CHAPTER 8 - NIGHTMARE

58 8 1
                                    


CHAPTER 8 – NIGHTMARE

"What the hell, Gayle?" Pagalit kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. Nawala ang kaba ko nang mapagtantong siya ang humatak sa akin palabas ng ward six at napalitan iyon ng pagkainis. Ano ba ang trip ng babaeng ito?

"Ang lakas ng trip mo, ano?" sarkastiko kong sambit at napahawak sa puso. Hindi ko akalaing may ibibilis pa pala ang tibok nito. Sigurado akong dahil sa nainom kong kape kaya ganito na ako magpalpitate ngayon.

"Hindi ko sinasadyang takutin ka."

"Stay away from me," nahihintakutan kong sabi at mahigpit na napahawak sa ballpen na nasa bulsa ng coat ko. Agad naman siyang napaatras na waring naguguluhan.

"Anong sinasabi mo?"

"May hindi kayo sinasabi sa akin. Alam kong may alam ka sa pasyente na nasa ward six. Alam ko ring may idea ka kung sino si Shamara Sandova," sunod-sunod kong bulalas na siyang ikinagulat niya. Napanganga na siya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo," pagsisinungaling niya kaya napailing ako at sarkastikong ngumiti.

"Kung wala kang alam, bakit kanina mo pa ako sinusundan? Bakit alam mong pumasok ako sa ward six?"

"Hindi mo naiintindihan. Bawal talagang pumasok ang kahit na sinong nurse o doktor sa ward na iyon maliban sa head nurse. Supposed to be dapat hindi ako papasok doon but I need to pull you out of that ward, Khirl! Dahil kapag nalaman iyon ng head nurse, mate-terminate ka rito!" tila kinakabahan niyang sagot. Napakunot ang noo ko.

"May alam ka nga."

"Wala!" aniya na parang naiiyak at agad nagtatakbo paliko sa kabilang corridor. Naiwan ako sa tapat ng ward nine kaya napabuntong-hininga na lamang ako at napasandal sa pader. Ipinikit ko ang aking mga mata pagkuwa'y pinakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso.

Maybe I should quit drinking coffee.

Naimulat ko ang aking mga mata at mas napasandal sa pader. Pigil ang hininga ko nang makarinig ako ng taguktok ng sapatos. Mayamaya'y may bumukas na pintuan kasabay ng pagsara rin nito.

Kung hindi ako nagkakamali, si Yja ito. She entered ward six again. Napasinghap ako dahil sa kaba at saka tahimik na naglakad pabalik sa opisina ko. Hindi ko alam kung ano ang itinatago nila sa akin o ano ang lihim ng ospital na ito. Pero hindi ako aalis rito ng tuluyan hangga't hindi ko nalalaman iyon.

"Tangina, ang lagkit, ha," reklamo ko habang nililinis ang natapon na kape kanina. Natuyo na ito sa sahig at nangangailangan ng matinding pagpupunas. Napangiwi ako sabay pahid sa pawis kong tumatagaktak na ata. Malakas na ang aircon pero naiinitan pa rin ako.

Sa mismong pagtayo ko upang hugasan na sa sink ang basahan ay napapikit ako saglit. Medyo nahihilo ako kaya napahawak ako sa swivel chair. Kakaiba ang nararamdaman ko. Parang umiikot ang aking paningin at napapasinghap ako dahil pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin. Saglit lamang at nabitawan ko na rin ang basahan hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang aking mga talukap. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ng aking katawan sa sahig ngunit hindi na ako nakaramdam ng sakit mula sa pagkabuwal ko.

Nagising ako sa tunog ng makina na sumusuporta sa akin. Naimulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang mga swerong nakakabit ngayon sa aking katawan. Sinubukan kong igalaw ang aking mga daliri ngunit pakiramdam ko palyado na ang mga ito. Gusto kong sumigaw. Wala na akong maramdaman pa. Nagpumilit akong kumawala mula sa pagkakatali ng kamay at paa ko subalit sa kasamaang palad, wala itong naidulot na mabuti. Nagsimula na akong maluha.

How do I ended up with this situation? Kanina lamang ay nasa opisina lang ako at... wala akong maalala. Iginala ko ang aking paningin. Wala akong makita bukod sa kulay puting pintura ng kwarto.

"Gising ka na pala. Kanina pa kita inaantay magising," sambit ng isang boses kaya napalingon ako sa nagsalita. Napakalabo ng paningin ko. Hindi ko makita ang mukha niya. Nakasuot rin siya ng puting coat at may hawak na syringe. Mas mahaba ang syringe na hawa niya kumpara sa ginagamit namin para sa mga pasyente. Nanlaki ang mga mata ko nang akma na niya itong ituturok sa akin.

"Hindi ito masakit. Parang kagat lang naman ng langgam, huwag kang mag-alala," aniya at unti-unti na itong idinikit sa braso ko. Doon lamang ako napasigaw at napabalikwas.

"What happened?"

Saglit akong natigalgal nang makita ang paligid. Inilibot ko pa ng tingin ang kabuuan ng kwarto dahil baka namamalikmata lamang ako.

"That's a terrible dream," sambit ko sa sarili saka napatingin kay Yja na nagtatakang nakatitig lamang sa akin.

"A-are you okay?" aniya sa nag-aalalang tinig. Ngumiti lamang ako at sumagot.

"Y-yes. I think so." I am unsure of my answer. Medyo nahihilo pa kasi ako.

"You fainted inside your office."

"Yeah, that's what I remember," sambit ko na lamang at hindi na binanggit pa sa kanya ang mga napanaginipan ko. Nakakakilabot alalahanin na nakita ko ang sarili ko sa loob ng ward six at ako raw ang panibagong pasyente. Tangina. No way.

"Siguro hindi ka sanay sa night shift. Don't worry. Kakausapin ko na lang si boss na ibalik ang dati mong---"

"No. That's fine. I can adjust," pagpigil ko sa kanya at ngumiti.

"Are you sure?" paninigurado niya at hindi na itinuloy pa ang paghawak sa telepono para sana tawagan ang boss na tinutukoy niya.

"Oo. This has nothing to do with my duty. Thanks for your concern, Yja." Tumango lamang siya at naglakad paatras sabay tingin sa wall clock na nakasabit lamang sa ulunan ko.

"Just call me if you need something. Bibisitahin ko muna ang ilang pasyente since it's their snack time na. I'll go ahead. Take these prescribed medicine and rest para makapasok ka rin naman sa shift mo later," bilin niya. Nag-thumbs up na lamang ako. Agad niyang isinarado ang pinto. Sa puntong iyon ay saka lamang nag-sink in sa akin na wala naman talaga ako sa loob ng ward six at lahat ng nakita ko kanina ay panaginip lamang. Narito ako ngayon sa clinic for staffs and nurses.

Nakakapagtaka kung bakit ko napanaginipan iyon. Sino iyong doktor sa panaginip ko na may hawak na syringe?

Napabuntong-hininga na lamang ako sabay sulyap sa botelya ng gamot na iniwan sa akin ni Yja. Walang pagdadalawang-isip na ininom ko ang pill sabay lagok ng tubig. Tangina, nakakakilabot alalahanin na hanggang panaginip, dinadalaw ako ng mga hindi matahimik na bagay.

Nakaramdam ako ng pagbigat muli ng talukap kaya ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata. 

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon