ONCE A GANGSTER LOVES
CHAPTER 36
"Tagal sa taas, ah. Anong sabi ng misis mo?" Salubong sa'kin ni Max nang makababa ako ng hagdan.
"She doesn't want me to drink." Sabay upo ko sa pwesto ko kanina. They all looked at me with pity.
"Kaya ayoko magso-syota, eh." Nilingon ko si Zeke na nagsalita. He was shaking his head while saying that as if nanghihinayang siya sa akin.
"Well it's not that bad to have someone control you, like stopping you to do things you used to do. After all, they are doing those things just for your own sake," wika ko. They looked at me amused. It's as if I told them I'm gay. After some seconds they laughed at me. Psh.
"Iba ka na talaga, leader! Nakakatameme ka!" Ani Brysen habang pumapalakpak.
"But you have a point. Jake's telling the truth..." We all looked at the guy who just came. He was standing at the door looking cool with his arms crossed. He then lend his eyes on me and smirked.
"Dumating din!" Hiyaw ni Max at tumayo upang salubungin si Tristan.
"Late na ba ako?" Ani Tristan nang makalapit samin. Umupo siya sa tabi ni Max.
"Hindi pa naman, muntik lang pre," wika ni Bryle habang nagsasalin na ng alak sa shot glass para kay Tristan.
"Ayos na kayong dalawa? Okay na? Wala ng drama?" May halong birong saad ni Clinton habang pasalin-salin ang tingin niya sa aming dalawa ni Tristan. Nagkatinginan kami ni Tristan bago sumagot. Natawa kami pareho nang magtama ang mga mata namin. That's cringing me.
"Ano ba sa tingin niyo?" wika ko.
Nagtawanan kaming lahat. Obviously we have made up.
Nagsalin kami ni Tristan ng alak para sa isa't isa. That's how we show them that we're already fine. Wala ng alitan between us. Although I still can't put back my trust in him completely... atleast we're getting back from what we were before. We're trying.
After naming magsalin, nag-toast kami.
"Tama na away dito ha. Puputulan kapag naulit!" Banta ni Clinton.
"Hindi na talaga 'to mauulit. Makakasigurado kayo," wika ko tapos ay nagkatinginan kaming dalawa ni Tristan, binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti tapos ay nag-toast kaming lahat.
"Dapat lang talaga. Ang hirap makisabay sa drama niyo, eh," saad ni Zack habang natatawa-tawa.
Nagkwentuhan kami ng tungkol sa iba't ibang bagay na nangyari samin. Puro tawanan at biruan habang nag-iinuman. Pero hindi ko maiwasang matahimik dahil pumapasok pa rin sa isipan ko ang sinabi sakin ni Yuan noong race. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari 11 years ago. Bakit parang galit na galit siya sa mga magulang ko? Ano bang nangyari noon?
Sinubukan kong alalahanin kung anong nangyari 11 years ago ngunit kahit anong pagsisikap ko ay wala talaga akong maalala. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nanalo naman ako laban sakaniya o dapat bang natalo nalang ako para may rason ako upang maungkay kung ano mang nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Sa ngayon, wala akong lakas ng loob para mag tanong tungkol doon. Siguro'y hahanap na lamang ako ng tiyempo. Mas maganda siguro kung kay Dad ko iyon itanong.
"Jake, ayos ka lang? Ang tahimik mo d'yan," sita sa akin ni Clinton. Ngumiti ako ng tipid at umiling.
"Ayos lang ako."
"Sigurado ka?" Dagdag pa ni Zeke. Tumango ako sakanila at ngumiti.
"Ano ba yang iniisip mo ha?" Tanong ni Tristan sa akin matapos niyang uminom.
BINABASA MO ANG
#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)
Romance"Catherina Shazney, a simple girl, got into an arranged marriage with Kaisler Jake, a gangster." - Highest Rank: #531 [#962 to #697 BEFORE] in Romance Category Formerly Entitled as "The Gang Leader's First Love" WARNING: Typo grammatical errors ahea...