Chapter 4

1K 38 34
                                        


"FOR Ishiro Bernando po." Salubong sakin ni Kuya nang inguso ako ng mga junior ko sa Nagdeliver. Nagtataka 'man ay hinawakan ko agad ang wallet ko para kumuha ng pambayad pero pinigilan ako nito. "Claim lang po ang gagawin Sir kaya picture for proof lang po." Napamaang ako sa sinabi niya at wala sa sariling inabot lahat ng delivery na para sakin. Samu't-saring asar at halinghing naman ng mga juniors ko kaya inilingan ko sila bago hilaw na ngumiti kay Kuya.

"Pwede po 'bang malaman kung kanino galing? Wala po kasi akong idea 'kung sinong nagpadala nito." Ani ko habang may hilaw na ngiti. Nahihiya ako sa totoo lang dahil nakatitig talaga sakin lahat ng tao dito sa firm. Hindi naman ito ang first time na may nagpapadeliver pero iba ang kutob ko dito e.

Inilingan ako nito. "Ayaw 'pong magpasabi kung sino siya pasensya na po" sabi niya kaya naman mabilis akong napatango dahil naiintindihan ko naman na 'yon ang gusto ng kung sino 'mang nagpadala nito. Pagkatapos niyang makuha ang litrato ay napasalamat ako nang nagpaalam na din ito kaya naman binigyan ko na din ng isang box ng cupcake at tip bilang pasalamat. Madami.. naman itong pinadala at baka naman isa ito sa kliyente ko? O isa sa mga engineers? Hindi ko alam dahil hindi nga ito ang unang beses.

"Early lunch na kayo mga Anak" anunsiyo ko sa kanila bago naglakad pabalik sa office. Nakinig ko pa ang mga bulungan ng mga ito patungkol sa mood ko kaya nag-anunsiyo ako ng early lunch. Ginagatungan nila na may admirer daw ako palagi o kaya naman ay si Sir Gaiden daw ang may padala. Sir Gaiden kasi ang tawag nila kay Troy dahil 'yon ang pagpapakilala niya sa kanila. He met them when he always fetch me from work noong panahong wala pa akong sasakyan at kadalasan ay sinama na niya dito si North kaya as usual na naman na napagkamalan kaming mag-asawa na. Someone even call me as Ishiro Bernando-Garcia noon na client ko nang akalain din nito na asawa ko si Troy dahil naabutan kami nito na magkasama sa office while he's waiting for my out.

I immediately fished my phone nang mailapag ko ang bitbit ko pagkapasok sa office. I tried calling Troy ngunit ayaw nitong sagutin. Maybe he's on a meeting? Napakibit na lang ako ng balikat at naupo muli para ituloy ang digital design ko ng bahay ni Ace. I'm only working on the details.

"BABA!!" Sigaw ni North nang makarating ako ng bahay. He run to me kaya hinintay ko siya. Unang salubong sakin nito ang mahigpit na yakap kaya naman napabuntong hininga ako at hinigpitan ng kaunting ang yakap niya. Para akong nagc-charge. Ang sakit kasi ng likod at batok ko kahit nasa office at nakaupo lang ako buong maghapon.

"Ang baby ko.. kamusta ka na? Miss na miss ka ni Baba. Ganito kita ka-miss Anak ko--" pinudpod ko siya ng halik kaya parehas kaming natawa dahil nakikiliti ito. After a while tumayo na din ako at inaya siyang pumasok dahil baka kagatin pa ng lamok sa labas. Pagkaangat ko pa lang ng ulo ko ay napatigil ako sa paghakbang nang may tao palang nanonood saming dalawa.

"Hi.. I'm back again.." ani niya at ngumiti. Napalunok naman ako habang nakatingin sa kanya at nagwala muli ang sistema ko dahil sa kanya. Napakagwapo niya habang nasa may terrace namin at nakatayong naghihintay. Kumalabog ang puso ko ngunit pinili 'kong iiwas ang tingin.

"Kanina ka pa?" Tanong ko kay Ace at inakay na si North papalapit sa kanya. "Oo, hindi ka kasi sumasagot sa text o tawag ko kaya nagpunta ako ngayon." sagot niya so I just nod to avoid talking to him more. Niyaya ko na lang 'din siyang pumasok kaya sumama ito at kinuha agad sakin si North para makapagpalit ako ng damit.

"Shiro, iniiwasan mo ba si Ace-- AY PALAKA!" Napangiwi ako sa sakit nang mapatama sa pinto ang ulo ko dahil sa panggugulat ni Papa sakin. Palabas pa lang ako sa kwarto ko pagkatapos magbihis. Agad na sumimangot ako habang hinihimas ang ulo ko at siya naman ay tumawa sakin. "Kabadong-kabado ka masyado ngayon ah" asar nito kaya lalo akong napasimangot. Totoo naman ngunit ayaw 'kong aminin sa sarili ko.

Love in NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon