CHAPTER 10 -WHO'S INSANE?

57 10 0
                                    

CHAPTER 10
WHO'S INSANE?

"Nagmamadali ka ata," bati ko nang makasalubong ko sa hallway ang aligagang si Gayle. Namumutla na naman ito at waring hindi mapakali. Gulat siyang napatingin sa akin. Agad siyang umiling.

"W-Wala ito. Nasobrahan lang sa kape." Tumango na lamang ako kahit pakiramdam ko'y nagsisinungaling na naman siya. "Mauna na ako," dagdag pa niya.

Sa sobrang pagmamadali niya'y nahulog pa ang dala niyang notepad at ballpen kaya dali-dali niyang pinulot ang mga ito sabay sulyap sa akin. Pansin ko ang takot at pagkabahala sa kanyang mga mata. Pinagmasdan ko na lamang siyang maglakad palayo. Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa direksyon ng opisina ko. Saktong pagtigil ko sa pinto ng office ay ang mismong paglabas roon ni Yja. Gulat ang rumehistro sa mukha niya nang makita ako sa tapat ng pintuan. Nakita ko rin ang paglunok-laway niya. Ngumiti lamang ako.

"You didn't expect that I'll be this early for my duty tonight, did you?" sambit ko na lamang at nag-cross arm.

"Yeah, but I have an idea now that you're an early bird," aniya at isinara ang pinto bago porma akong hinarap.

"And an early bird always catches a worm," halos pabulong kong komento habang may matamis pa ring ngiti sa mga labi. Nakunot ang noo niya.

"What?"

"Nothing. So, what are you doing inside my office?" usisa ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil trespassing siya. Ni hindi ako pumapasok sa office niya pero kapag sa akin, parang okay lang na maglabas-masok siya. Nakakabastos iyon.

"I just brought you coffee," sagot niya at ngumiti. Hindi nakaligtas sa mapanuri kong paningin ang kung anong botelya na isinilid niya sa bulsa ng puti niyang coat.

Nagtiim-bagang ako at ngumiti na lamang.

"Alright. Thanks for the coffee," wika ko upang matapos na lang ang usapang ito. Napabuntong-hininga ako.

"Okay, I'll go ahead."

"Hey," tawag ko kay Yja. Napatigil siya sa paglalakad pero hindi ko na siya nilingon pa. Napako ang tingin ko sa seradura ng pinto ng office ko.

"Can you do me a favor?" Nakuyom ko ang kamao ko. Hindi ko talaga ugaling mag-confront ng tao kahit naiinis ako pero this time, hindi na ako makakatiis.

"What is it?" Tanga-tangahan pa si gaga.

"Don't enter in my office without my permission. Unless you want me to enter yours too without your consent. Ayos ba tayo doon, Doc?" seryoso kong paliwanag. Hindi na ako nakatanggap pa ng sagot mula sa kanya. Narinig ko na lamang ang taguktok ng heels niya na palayo sa akin.

"Fuck her and her coffee," nanggigigil kong sambit sa sarili nang makita ang baso ng kape sa gilid ng table ko. "No way that I will drink that again."

Sa sobrang panggigigil, itinapon ko sa sink ang laman nito. Nasapo ko ang aking ulo. Sumasakit na naman ito. Shuta. Hindi pa nagsisimula ang duty ko pero parang sasabog na ang utak ko sa dami ng folders ng pasyente na pag-aaralan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit mayamaya'y napamulat rin nang may mapagtanto.

"Ward six," I muttered and glance at my watch. May thirty minutes pa bago ang start ng duty ko. Agad kong kinuha ang notepad at ballpen ko pagkuwa'y nagmamadaling lumabas ng opisina. Dinala na naman ako ng aking mga paa sa kaduluhang ward. Ang ward six kung saan hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang mag-suspect kung bakit naka-admit rito ang isa sa pinakamagaling nilang empleyado dati.

Nabaliw ba talaga siya? Anong sanhi? Bakit si Yja lang ang nag-aalalaga sa kanya?

Bumilis ang tibok ng puso ko nang pihitin ko ang seradura. Nakalock ito. nagpalinga-linga ako sa paligid. Madilim sa parteng ito at walang masyado na nagdaraan na mga nurse. Kinuha ko mula sa aking buhok ang isang hairpin na siyang ipinagkalikot ko upang mabuksan ang pintuan. Narinig ko ang tunog ng pagbukas nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan upang huwag makagawa ng ingay. Sumilip ako. Mahimbing na natutulog ang pasyente.

Kahit kumakabog ang dibdib sa kaba, itinuloy ko pa rin ang pagpasok. Lumapit ako sa dalagang natutulog na tingin ko'y kaedad ko lang. Umupo ako sa paanan niya. Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan. Mas malakas pa ata ang kabog ng puso ko kaysa sa ugong ng aircon dito. Napalunok-laway ako.

"Shamara Sandoval, patient no.56," bulong ko sa sarili nang mabasa ang nasa bracelet niya. Hindi ito isang ordinaryong bracelet lamang. Nakita ko rin ito sa iba pang pasyente na binabantayan at inoobserbahan ko. Ang number nila ang nagsisilbing bilang kung pang-ilan sila rito. Kung ganoon, napakaraming naka-admit rito? Bakit hindi ko makita ang iba? Napakaliit ng ospital na ito. Saan nila dinala ang iba pang pasyente?

"What are you doing here?" Napanganga ako at nanlaki ang mga mata sa gulat. Nagmulat siya ng mga mata. Bakas ang poot at pagtangis roon. Agad akong napaatras dahil akala ko magiging agresibo rin siya tulad ng iba. Ngunit hindi. Bumuntong-hininga lamang siya.

"You shouldn't be here," aniya pa sa mababang tono ng boses. Waring hinang-hina na siya sa kung ano mang proseso ng medisina ang pinagdaraanan niya.

"She might hear you," sambit pa niya. Mas naguluhan ako.

"Who is she?" diretsahan kong tanong. Hindi siya umimik. Natulala na lamang siya sa kisame na parang napakalalim ng iniisip.

"Matutulad ka rin sa amin." Kumabog lalo ang puso ko.

"Sa inyo? Hindi kita maintindihan. Sino ang tinutukoy mo na maririnig ako?"

"Umalis ka na," nanginginig niyang pakiusap at waring takot na takot.

"Shamara, I do believe that you are not insane like the other patients here. Let me help you. But I couldn't do that if you will not help me know what's going on with you and what's wrong with this hospital?"

"We are not insane. We. Are. Not. Insane." Nagulat ako sa paulit-ulit niyang sinasabi.

"Please stop saying that or I might think you're just like them." Naubos na ang pasensya ko pero patuloy pa rin ako sa pagsusulat sa notepad.

"We are not insane!"

"Then who's insane here?"

"They are insane!" ganti niya at pagalit na napatitig sa akin. Napaatras ako. "Kasama ka na doon. Mga baliw kayo! Kayo ang dapat na naririto! Traydor ka rin! Lumabas ka rito!" Sigaw niya ang umecho sa apat na sulok ng kanyang kwarto kaya wala akong choice kundi lumabas na. Naririndi na ako.

THIRD PERSON'S POV

Kitang-kita sa CCTV ang paglabas ng dalaga mula sa ward six. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid bago tumakbo sa kung saang direksyon. Nakuyom niya ang kamao dahil sa inis. Agad siyang nagdial ng numero sa cellphone. Ilang sandali pa't sinagot ng kung sino ang kanyang tawag.

"Yes, boss? Good evening," magalang na bati nito sa kanya.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at muling ni-review ang nakuha ng camera.

"What's the name of our new doctor?" tanong niya sa seryosong tinig.

"She's Khirl Irish Lamontez."

Lumapad ang ngiti niya dahil sa napagtanto.

"Oh, what a beautiful name! Is she a good doctor?" aniya pa na parang namamangha.

"Yes, she's good. But I don't think she's not that trusthworthy."

"I must pay her a visit then," sambit pa niya at agad pinutol ang tawag. Nakakuyom pa rin ang kamao niya dahil sa nararamdamang inis.

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon