CHAPTER 15 - WHO IS SHE?

110 11 1
                                    

CHAPTER 15

WHO IS SHE?

MAHINAHON kong isinara ang gripo pagkatapos kong maghilamos ng mukha. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at napabuntong-hininga. Matapos tuyuin ang mukha at mga palad ay nagpasya na akong lumabas ng comfort room. Naglalakad na ako patungo sa opisina nang mamataan ko si Yja na lumabas mula sa kwartong sa pagkakaalam ko'y kwarto noong pasyenteng nawawala. Napakunot ang noo ko.

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko. Nakapamulsa ko pa siyang inantay hanggang sa dumaan siya sa mismong harapan ko. Mataray siyang sumulyap sa wristwatch na suot niya pagkuwa'y nagsalita habang nakatitig sa akin.

"It's working hour. What are you doing outside your office?"

"I just went to the comfort room. So, what's up with the vacant room over there?" turo ko sa pinanggalingan niya.

"We have a new patient and she needs treatment," diretsahan niyang sagot.

"Mas malala ba sa record ni Sally?" usisa ko pa. Halatang naiirita na siya sa mga tinatanong ko. Ngunit nginitian lamang niya at naglakad na papalayo.

"Ako ang naatasan sa pasyenteng iyon. I can't tell you the details about her." Napaismid na lang ako napa-cross arm nang lagpasan na niya ako ng tuluyan. Pero bago pa siya makalayo, nagsalita muli ako.

"Where's Gayle? I haven't seen her around." Nilingon ko siya at naghihintay ng sagot niya.

Dahil sa tanong ko'y napatigil naman siya.

"She already resigned."

Napatda ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang kanyang sinabi. Napakunot ang noo ko.

"Something is not really nice here," sambit ko sa kabilang linya at pinaglaruan na naman ang hawak na ballpen. Kanina pa ako hindi makafocus sa trabaho dahil napakaraming bagay ang sumasagi sa isip ko. Naisip ko na lang na tawagan muna si Eldritch at bulabugin ang tahimik niyang buhay.

"Sus, miss mo lang ako," pagbibiro niya kaya halos mabulunan ako ng sarili kong laway.

"Wala ka talagang kwenta kausap e, no?" pang-aasar ko na lamang.

"Mas matino naman ako kaysa sa bestfriend mo," kontra niya na ang tinutukoy ay si Caleb. Napailing na lamang ako habang natatawa.

"What could be the thing behind that Alvarado? I think I already heard her surname before. I can't even remember." Hinilot-hilot ko ang aking sintido dahil medyo kumikirot na ito.

"Does your head ache?" tanong niya sa kabilang linya. Napangiti ako na parang tanga.

"How did you know?"

"Cause I can feel you from afar?" aniya kaya mas lumawak ang ngiti ko. "Kidding aside, drink coffee. It works," dagdag pa niya.

"Sure ka?" Tamang-tama at nagpadala pala sa akin si Yja ng isang cup ng kape kanina. Hindi pa naman siya malamig kaya hinigop ko na rin.

"Just try it," boring niyang sagot.

"Thanks for your suggestion. By the way, I have to end the call here. Someone's coming," sambit ko.

"Okay. Just text me if you need sundo or anything," aniya sa conyo na boses. Tangina, kahit kailan talaga ang mga mayayaman. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil pinatay ko na agad ang linya. Sakto namang nagpop-out ang text message ni Caleb na may sasabihin raw siya. Nabuhay na naman ang pagiging chismosa ko. Magtitipa na sana ako ng mensahe nang makarinig na naman ako ng taguktok ng sapatos. May commotion na naman sa labas kaya akala ko may paparating na naman dito sa office ko. Isinilid ko muna ang phone sa bulsa ng coat at nagpasyang lumabas para tingnan kung ano ang ingay na kanina ko pa naririnig.

"Nagtangka raw tumakas ang patient no. 3! Lock all the doors of the premises. Now!" sigaw ni Yja na parang galit na galit. Napaatras ako at nagtago sa makapal na pader nang lingunin niya ang pwesto ko. Parang gustong kumabog ng dibdib ko dahil sa kaba kahit hindi naman ako ang may kasalanan. Feeling ko dahil sa kaba ito. Napapikit na lamang ako nang dumaan siya sa harap ko at tumigil.

"Go back to your office now," utos niya.

"What actually happened?" tanong ko pero hindi na niya ako sinagot. Narinig ko ang pagsara ng mga bakal na pinto kaya mas nalito ako. Mayamaya'y nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok na muli sa opisina ko.

"DID that really happened?" hindi makapaniwalang tanong ni Caleb. Napasandal ako sa upuan at hinilot na naman ang sintido ko. This past few days, lumalala ang migraine ko at hindi ko alam kung bakit.

"Yes and my workmate Gayle disappeared. She didn't even told me that she'd resign," sambit ko.

"Bakit daw nag-resign?"

"Iyon nga, e. Hindi ko rin alam." Halos maihilamos ko ang palad sa aking pagmumukha.

"Shit, para tayong nagbubuo ng napakahirap na puzzle rito."

"Do you think that she resigned because of Alvarado's administration?"

"I guess. Pero bakit? Mahal naman niya ang trabaho niya at nakikita ko iyon araw-araw," kagat-labi kong sagot.

"Or there's other way around. She didn't resign. I think she's been abducted," seryoso niyang wika habang nag-i-scroll sa laptop niya kaya awtomatiko akong napatingin sa kanya.

"What did you just say?"

"I was searching for the background profile of one of the patients. You told me to look for Sally Castillo, right? I can't find her information but look where it leads me," aniya at ihinarap sa akin ang laptop. Saka lamang ako natauhan nang makita ang pangalan at pagmumukha ng babaeng pamilyar sa akin. Halos matigalgal ako sa sobrang gulat.

"Do you know her by any chance?"

Napanganga ako at parang namutla. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkalito.

"Shamara Sandoval. It states here that she was once a former nurse-assistant in the institution. She was even promoted as a head nurse. But unfortunately, nag-AWOL daw at hindi na nagpakita kahit kailan."

"Hinanap pa raw siya ng mga magulang niya pero kahit mga pulis, walang makitang lead sa pagkawala niya. Three months ago, nagpadala raw ng sulat saying na huwag na raw siyang hanapin. Masaya na raw siya kung nasaan siya ngayon," pagbabasa ni Caleb sa article. Mayamaya'y napangiwi siya.

"Seriously? What is this article?" nakangiwi niyang komento.

Halos mapailing ako sa mga naririnig. Nakita naman niya ang reaksyon ko.

"Khirl? Kilala mo ba siya? Alam mo ba kung nasaan siya?" Pilit kong inalala ang mga pangyayaring iyon. Halos kumabog ang puso ko.

"I know a patient named Shamara Sandoval inside the M.I. She's in the ward six and she's diagnosed with schizophrenia."

Dahil sa naging sagot ko'y kapwa kami nagkatinginan ni Caleb na namumutla na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon