CHAPTER 21 - Spy

1.1K 28 3
                                    

ONCE A GANGSTER LOVES

CHAPTER 21

Someone's POV

"May naghahanap po sainyo, sir. Yuan daw po ang name niya. Papapasukin ko po ba?" Isinara ko ang librong binabasa ko at tiningnan ang kasambahay namin at tumango.

"Dito mo na siya padiretsuhin," ani ko at inalis ang eyeglass na suot ko. Tumango naman ang kasambahay namin at umalis na. Maya-maya rin ay dumating na si Yuan at pumasok sa kwarto ko while he's grinning widely. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Make sure may sense ang sasabihin mo, ha," ani ko na para bang nagbabanta. Umupo siya sa sofa sa harap ko at dumikwatro.

"Wala bang pa-kape?" Reklamo niya. Tumaas lalo ang kilay ko.

"You should have told my yaya before you enter my room for that. I'm not hospitable kind of person you know."

"Psh."

"So anong pinunta mo dito?"

"Oh that. I decided to stop following the two for the mean time. Napapansin na kasi nila ako." Biglang uminit ang ulo ko sa narinig ko.

"Psh. Tatanga-tanga ka kasi."

"Wow ha! Ikaw nalang kaya ang mag-stalk sakanila? Hindi ko nga malaman sa'yo kung bakit kailangan pa nating sundan ng sundan yung dalawa. Pwede namang kidnap-in na agad sila."

Napailing nalang ako sakaniya at hindi muna nagsalita. Pinapasakit niya ang ulo ko. Settled na lahat ng plano ngayon pa siya babali sa usapan.

"Pero... may dalawa akong nadiskubre. Napaka laking pasabog." Nabalik ang atensyon ko sakaniya dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sakin at ngumisi.

"Anong klaseng pasabog?"

Mas lumawak pa ang ngisi niya na animo'y isa siyang demonyo at may masama siyang binabalak. He leaned his elbows on his thighs and looked at me seriously.

"It's about their parents. His mother is diagnosed with Lung Cancer.

And something fishy is going on around her mother and his father but I'm not yet sure about that."

Shazney's POV

Natapos na ang three-day examination namin at sa wakas ngayon ay nakakahinga na ulit kami ng maluwag. Ngayon ay nandito kami sa bahay ng grandparents namin ni Clinton kasama ang tropa para mag-unwind at bilang pangako na rin ni Clinton noon once na mag-no.1 kami ni Tristan noong Sport Fest as the Muse and Escort. Mabuti na lang nga din at natuloy pa kami dito dahil ang tagal ko na ring di nakakabisita rito. Siguro last summer pa ko huling bumisita dito.

Lahat kami ay nakaupo sa malawak na dinning area habang kasama namin sa hapag ang lolo at lola namin ni Clinto; si Lola Cate at Lolo Limwel.

"Thank you po sa masasarap na pagkain. Grabe. Parang fiesta," wika ni Bry habang nanguya pa. Natawa naman sakaniya si Lola Cate maging kaming barkada. Mukhang sarap na sarap kasi talaga siya sa mga nakahandang pagkain dahil siya nalang kasi ang natitirang kumakain. Tapos na kaming lahat pero go pa rin siya ng go. No wonder why medyo chubby ang katawan niya. Napakatakaw niya. Promise.

"Eat slowly, hijo. Wala namang aagaw sa kinakain mo," pabiro pang wika ni Lolo Limwel.

"Ang sarap po kasi. Masyado akong ginaganahan."

"Oo nga. Di naman masyadong obvious," sarkastikong komento ni Gianna na ikinatawa ko.

"They're chef that's why they cook so well," I bragged.

#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon