CHAPTER 13 - THE PROMOTION

48 7 1
                                    

CHAPTER 13

THE PROMOTION

"WHAT'S happening?!" tanong ko sa nakasalubong kong nurse na gaya ng iba, aligaga rin at waring nagmamadali. Imbes na sagutin ako, bigla niya akong tinulak palayo at nagtatakbo na siya. Sinundan ko ng tingin ang napakahabang pasilyo patungo sa ward seven. Kumabog ang puso ko. Mayamaya pa'y nagtatakbo na rin ako patungo roon.

"She escaped," problemadong pagbabalita ni Gayle at nahihintakutang napatingin sa tahimik lamang na si Yja. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakatungo naman ang ibang nurse at parang ayaw madamay sa nangyaring pagtakas ng pasyente.

Nakita ko ang biglaang pagbabago ng awra ni Yja dahil sa nangyari. Naging matalim ang titig niya sa aming lahat at nagtiim-bagang.

"Everyone who are here tonight, lahat kayo ay mahaharap sa parusa ni boss dahil sa kapabayaan ninyong lahat!" bulyaw niya at padabog na naglakad palayo. Naiwan kaming lahat na gulantang dahil sa sinabi niya.

"What the actual fuck?" I muttered enough for Gayle to hear it. Nagsimula nang mag-alisan ang ilang nurse na nanginginig pa sa takot. Kaming dalawa na lang ni Gayle ang naiwan rito sa nakabukas pang ward na wala nang katao-tao. Napatingin ako sa kama ng pasyente. Nakita ko ang numero na naroon. Napanganga ako.

"It's Sally who escaped." She's the patient no. 3 here.

"She didn't escape." Dahil sa mahinang sinabi ni Gayle ay naguguluhan akong napatingin sa kanya.

"What did you just say? Then what happened to her? Joke time ba ito?" sunod-sunod kong tanong dahil naguguluhan na rin ako. Short skit lang ba iyong pagbabanta sa amin kanina ni Yja? Saan naman pumunta itong si Sally? Bakit sila nagkakagulo rito kanina? Tangina naman. Ano ba itong napasukan ko?

"Hello, Gayle? I'm asking you," usisa ko pa hanggang sa lumunok-laway muna siya bago sumagot. Nagpalinga-linga muna siya sa buong pasilyo bago nagsalita. Iniingatan niyang walang makakarinig ng sasabihin niya maliban sa akin.

"She didn't escape. She's dead," aniya na naging dahilan upang gapangan ng kilabot ang buo kong sistema.

"Ms. Lamontez, Ms. Alvarado wants to see you in her office tonight. Isang katok at pumasok ang nagmamalditang pagmumukha ni Yja rito sa opisina ko. Awtomatiko naman akong napabalikwas dahil kakagising ko rin lamang. Agad akong napasulyap sa wristwatch ko.

"Ang sarap ng tulog, a? Parang walang duty ba?" sarkastiko niyang komento kaya napamura ako sa sarili ko. Tangina, nakatulog pala ako. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, inayos ko ang sarili ko para magmukha naman akong presentable mamaya kapag kaharap ko na ang boss.

Tumikhim siya at nag-cross arm na parang siya ang may-ari nitong ospital. Luh, sino ka dyarn?

"FYI, you are being paid here. So, do your duty. Hindi pwede rito ang tutulog-tulog lang. Are you getting the point?"

Wala siyang natanggap na sagot mula sa akin kaya nagpasya na atang umalis ang bruha. Nang mawala siya sa paningin ko, napabuntong-hininga na lamang ako. Saglit pa akong napatigil sa pagre-retouch ng mukha ko nang maalala na naman ang sinabi sa akin ni Gayle. Tuwing maaalala ko iyon, kinikilabutan pa rin ako.

Kalmado lamang akong naglalakad patungo sa direksyon ng opisina ni Ms. Alvarado. Ewan ko ba pero ngayon lang umeepekto ang kapeng ininom ko kaninang umaga. Feeling ko nagpa-palpitate na ako. Kinakabahan ako at hindi mapakali.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago kumatok sa pintuan. Pinihit ko ang seradura nito at napagtantong hindi naka-lock.

"Magandang gabi ho," magalang kong bati sa babaeng abala sa pag-aasikaso ng mga papeles sa kanyang desk. Walang emosyon siyang napasulyap sa akin. Dahan-dahan naman akong napangiti at isinara na ang pinto matapos makapasok.

"Here, we don't say "good evening". Instead, we greet everyone "good morning" since we considered our work shift schedule as day, not night." Bigla akong nahiya sa pagbati ko sa kanya kanina kaya napatungo ako. Ngunit nahigit ko ang aking hininga nang ngumiti siya. Hindi ko tuloy matantiya kung mabait ba siya o nagpapanggap lang.

"Anyway, have a sit. I thank Yja for having a chance to talk with you." Alinlangan pa akong umupo sa kaharap niyang upuan. Kung tingnan niya ay ako, parang kilala na niya ang buong pagkatao ko at isa ito sa mga dahilan kung bakit ko siya pinaghihinalaan.

"Gusto mo raw ako makausap," sambit ko. "Bakit?" dagdag ko pang katanungan.

Sa halip na sagutin ang tanong ko, inilapag niya sa desk ang isang folder at binuklat ito. Naningkit ang aking mga mata nang mapagtantong isa itong kontrata.

"W-What is that?" Inusog niya palapit sa akin ang folder. She even handed me a pen.

"What's the meaning of this?"

"Congratulations, you are promoted. You'll replace the position of Yja from now on," kalmado at nakangiti niyang sagot. Pinagdaop pa niya ang dalawa niyang palad habang hinihintay ako na basahin ang kontrata. Napanganga na lamang ako.

"Ma'am, hindi po ba masyado pang maaga para sa promotion ko? I mean, hindi mo pa nakikita ang full potential ko. I am just being honest to you," tanggi ko at nakakunot na ang noo.

"Kaya nga I want to offer you a promotion contract. It's because I want to see your full potential. I want to see how will you work more," nanghahamon niyang bulalas at muling ngumiti. This time, hindi na maganda ang kutob ko kaya awtomatiko kong inusog ang folder palapit sa kanya at aligagang tumayo.

"I see your point but it's not the right time. We have a patient and I know she's dead. We have to work more on transparency. Dapat alam ng kamag-anak niya ang totoong nangyari sa kanya. Kung bakit siya nama---"

Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko sa biglaan niyang pagtayo at paghampas sa mesa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napakatalim niya tumitig.

"Watch your words. You are not in the position to talk to me like that. Taga-asikaso ka lang ng mga pasyente rito and you are being paid. Still, you are not Yja to address that concern to me. You ditch the contract I offered to you, right?"

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makahanap ng tamang sasabihin. Napaatras ako. Nang makakuha ng tiyempo, naglakad na ako palabas. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng opisina niya, may huli pa siyang sinabi.

"Whoever reported to you that the patient is dead, patay na talaga ang kaluluwa nila bago pa sila ipasok rito. Ngayon, sinusunog na lang sila sa impyerno."

WHAT THE FUCK?!

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon