CHAPTER 19 - Cry of the Heart

1.2K 33 2
                                    

ONCE A GANGSTER LOVES

CHAPTER 19

"Sana bukas ka nalang pumunta, anong oras na," ani Chloe, pambabasag nya sa katahimikan.

"Sa tingin ko kasi, kailangan mo talaga ng makakausap kaya nung nalaman ko, agad akong pumunta dito," sabi ko at nilingon siya. Ngumiti siya. Hindi gaanong masaya pero hindi rin mapait.

Nandito kami sa labas ng bahay nila Chloe, sa may mini garden nila. Nakaupo kami pareho sa isang bench para mag usap. Dumiretso ako dito matapos kong gawin ang ma school activities and assignment namin. Tahimik ang paligid namin saktong sakto sa atmosphere na kailangan namin sa pag uusap tungkol sa problema niya.

"Salamat. Tama ka... I really need someone to lean on kasi kanina ko pa to pinipigilan." Tumigil siya na para bang may sumagi sa isip niya at ngumisi. "Ah, hindi. Kahapon pa pala, noong nalaman kong aalis sya."

Nang marinig ko syang humikbi, niyakap ko siya at isinandal sa balikat ko. Ito yung kailangan nya eh, comfort. I don't know how much it hurts but I can see it through her eyes. I can hear and feel it all from her tears and sobs. It seems to be so painful.

"Shazney..." tawag niya sakin at inalis niya ang pagkakasandal sakin at tinignan ako. "Papadala ako ni Daddy sa Korea ulit para ilayo sakaniya kasi ayaw niya kay Rix. Ganun siya ka-against sa relasiyon namin na tipong hindi niya man lang kino-consider yung feelings ko."

She placed her hands on her face covering her tears flowing on her cheeks. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan na ganoon ka-higpit ang parents niya sakaniya especially her Dad.

I rubbed her back to comfort her then she continued talking. "Sa'yo ko lang 'to sasabihin ha? Promise mo you'll not going to tell them about this?" She said and looked at me straight to my eyes. Clueless at nagtataka man ako sa sikretong saabihin niya sakin ay tumango ako sakaniya, promising to keep her secret safe with me. Bumuntong hinina siya at yumuko. "To be honest... ever since malaman ng pamilya ko na may manliligaw akong hindi Koreano ay nagsimula silang maging mahigpit sakin. Mas lumala pa nang malaman nilang may gusto rin ako kay Rix. My Dad is hurting me physically."

I gasped as I heard her said that her dad is hurting her. I gulped and I placed my hands on her jaw for her to face me.

"Are you serious?" Hindi ko pa rin makapaniwalang tanong. She nodded twice at me and she wiped her tears. She's sobbing hard. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Oh God Chloe..." I almost whispered. Then later on humiwalay na rin ako sa pagkakayakap sakaniya and instead ay hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Eventually, nalaman ni Rix ang tungkol doon. Kaya siguro pumayag na siya sa sinabi ng parents niya na sa abroad na siya mag-aral para layuan ako. Dahil sinisisi niya yung sarili niya kung bakit ako pinagmamalupitan ng Daddy ko..." She paused and glanced at me. I saw her pursing her lips to prevent her to cry even more and continued. "He said... *sobs* he's letting me go." Humikbi ulit sya at pinunasan ang mga luha nyang sunod-sunod ang paglabas mula sakaniyang mga mata.

Ang sakit makita na ganito ang kaibigan mo. Wala kang magawa kundi ang damayan sya. Why is her father like that? He should atleast consider Chloe's feelings because he's her father after all. How can he be so inconsiderate...

"Shhh. Chloe, wag ka ng umiyak.."bTanging saad ko upang pagaanin ang loob niya.

"Shazney. Next week na ang alis niya. I heard he's starting to prepare his things para sa pag alis niya. Tinapos niya lang ang Intrams. Haha. Nakakatawa talaga ano? We're not yet labeled as couple because of my parents and we have to experience this kind of situation. Korean Drama ba to?" She was lauging right now in pain. I sighed and gave her a hug then she stopped and cried again.

#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon