CHAPTER 9 - THE VISIT

54 10 0
                                    


CHAPTER 9 - THE VISIT

"Why did you fainted?"

"Iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Hindi naman ako mabilis mahilo at mawalan ng malay dati. Alam mo 'yan," may pagtataka kong sagot kay Ezelle. I heard her laugh.

"Of course I know. Ilang beses ka nang nasaksak at napukpok ng kung ano-ano sa ulo mo dati sa Eldritch, pero buhay ka pa rin hanggang ngayon. Ano pa kaya kung hilo lang, hindi ba?" I smirked.

"Siyam ata ang buhay ko," pagmamayabang ko pa at napabuntong-hininga. "But this time, I am not sure about my life anymore," dagdag ko.

"Aray ko! Shuta!" daing ko sa sakit at napahawak sa sumasakit kong ulo. Binato lang naman niya ako ng sandok. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Siraulo ka ata, e. Anong hindi ka sure? Mamamatay ka na ba?" aniya. Napangiwi ako.

"May nararamdaman lang ako na kakaiba."

"Tulad ng?"

"Bukod sa pagkahilo, parang lagi akong inaantok at nanghihina kahit sigurado namang kumakain ako lagi," sagot ko. Natahimik kami pareho at nagkatinginan.

"Do you want me to call our personal doctor?" may pag-aalala sa tinig ni Ezelle pero napailing ako bilang pagtanggi.

"Not yet. I should figure this out with myself first."

"Boang ka na ata, Khirl. May nararamdaman ka na ngang kakaiba, ipagsasawalang-bahala mo lang." Itinigil niya ang pagluluto at nilapitan ako.

"Tell me if this has something to do with your work. Let me know what is happening, Khirl. Because I am worried."

Nakuyom ko ang nanginginig kong mga kamao na parang nagpa-palpitate. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kahit hindi sigurado ay bumuka ang aking bibig upang magsalita.

"I think they put something in my medicine and coffee. I have to figure this out," halos pabulong kong sambit na siyang ikinagulat ng nakikinig na si Ezelle.

Malakas ang hangin na humahampas sa mahaba at maalon-alon kong buhok. Napabuntong-hininga ako at inalis ang shades na suot. Tumingala muna ako sa langit bago titigan ang lapida na nasa paanan ko. Lumuhod ako upang ilagay sa puntod ni lolo ang ilang piraso ng bulaklak na tulips.

"I wonder if you still hate the smell of this flower. Ubos na kasi sa flower shop iyong paborito mong sampaguita. Don't worry, on my next visit, I'll bring you bunch of them." Nakangiti ko lamang na kinakausap ang hangin. Sumalampak ako ng upo sa harap ng puntod at dinamdam ang malamig na hangin. Napaka-presko sa pakiramdam. Day-off ko ngayon at naisipan kong bisitahin muna rito ang lolo dahil wala naman akong ibang gagawin sa bahay. Kaysa makipagbardagulan kay Caleb na palaging bumibisita sa amin para bwisitin ako, mas pinili kong pumunta dito sa sementeryo at maging mapag-isa habang kinakausap sa hangin si lolo.

"I really miss you, Lolo Tanda," pabiro kong bulong at napahagikhik. "Sana lang ay naririnig mo ako," malungkot ko pang dagdag.

"Nagsimula na nga pala akong mag-work sa Crimson bilang isang nurse and at the same time psychiatrist. Medyo exciting pero nitong mga nakaraang gabi, medyo iba lang sa feeling." Naudlot ang pagsasalita ko nang mapansin kong nanunubig na ang aking mga mata. Napasinghap ako.

"No way. Umiiyak na naman ako sa sobrang pagka-miss sa 'yo," natatawa kong sambit at hindi nagtagal, napahikbi na ako. Hanggang sa mas maramdaman kong lumakas ang ihip ng hangin.

"Alam kong hindi dapat kita ma-miss palagi. Dahil nasa tabi lang naman kita araw-araw. Mahal kita, lolo," sambit ko at napasinghot.

"Baluga mo talaga umiyak."

Naimulat ko ang aking mga mata at gulat na napalingon. Umurong ang uhog at luha ko nang makita ang pagmumukha niya. Suot pa rin niya ang cap at uniform ng school kung saan siya nagtuturo bilang PE instructor.

"Who told you to come over here?" pagalit kong tanong kay Caleb at sinamaan siya ng tingin. Nagkibit-balikat lamang ang mokong at tinabihan ako sa damuhan.

"Your sister told me to follow you. Nakwento na rin niya sa akin," panimula niya. Napataas ang kilay ko.

"It's just the coffee that made me fainted, okay? No need to worry about. Ezelle is just---"

"She's worried because she doesn't want to lose you again," pagputol niya kaya nakunot ang noo ko.

"W-What are you talking about? Hindi naman ako mawawala."

Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin at mayamaya'y napabuntong-hininga.

"What if they're putting something to your food and drinks inside that hospital? What if they are trying to poison you? Khirl, hindi lahat ng katrabaho mo mapagkakatiwalaan," paliwanag niya.

"They are nice to me," kontra ko. Mayamaya'y binawi ko rin ang aking sinabi. "Alright, not all are honest. Some are not."

"See? Tell me about what happened before you fainted," aniya at umayos ng upon a waring isang bata na kukwentuhan ko ng fairy tale.

"Really? In front of my lolo's tomb?" sarkastiko kong sabi pero ngumisi lamang siya.

"He's listening. Now, tell it to us." Napailing na lamang ako at umayos na rin ng upo bago magkwento.

"Actually, wala akong maalala," panimula ko kaya nakatanggap ako ng sapak mula sa kanya. Napangiwi ako. How dare he hurt a woman? Tangina neto!

"Anong wala kang maalala? Pero wait, what if meron ngang something sa nainom mo o nakain?"

"What kind of something?"

"Some kind of drugs or sedative, like that. You're a doctor. You have to figure it out," wika niya. Maging ako ay naguluhan rin.

"I think I have to see where those medicines and sedatives they use for patients made from," sambit ko. Napalunok-laway ako. "Pero Caleb, hindi iyon ang pinaka-big deal dito," dagdag ko pa. Dahil doon ay napatingin siya sa akin. Saglit kaming natahimik. Pinakiramdaman ko lamang ang tibok ng puso ko dahil nagpapalpitate na naman ako. ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay at ang pakiramdam na parang hindi mapakali. Lumunok-laway ako bago magsalita.

"I encountered a patient in ward six inside Crimson," I muttered.

"Sino?"

"Shamara Sandoval." Parang gusto nang mautal ng dila ko dahil sa kaba.

"And?" Kanina pa naghihintay si Caleb ng kasunod sa sasabihin ko. Hindi ko alam kung tama bang ikwento ko ito sa kanya pero kailangan ko talaga ng mapagsasabihan.

"I think she's not insane. She was abducted by the institution itself."

"What?" Pati si Caleb ay naguguluhan na rin sa akin.

"She's the former head nurse of Crimson M.I. And now, she's a patient for treatment in ward six."

Matapos kong sabihin iyon, lumakas muli ang ihip ng hangin. This time, kinilabutan na ako.

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon