Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Really, Shiro? Iniintay mo 'kong alukin ka ng kasal?" Mabilis na lumingon si Ishiro sa boses ni Troy sa likod niya. Ace just left and Shiro decided to watch him go. "Gusto 'mong totohanin ko?" Malumanay niyang tanong at sumandal sa may gate. Namumungay na ang mata nito at halata ang pagod.
"Baliw" ayon lang ang nasabi ni Shiro bago ito lapitan. Mabilis na lumandas ni Troy sa balakang niya nang lapitan niya ito. "I am.. matagal na akong baliw kasi nandito pa din ako." Pagod na ani ni Troy at idinaan sa tawa ang pagod at bigat ng katawan pero ramdam 'yon ni Shiro. Napakahigpit ng yakap niya dito dahil sa paninikip ng dibdib.
Alam ni Ishiro ang pinupunto ni Troy. Maraming beses na nila 'yong pinagtalunan ni Troy sa loob ng halos apat na taon na magkasama sila. Na parang sila pero hindi. Sa walang kasiguraduhan na bagay na namamagitan sa kanila. Ayaw niyang manatili si Troy sa kanya dahil hindi siya karapat-dapat ngunit sino ba siya para kuwestyunin ang nararamdaman nito para sa kanya at ang walang kapantay nitong pagmamahal sa anak niya? Hindi din kakayanin ni Shiro na mawala si Troy kung sakali. Iba na ngayon.
May puwang na din si Troy hindi 'man kasing laki ng sakop ni Ace sa kanya ngunit meron na.
"Pagod ka na? Pahinga muna tayo?" Alok niya dito kaya napaayos ng tayo si Troy. He guided Ishiro papasok at isinara ang gate ng ayos bago sinundan ang binata.
"Payakap muna ng matagal, Panget. Pagod ako e" malambing na ani ni Troy nang higitin niya payakap si Ishiro. Nagulat 'man ay hindi din gumalaw si Ishiro at hinayaan lang si Troy sa gusto niya. Palagi namang ganito kapag napapagod si Troy, yakap lang ang katapat.
"Pahinga muna tayo? Tigil muna?" Sinuklay ni Shiro ng marahan ang buhok nito dahil nakasiksik sa leeg niya ang mukha nito. "Baka mas kailangan mo ng pahinga na ikaw lang." Dagdag niya kaya agad na umiling ito sa kanya.
"Kaya pa. Pahinga lang saglit pero lalaban pa din ng paulit-ulit. Hindi ko yata kakayanin na hindi, Ishiro." Iling nitong muli bago bumuntong-hininga at hinigpitan ang yakap. "I want to be honest with you. I always pray for you, for North and for us. I prayed na sana ikasal tayo sa isa't-isa because I never had a dream about that. I prayed for my son to always be healthy and happy also a little wish na sana pabagalin ang oras at panahon dahil ang bilis na niyang lumaki. And for us.. I prayed for this because I want us to be happy like always kahit nagiging malabo na. Kahit nararamdaman kong may distansya na. Mahal, Mahal na mahal kita ng walang kupas."
Mabilis na naluha ang mata ni Shiro nang maramdaman niya ang marahan at malakas na kalabog ng puso ni Troy. Sinasabayan 'yon ng puso niya. Mahigpit siyang napakapit sa damit nito nang maiyak na siya. Naginginig pa siya.
Mukhang napapagod na talaga si Troy at grabe ang takot na nararamdaman ngayon ni Shiro. Would he lose Troy too? Mahalaga ang parte nito sa buhay niya and he can't even imagine how's life without him now. He's slightly praying na huwag nitong sabihin na titigil na siya kahit pa alam mismo ni Ishiro sa sarili na sobrang nakakapagod ang maghintay sa hindi siguradong bagay. Alam na alam niya yon.
"Would you leave me?" Tanong niya at pinilit huwag umiyak ng sobra. Troy wiped his tears away nang matapos ito sa pagyakap za kanya. "Hindi ka nasagot dyan.. iiwan mo na ba kami? Pagod ka na? Suko na?"
"Papayagan mo ba ako?" Tanong niya Troy habang hindi siya tinitingnan sa mata. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nawala ang antok sa katawan. Noon ang tanging sagot lang ni Troy ay mabilis na 'hindi' pero ngayon..
"Kung saan ka doon din ako" kasinungalingan muli sa gabing 'yon. Of course Ishiro want to keep Troy but what if the latter want to be free now? Hindi niya magagawang pigilan.
"Paano 'kung sabihin 'kong gusto kong lumuhod sa harap mo ngayon pero hindi ko magawa dahil maguguluhan ka? Paano kung maging makasarili naman ako at angkinin ka para maiwasan kong mag-isip na iiwan mo ko?" Pande-deretsa niya. Ramdam ko. Nakikita ko na yon ang grabeng nakakaapekto sa kanya.
"Baliw ka nga. Yayayain mo ng kasal ang taong nananakit ng puso mo?"
"If it's you then yes."
Napasandal na lang ako sa dibdib niya nang marinig yon. Gulong-gulo ang isip ko kung anong isasagot. Mas lalo ko pang narinig ang kalabog ng puso niy na nagbigay ng kakaibang saya at kilig sa puso ko.
"Troy.. would it work kung susubukan natin?"
Sa nakakapagod na mundo, nanatili siyang naghihintay. Para sakin naman siguro siya hindi ba? Hindi naman siya ibabalik sakin kung hindi.