Ishiro
"Oo naman. Alam mong mamahalin ko si North kahit anong mangyare." Ani niya. He lightly hold my hand na nakapatong sa lamesa kaya napalingon ako sa kanya. He was just staring at it kaya napalunok ako. Grabe ang kalabog ng puso ko sa kinikilos niya.
"Sorry" yon pa lang ang sinabi niya pero bumigat at nasaktan na naman ako. Pang-ilang beses na niyang nasabi sakin ang salitang 'to pero sobrang sakit pa din ng dala. "Babawi ako sayo at sa anak natin. I promise that."
Hindi na ako sumagot pa. Ayokong maniwala. Ayokong umasa. Ayokong lumagpas sa limitasyon ko. Hindi ko siya kinibo pagkatapos dahil pinigilan kong may maramdaman sa sinabi niya kasi sobrang mali. It would only hurt me at the very end.
"Baba, Tata is calling.." tawag sakin ni North kaya napatayo ako sa kinauupuan ng anak namin sa sofa. I left my phone there. Naghaharumentado pa ang puso ko ng alisin ko sa kamay ni Ace ang kamay ko para lang takbuhin ang cellphonee ko. I kissed North on his forehead at mabilis na naglakad palabas sa terrace.
Hinawakan ko ang aking dibdib para maramdaman ang kalabog ng dibdib ko at napalunok. I glance on my phone before answering it.
"Good morning Panget" Troy greeted me with his morning voice kaya napakagat ako sa labi ko. Huminga ako ng malalim at mahigpit na napahawak sa cellphone ko na nasa may tenga ko lang. Nanghihina ako.
"Morning.. bagong gising ka?" Tanong ko habang naglalaro sa isip na baka nakapikit ito ngayon habang naka-loud speaker ang tawag namin. Knowing Troy, parang hindi nauubusan ng load kakatawag sakin kahit inaantok pa.
"Nope but I decided to go back to sleep since naalala kong wala pala kayo ng anak natin sa bahay." Sagot niya. I wouldn't lie but I do love it when Troy also claim North as his. He deserve to be called as my son's father too dahil talagang minahal niya ang anak ko na parang kanya. "How's the morning of the both of you? Nasa mainit ba kayo? Full of sweats? Drink a lot of water at dry your sweats, okay? Nagbreakfast na ba kayo ni North?"
"Troy, you shouldn't have to worry because we're both good. Nanonood ngayon si North ng tv since kakagaling lang namin sa morning walk with Ace. Naghabulan pa sila kaya pagod ang anak ko." I brushed my hair back at naupo sa silya.
"Pagod na pagod na pala ang baby ko. Kaya pa ba ng family day natin bukas?" Tanong niya. Everytime na tinatanong niya ako I always feel na valid ang decisions ko. He always made me feel na nirerespeto niya ako. Simula noon hanggang ngayon pero hindi ko pa siya magawang pagbigyan ng t'yansa.
" 'Kaya pa syempre, kasama naman kita kaya alam 'kong kaya mo ang kakulitan ni North. Ikaw pa ba? Ikaw pasimuno kung bakit gusto 'non ng habulan e." Parehas kaming natawa. When North was still 2 years old ay hinahabol na niya ng paunti-unti si Troy para magpayakap at magpabuhat and this guy have his own stubbornness kaya kahit sawayin ko na huwag pahabulin si North ay hindi nakikinig. May pinagmanahan.
"Kung hindi ka pa kumakain, 'puwes kumain ka na. Huwag na huwag magpapalipas ng gutom. Just enjoy the day.." bilin niya kaya napatango ako kahit alam kong hindi niya ako makikita. "Are you alone now?"

BINABASA MO ANG
Love in North
FanficA Love that started in a contract, Forbidden to be in love, But always found each other's path in North.