kaya siguro kilala ka na niya agad." Dahil sa sinabi niya ay ako naman ang napahugot ng malalim na buntong-hininga.

"Don't stress yourself too much, Khirl. Sige ka, baka dahil sa pag-o-overthink mo, maging pasyente ka na rin diyan."

"Gago ka," nakangiwi kong sambit. Tumawa siya.

"Seryoso ako, gagi. Baka imbes na ikaw ang nag-aaral ng pasyente diyan, ikaw na mismo ang pag-aralan. Huwag naman ganoon, Khirl Irish."

"Tangina mo," naiinis kong mura. Mas lumakas pa ang halakhak niya sa kabilang linya.

"In ward seven, now!"

Mayamaya pa'y nakarinig ako ng sunod-sunod na yabag sa labas nitong office at ang sigaw ni Yja. Napakunot ang noo ko.

"You hear that? What's happening there?" tanong ni Caleb. Narinig rin niya ang kaguluhan mula sa labas. Hindi agad ako nakasagot. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Khirl? Are you okay? What's happening?" sunod-sunod pa niyang tanong.

"I'll call you later. There's an emergency. Bye," sagot ko na lamang at pagkuwa'y pinutol ang tawag. Dali-dali kong isinuot ang coat ko at aligagang lumabas ng opisina upang tingnan kung ano nga bang nangyayari.

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon