ONCE A GANGSTER LOVES
CHAPTER 6
Pagkadating namin ng bahay agad akong tumaas papuntang kwarto ko para magpalit kaagad ng damit. But strangely, Kaisler followed me kaya bago pa man ako tuluyang pumasok sa kwarto ko ay hinarap ko si Kaisler. "At bakit?" Saad ko rito at tinaasan ng kilay. He looks so bothered since awhile ago.
Lumapit siya sakin at halos mapasandal na ako sa pintuan ko dahil sa lapit niya. Kumunot ang noo ko dahil sa nakakapagtaka sakaniyang ikinikilos. Ano bang topak nito?
"What?" I blurted out. Inihilig ko ang mukha ko dahil hindi ako komportable sa posisyon naming dalawa. At isa pa, nararamdaman ko ang hininga niya na nagpapadagdag ng awkward na atmosphere sa pagitan naming dalawa.
Itinaas niya ang kanan niyang kamay sa gilid ko, cornering me. Tapos naglean siya sakin pa-forward na lalong nagpalapit saming dalawa. I swear, nagtitindigan ang balahibo ko sa kaba dahil sa pinagga-gawa ng lalaking ito.
"I know may narinig ka sa usapan namin kanina," pagsisimula niya. I looked at him, straight to his eyes. Alam naman pala niya, bakit tinanong pa ako kanina? "Shazney," tawag niya sakin.
Hindi ko alam pero after niyang banggitin ang pangalan ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Alam niyo 'yung parang galing ka sa karera? O kahit anong nakakapagod na activity? Ganun kabilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ang tawag dito?Bakit naman ako kakabahan sa lalaking 'to?
"What again?" Inis ko ng saad.
"Wag kang mag-iisip ng kung anu-ano tungkol dun sa narinig mo kanina. Chismosa ka kasi kaya sinasabi ko 'to." Pagkasabi niya noon ay dumistansiya na siya sakin at tumayo ng maayos pero hindi niya pa rin inaalis yung tingin niya sakin.
I glared at him. Grabe, hindi ako chismosa. Siguro mild lang pero not totally chismosa, noh. Duh.
Binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko at pumasok pero itong lalaking ito sumunod saakin sa loob. Psh.
"I didn't know sumali ka pala as Muse ng team natin sa Sport Fest," aniya at umupo sa kama ko.
"Dapat ko bang ipaalam sa'yo?" Pagtataray ko. He just glared at me and continued.
"Buti nalang pala, ni-refuse ko 'yung offer." Huminga nalang ako ng malalim at hindi pinansin ang pang-aasar niya tapos ay pinagpatuloy ang paghahanap ng damit na susuotin ko.
"Shazney," dinig kong tawag niya sakin. I ignored him and he continued on speaking like he didn't even wait for my response. "Type mo ba si Tristan?"
Napahinto ako sa ginagawa ko at napaisip. Gwapo naman si Tristan, he has the nice body as a man, and based kanina mabait siya.
"Medyo. Bakit ilalakad mo ba ako sakaniya?" Saad ko at itinaas-baba ko ang kilay ko sakaniya tapos ngumiti ng nakakaloko. He shook his head and left. "Psh. Sungit," I commented habang pinapanood siya umalis ng kwarto ko.
Kinabukasan, hindi na ako nagsuot ng uniform dahil magp-practice lang naman daw kami ngayon ng sayaw for Sport Fest. I just wore a black leggings at loose shirt na cream ang kulay and a Reebok rubber shoes.
On my way to the vacant room where we practiced yesterday, someone suddenly blocked my way. Unfortunately, it was Mirae. Nakataas na naman ang kilay nito at nakatingin saakin ng matiim. I tried walking to the other direction but she just blocked me again. I looked at her, giving a questioning look why is she blocking me.
BINABASA MO ANG
#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)
Romance"Catherina Shazney, a simple girl, got into an arranged marriage with Kaisler Jake, a gangster." - Highest Rank: #531 [#962 to #697 BEFORE] in Romance Category Formerly Entitled as "The Gang Leader's First Love" WARNING: Typo grammatical errors ahea...