CHAPTER 24 - The Kaisler-Jake-Pascual-Way

1.1K 30 7
                                    

ONCE A GANGSTER LOVES

CHAPTER 24

Shazney's POV

Alas-dose na natapos ang party at ngayon ay nandito ako sa loob ng kotse kasama ang Mommy ko. We're on our way to Kaisler's house.

I yawned and leaned my head on my Mommy's shoulder.

"Aba. Natututo ka na bang manlambing?" She said while she's busy on reading a book.

"I'm just sleepy," I said and yawned again.

"Shazney," my mom said calling me.

"Hmmm?"

"Did you perhaps... do you like Jake?" Napaupo ako nang marinig ang tanong ni Mommy at tinignan siya habang nanlalaki ang mga mata ko. Why all of sudden tatanungin niya ako niyan? Gosh. "Ano? Do you like him?" She repeated. Umiwas ako ng tingin sakaniya.

"What do you want to hear? Which answer do you want me to say?" She shook her head while her attention is still focused on her book.

"Nevermind," she said.

"Why Mom? Dapat ba gusto ko rin siya since fiancé ko siya?" I continued. She glanced at me na para bang nagulat siya sa sinabi ko. Tinaas ko ang kilay ko as a sign na hinihintay ko ang sagot niya. Ibinalik niya ang tingin niya sa librong binabasa niya at nagwika,

"It's better if you don't like him."

***

Nakatayo lang kami ni Kaisler sa pagitan ng pintuan ng kwarto naming dalawa sa labas habang pinagmamasdan ang nanay naming pareho na busy sa paglilibot sa loob ng kwarto naming dalawa. Napapansin kong naiiling-iling nalang si Kaisler mula sa peripheral vision ko habang nakakunot ang noo niya.

"For pete's sake alas-dos na ng umaga. Hindi ba kami pwedeng matulog na?" Inis na saad ni Kaisler. Tumigil naman sa kaka-kalikot si Tita Kaycee sa mga gamit sa kwarto niya at lumabas na mula rito.

"Sorry na. I just wanted to check kung anong klase na bang lalaki ang anak ko and I'm just curious how it looks like now," depensa naman ni Tita Kaycee habang nakangiti sa anak. Kaisler looked like a kid na inagawan ng candy dahil nakabusangot ang mukha nito. He looks cute though.

"Cathryn! Halika na at iwan na natin 'tong dalawa," wika ni Tita Kaycee with a teasing tone tapos ay binigyan kami ng isang meaningful na tingin. Err. What is she thinking?

Maya maya ay lumabas na rin ang Mommy ko sa kwarto ko. "Hay nako. Ang gulo ng kwarto mo anak. Amoy aso na rin." Napailing nalang ako at hindi na inimik si Mommy.

"Matutulog na po ako," wika ko at humalik kay Mommy at Tita Kaycee bago pumasok sa kwarto ko. Hawak ko na ang doorknob nang marinig ang boses ni Tita Kaycee na nagsabing,

"Shazney. Make sure to lock your door and not let anyone go inside it except you and your dog, okay?"

Nilingon ko ito at nakitang nakatingin siya kay Kaisler habang sinasabi iyon. Bigla naman akong namula. Oh My Gosh. She's not serious right?

***

3AM. Nakaalis na kanina pa sila Mommy pero gising na gising pa rin ako. Nakakapagtaka nga eh dahil kanina sa byahe ay antok na antok ako pero nang makauwi gising ang diwa ko.

Dahil hindi ko na matiis ay lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina upang magtimpla ng gatas. Baka sakaling pag-uminom ako nito ay antukin ako. Nang makapagtimpla ay umupo ako sa dining table at tahimik na hinigop ang mainit pang gatas. At sa ikatlong paghigop ko ay bigla ko itong naibuga ng may lumabas na lalaking nakatopless mula sa banyo which is katapat lang ng kinauupuan ko.

#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon