CHAPTER 11 - ALMOST ACCIDENT

59 8 0
                                    

CHAPTER 11
ALMOST ACCIDENT

"Agahan mo pumasok mamaya," pahabol ni Yja sa akin. Natigil ako sa paglalakad at dahan-dahan siyang hinarap. Malagkit siyang tumitig. Napakunot ang noo ko.

"Maaga naman talaga akong pumasok," sambit ko. Nag-cross arm siya at sumandal sa pader habang nilalaro-laro ang ballpen niya sa kaliwang kamay.

"Mas agahan mo pa. The boss, she wants to see you personally," aniya kaya napalunok-laway ako at napahigpit ang hawak ko sa aking sling bag.

Mayamaya'y naglakad na rin siya palayo. I composed myself first and automatically glance at my wristwatch. It's already eight in the morning. Makikipagsiksikan na naman ako sa bus para lang makarating sa bahay. Rush hour pa naman ngayon ng mga employees na papasok ng trabaho. Ako itong pauwi pa lamang. Ibinilin ko kasi kay ate na huwag na niya akong ihatid at sunduin dahil mas kailangan ni Goner ng atensyon. Lalo na at pakiramdam ko, lumalayo na ang loob nito sa kanilang mag-asawa. Agad akong naglakad-lakad sa may sidewalk pagkalabas ko pa lamang ng ospital. Pinag-iisipan ko pa kung mag-ba-bus ba ako o magta-taxi na lang. Napangiti ako nang matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang paparating na bus. Paparahin ko na sana ito nang makarinig ako ng napakalakas na busina sa bandang hulihan nito. Isang rumaragasang kotse ang humarang sa aking harapan at nagbuga pa ng napakaitim na usok. Muntik na akong mapasigaw dahil akala ko sasagasaan na ako ng kung sino mang driver nito.

"Tangina," mura ko. Wala pa nga akong tulog tapos ito pa ang mangyayari sa akin, talagang hindi ako matutuwa. Mayamaya'y bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang may-ari nito. Mas nainis ako nang makita ang pagmumukha niya.

"Fuck you, Carter," sambit ko at sinamaan siya ng tingin. He just smirked at me and lower his shades.

"Thanks, so can I offer you a ride?" aniya sabay kindat.

Matagal ko siyang tinitigan at mayamaya'y ngumiti.

"Ouch! Fuck!" sigaw niya. Isang malutong na sampal ang iginawad ko sa kabila niyang pisngi matapos niyang sirain ang umaga ko.

"What are you looking at?" naiirita niyang tanong habang seryosong nagmamaneho. Hindi pa rin ako natinag at pinagmasdan ang namamaga niyang pisngi dahil sa sampal ko.

"Deserved?" biro ko at inihilig ang ulo sa bintana ng sasakyan.

"Ako na nga itong nagma-magandang-loob na sunduin ka."

"Sorry ho," sambit ko na lamang at ipinikit ang mga mata. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"These past few days, nagiging aggressive ka. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin," aniya kaya napamulat ako at tinaasan siya ng kilay.

"Hey, that was the first time I slapped you."

"No. Binatukan mo rin ako noong sinundo natin si Goner sa school. Hindi ka naman ganyan kalakas manakit dati." Natahimik ako. Pinagmasdan ko ang aking mga kamay. Nanginginig ito. Idinampi ko ang kanan kong palad sa aking pisngi at tinitigan na rin ang pagmumukha sa salamin.

"Are you really okay?" May pag-aalala sa tanong niya.

Napatingin ako muli sa salamin. Ang laki na ng eyebags ko. Hindi na matakpan ng make-up sa sobrang itim.

"Panget na ba ako?" out-of-the-blue kong tanong.

Matagal siya bago nakasagot. Pansin ko rin ang pamumula ng tenga niya.

"Ano? Hindi makasagot kasi panget na nga ako," asar kong sambit.

"Kahit naman anong hitsura mo, maganda ka pa rin," mahinang sagot ni Cartel. Ngingiti na sana ako nang makita ko sa unahan ang paparating kotse. Napakabilis ng pagmamaneho nito at halos mababangga na kami. Agad nailiko ni Cartel ang kotse. Habol namin ang hininga nang magawa niyang maiwasan ang disgrasya. Napasilip ako sa bintana. Nakatigil na rin ang kotseng halos makabanggaan namin. Kumakabog pa rin ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

"Stay here," wika ni Cartel at akmang lalabas ng sasakyan para kausapin ang driver ng kabilang kotse. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya.

"Wait," nangangatal kong pigil. Napalingon siya.

"Don't kill them yet," seryoso kong sambit dahilan para mapangiwi siya. Hindi na maipinta ang pagmumukha niya. Napangiti naman ako.

"Siraulo." Natawa na lamang ako at sumandal sa upuan. Binuksan ko nang kaunti ang tainted na salamin ng kotse para makita ko sila. Hindi kalaunan ay bumaba rin ang isang lalaki na tingin ko ay expensive na bodyguard ng kung sino mang nakasakay ngayon sa itim na kotse. Nanlaki ang mga mata ko. What if pagbayarin kami dahil sa gasgas ng sasakyan nila? What if lang naman? Pero hindi bale, mayaman naman itong si Cartel. Pero tangina lang. Sila naman ang dahilan kung bakit kami muntik nang maaksidente

Hindi ko masyado marinig ang pinag-uusapan nila pero mukha namang hindi sila nagkakainitan. Nakapamewang pa nga itong mokong na si Cartel at itinuro pa ang kotse niya.

Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa nakabukas na bintana ng kotse nila. Nakasilip doon ang isang babaeng nakasuot ng itim na facemask at itim na shades. Bukod roon, ramdam ko ang pagiging sopistikada niya. Nakatitig lamang siya sa malayo at waring inip na inip na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapatitig siya sa direksyon kung saan ako nakasilip. Napasinghap ako lalo na nang alisin niya ang suot niyang shades. Pakiramdam ko nagtama ang paningin namin. Napakalagkit niya tumititg. May kung ano sa kanya mga mata na nagpatindig balahibo sa akin. Napalunok-laway ako.

"Hey, are you okay?" Napaigtad ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

"Kabayo ka!" bulalas ko.

"Ang gwapo ko naman para maging ganon," sambit ni Cartel at inistart na ang makina ng kotse.

"Sino bang sinisilip diyan?" Saka ko lamang naalala ang babaeng nakatitigan ko kanina. Muli akong sumilip sa siwang ng bintana ng kotse. Nakita kong papaalis na ang kotseng nakabanggaan namin. Sunod-tanaw ang ginawa ko.

"Who are you looking at?" usisa ni Cartel.

"Who are they?" I asked him.

"They're businessmen," sagot niya parang siguradong-sigurado. Napakunot ang noo ko.

"No, he looked like an expensive bodyguard," sambit ko at naramdaman nang umaandar na rin ang kotse.

"Anong bodyguard? You mean bodyguard ng mafia?" natatawag tanong niya pabalik.

"Gago. Seryoso ako. I saw the lady inside the car. She looks like a mysterious high breed," komento ko. Doon na humagalpak ang tawa niya.

"You're kidding, right? Anyway, we already settled everything. Buti nga at hindi na nauwi sa korte," confident niyang balita kaya napaismid na lang ako. Pero deep inside, may nararamdaman talaga akong kakaiba. May something sa babaeng iyon at hindi ko alam kung makikita ko pa siya para makumpirma ang hinala ko.

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon