ONCE A GANGSTER LOVES
CHAPTER 17
Nakatulog ako for almost 3hrs at nang magising ay agad akong naligo para pumasok. Matapos kong mag-ayos at lumabas ng kwarto ko ay inilip ko muna ang labas, tinitingnan kung nasa paligid si Kaisler. Nang makitang wala ito ay lumabas na ako ng kwarto tapos sinilip ko muna ulit ang baba kung naroon si Kaisler. I scanned the house properly and I sighed in relief as I saw no one downstairs. Mabuti naman at mukhang nauna na siyang pumasok. Bumaba na ako ng hagdan at nang makalabas ay isinara ang pintuan. Pero nagtaka ako dahil nasa garahe pa ang motor at kotse ni Kaisler. Kumunot ang noo ko. "Hindi pa siya nakakaalis?" Tanong ko sa sarili ko. Then I diverted my attention to the gate at lumabas na. Naglakad na ako papuntang bus stop.
Nang makarating ako ng school ay agad akong pumunta sa canteen dahil hindi na ako kumain sa bahay. You know... iniiwasan ko pa rin si Kaisler.
Nasa gitna ako ng pagkain nang mapansin kong may lumapit sakin na nakapalda. Unti-unti kong itinunghal ang ulo ko upang makita kung sino ang lumapit sakin. Napatigil naman ako sa pagnguya ng makita kung sino ito. Nakataas ang kilay nito sakin at naka-cross arms. With that kind of look I know gulo ang hinahanap niya.
"Mag-usap tayo. Rooftop. Now," aniya habang ini-emphasize ang bawat words na binibitawan niya kasabay ang pagdilat niya ng mata niya sa akin. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko.
"Tungkol saan?" I said while chewing the food inside my mouth and looked at her seriously.
"Just follow me!" Singhal niya tapos tumalikod at naglakad palabas ng canteen. Napansin ko naman na nakatingin pala sakin ang iba sa mga estudyanteng nasa loob din ng canteen. Huminga ako ng malalim at napilitang iwanan ang pagkain ko.
Seriously. Kinakabahan ako na ewan but I still followed her on the rooftop.
"Ano bang pag-uusapan natin?" I said with an irritated tone trying to cover up the uneasiness I am feeling.
She smirked at me. "Ang kapal mo rin eh noh?!" SInghal niya tapos tinulak ako gamit ang kanan niyang kamay. Napaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa pagtulak niya sakin. "Didn't I told you to stay away from Tristan?!" Kinunutan ko siya ng noo. Geez. Si Tristan na naman?
"He's my friend, how can I stay away from him?" I said trying to be sarcastic.
She laughed in disbelief. "Friend? Are you kidding me?! He posted a photo of you and your photo together on Instagram and you're telling me you're his friend?!"
Napakamot ako sa batok ko. "Oo magkaibigan kami. Why? Friends can't post their photos on SNS?"
"Tristan likes you!! Don't you know that?!" She said and glared at me. Napatikom ako ng bibig. Sumasakit ang ulo ko. Literal na sumasakit ang ulo ko.
"Oh? Hindi ka makasagot? Alam mo, diba? Eh ikaw, do you like him too?" Aniya habang nakatingin pa rin sakin ng masama. Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin alam yung sagot.
Kaisler's POV
Tahimik lang ako sa isang sulok dito sa rooftop at hinihintay ang sasabihin ng isang babae tungkol sa isang katanungan. Pero mukhang isang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nagsasalita 'yung babae para sagutin ang tanong na iyon. Napayuko ako at napangisi. I didn't know it will be this painful. She must like Tristan, too.
Tumayo na ako at lumabas sa tinutulugan ko kanina na mga tambak na upuan at dire-diretso akong naglakad sa gilid nila. I just looked straight sa dadaanan ko and did my best to avoid from seeing her face while I'm walking down the rooftop.
BINABASA MO ANG
#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)
Romance"Catherina Shazney, a simple girl, got into an arranged marriage with Kaisler Jake, a gangster." - Highest Rank: #531 [#962 to #697 BEFORE] in Romance Category Formerly Entitled as "The Gang Leader's First Love" WARNING: Typo grammatical errors ahea...