CHAPTER 5 - PATIENT NO.3

55 11 1
                                    

CHAPTER 5 – PATIENT NO. 3

"She is patient no. 3. She has Schizophrenia. She is always having hallucinations, delusions, and extremely disordered thinking and behavior."

"Kailan pa siya na-admit rito?" usisa ko habang nagsusulat sa notepad ko. Nakasilip kami ngayon sa babasaging bintana at kitang-kita ko ang tulalang pasyente mula sa loob ng nakasarado niyang kwarto. Sinilip ko ang pintuan. It's ward nine.

"A month ago," sagot ni Gayle. Buti naman at medyo maayos siyang kausap ngayon.

"May mga kamag-anak ba siya na pwede natin ma-contact? Or may contact number ka ba ng relatives niya o kaya family?" tanong ko pa.

"Bawal silang bumisita sa mga pasyente." Dahil sa sinabi niya ay nakunot ang noo ko at hinarap siya.

"Ha? Paano sila makak-recover niyan? Paano malalaman ng sarili nilang pamilya ang kalagayan nila?"

"Visitors are not allowed. Once they are admitted here, they should not have any contact outside this institution unless the treatment is already done and successful. Nasa contract iyon. Hindi mo ba nabasa?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Yja na naglalakad na palapit sa amin at may dala rin itong folder na gaya ng sa akin. Napanganga ako.

"Are you hell serious?" Hindi talaga ako makapaniwala sa naging paliwanag niya. Anong klaseng patakaran iyon?

Ngumiti lamang siya na parang nang-aasar at nilagpasan ako.

"Gayle, look after the patient no. 2," utos nito kaya nagmamadaling umalis sa harapan ko si Gayle at nagtatakbo patungo sa ward five. Saglit rin siyang tumigil ngunit hindi ako nilingon.

"It's the boss' order not to accept visitors. Now, just do your job here and don't oppose her regulations," aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala.

"What the hell is wrong with her?" bulong ko na lamang sa sarili ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa notepad.

***

"How are you?" Pangungumusta ko sa pasyente pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Pinakiramdaman ko ang noo niya at nagulat ako nang bigla niyang iwakli ang kamay ko.

"Huwag mo akong hahawakan!" Naging matalim ang titig niya sa akin. Bakas roon ang pagpupuyos na galit. Nagngangalit din ang kanyang mga ngipin. Ayokong makita ng pasyente ko na natatakot ako sa mga kilos nila kaya ipinagwalang-bahala ko iyon. Sa halip, naging kalmado lamang ako at kumuha ng thermometer.

"Nag-aapoy ka sa lagnat. Kailangan mong uminom ng gamut ngayon rin," sambit ko. Narinig ko ang pamaya't maya niyang ubo. Hanggang sa halos hindi na siya makahinga kaya hinagod ko na ang dibdib niya.

"Huwag! Lumayo ka sa akin! Kagaya ka rin nila!"

"Sinong sila?"

"Huwag kang mag-balat kayo! Pare-pareho lang kayo rito!"

"Sally, you're just hallucinating!"

In just a snap, naging kalmado na ulit siya ngunit nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Napapikit siya at hinayaan niyang tumulo ang mga butil nito sa kanyang pisngi.

"Bago ka pa lang rito," tila siguradong saad niya. Napatango ako. Inayos ko ang pagkakatali ng kanyang mga kamay upang masiguro na hindi sila makakatakas oras na maging agresibo sila. Nakakaawa sila sa kalagayang ito. Ngunit hindi ko rin naman masisisi kung bakit kailangan pa silang itali dahil oras na makatakas sila, may posibilidad na manakit sila ng iba. Napangiwi ako nang makita sa pulsuhan niya ang isang bakas ng pagkahiwa.

"You try to harm yourself, Sally. Why?" Halos pumiyok ang boses ko. Hindi ko akalaing makikita ko ang sarili ko sa iba. Dati, ganitong-ganito rin ako.

"Sinong tanga ang mananakit sa sarili?" Dahil sa sinabi niya'y tila nagpantig ang tenga ko. Nabitawan ko ang palapulsuhan niya.

"Sila ang nanakit sa akin. Sinasaktan nila ako! Sinasaktan nila ako!"

"Sally, calm down! Sino ba ang nananakit sa 'yo?" naguguluhan kong tanong.

Wala na akong nakuhang matinong sagot sa kanya dahil nagsimula na siyang umiyak. Tulad ng nakagawian, tinurukan ko siya ng pampakalma. Hingal na hingal siyang napatingin sa akin.

"Hindi mo alam kung anong ginagawa mo. Umalis ka na rito, m-magresign ka na," aniya kaya sarkastiko akong napangisi.

"Hindi mo hawak ang profession ko. Now, help yourself too and say that words to my face once you recover," diretsahan kong kontra at saka naglakad na palabas ng ward niya.

"Ward six! Huwag kang pupunta sa ward six!" paulit-ulit niyang sigaw hanggang sa makalabas ako kaya napakunot ang aking noo. Saktong paglabas ko ay natanaw ko rin si Yja na kakalabas lang rin sa ward na tinutukoy ng pasyente.

I composed myself before asking her as she approached me.

"How's the patient in ward six?" nakangiti kong tanong. Naging malikot ang tingin niya at waring naghahanap pa ng sasabihin.

"She's sleeping. I just brought her medicine and food to eat. Ilang minuto lang naman ang tagal ng gamot nila so magigising na siya ano mang oras."

"Nabanggit mo na rin. Ano bang gamot ang pinapainom at tinuturok natin sa mga patients? Hindi mo kasi naipaliwanag sa akin ang mga iyon." I know it's some kinds of diazepam or ativan drugs pero pakiramdam ko may iba pang nakahalo sa gamot nila.

Saglit siyang napatingin sa kanyang wristwatch at nagpamulsa sa suot niyang white coat.

"I got to go. May meeting pa ako with the boss today. See you later," aniya at nagmamadali nang maglakad palayo sa akin. Sinundan ko na lamang siya ng tingin.

Napalingon naman ako sa kabilang corridor at nakita ko si Gayle na nakasilip sa pag-uusap namin. Nang mapansin ko siya'y kumaripas rin siya ng takbo na animo'y hahabulin ko.

"What's wrong with you, people?" sambit ko na lamang sa sarili. Ang weird talaga nila.

Sa hindi ko malamang dahilan, naagaw ng pansin ko ang ward six kung saan nanggaling kanina si Yja at ang boses ng pasyente ko na nagsasabing huwag raw pumasok roon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig rin ang aking mga kamay kaya itinago ko ito sa manggas ng suot kong coat.

Bakit ako nagkakaroon ng anxiety, e wala naman akong dapat ikabahala? Naipilig ko ang aking ulo at naglakad na pabalik sa office ko. Kulang lang siguro ako sa tulog kagabi kaya ganito ang behavior ko ngayon.

***

Ward of SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon