CHAPTER 34 - Date

1K 31 5
                                    

ONCE A GANGSTER LOVES

CHAPTER 34

Pagkauwi naming dalawa ng bahay ay nagbihis na kami agad para sa date namin. Sa tingin ko ay napapansin niyang may bumabagabag saakin dahil maya't maya ang pagtingin niya sakin na para bang gusto niya akong tanungin kung ano iyon ngunit hindi siya nagbibitaw ng salita. Mas maayos na ring hindi niya ako tinatanong tungkol doon dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa. Ayoko namang mag-away na naman kami at isa pa, magde-date kami. Dapat masaya lang at pagkatiwalaan siya.

Nauna akong matapos magbihis. Umupo ako sa sofa sa salas habang hinihintay siyang matapos. Sana naman ay hindi na siya naglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha, baka ma-attract niya pa ang ibang lalaki sa amusement park mamaya!

Makalipas ang halos sampung minuto ay bumaba na rin siya. I know nakita ko na siyang naka-dress ng ilang beses pero bakit habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda? Nakatitig lamang ako sakaniya ng halos isang minuto habang siya ay naglalakad pababa ng hagdan pero nang matauhan ay pinirmi ko ang aking sarili. Her dress is okay pero hindi talaga. I mean, maganda, bagay sakaniya pero hindi ako komportable na ganiyan ang suot niya.

Her dress is a knee-length white floral na sleeveless. Hindi revealing pero ewan. Hindi ko magawang gustohin. At... bakit parang naglagay siya ng make up?

"May problema, Kaisler?" Aniya.

"You're too beautiful. Erase your lipstick."

Nakita ko ang kawalang-paniwala at pagkadismaya niya nang sabihin ko iyon. She raised her eyebrow at me. "Seriously?"

I crossed my arms at her. "I'm serious. Erase it." Padabog niya akong tinalikuran at naglabas ng salamin at tissue mula sa kaniyang bag at ginawa ang sinabi ko. Matapos ay hinarap niya ako at pumeywang.

"Happy?" May bakas ng pagkairita niyang saad. Ngumisi ako at tumayo na. Inakbayan ko siya at naglakad na kami palabas ng bahay.

Habang nasa gitna kami ng byahe ay napansin kong may inilagay siya sakaniyang mukha at nang nilingon ko siya ay nakumpirma kong naglalagay siya ng lipstick sa kaniyang labi na naman. Bumuntong hininga ako.

"Shazney bakit ba ang kulit mo?"

"Kahit liptint lang! Ang putla-putla ko kasing tingnan," depensa niya. Napailing nalang ako at hindi na umimik pa. Baka pag-awayan pa namin ang maliit na bagay na iyan.

She suddenly reached out for my right hand which is free for her to hold to. Isang kamay lang kasi ang gamit ko sa pagma-maneho. She even squeezed my hand at pinaglaruan ito. Why does she have to be this adorable?

Mabilis lang kaming nakarating sa Star City dahil wala rin naman masyadong traffic. Pagkarating sa loob ay bumili muna kami ng inumin tapos nagpicture muna. Inuna naming sakyan ang Viking para hindi naman kami mabigla. Tuwing nasa taas kami ay itinataas ko ang kamay ko kasabay ang isa niyang kamay. She really hated it, pakiramdam niya daw kasi ay mahuhulog siya tuwing nakataas ang kamay niya.

"Sa tingin mo ba gagawin ko 'to kung alam kong mahuhulog ka? I-enjoy mo kasi. Nandito naman ako."

She was about to utter a word pero nasa taas na ulit kami kaya sa halip ay napatili nalang siya. I laughed at her. If I could just bring out my phone and take a picture of her, I will do it. Baka lang mahulog ang phone ko kaya di ko na ginawa. Nakakatawa kasi ang itsura niya.

After sa Viking ay pumasok kami sa loob. Light lang kasi yung mga rides sa loob kaya makakayanan ni Shazney.

"You promise me magsu-surf dance tayo later at susubukan din nati yung Tornado, 'di ba?"

#1: Once A Gangster Loves (WATTYS2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon