Chapter 10

962 31 6
                                        

cw// character's death, mention of accident, mpreg, harsh words

1 year later


"Sir Ishiro? Sir, assistant po ito ni Sir Troy. Isusugod po namin ang asawa mo sa ospital kasi natumba po siya."



Napahilamos ako sa mukha nang maalala ko ang tawag na natanggap ko kanina lang. Napasugod ako ng wala sa oras kahit pa nasa kalagitnaan ako ng trabaho. Mabuti na lang din at si Ace ang kliyente ko kaya hinatid pa niya ako dito.



Grabeng kaba at takot ang nararamdaman ko kanina na kahit sa daan papunta sa ospital ay para akong maiiyak. Hindi ko mawari 'kung ayos lang ba talaga ang kalagayan ng asawa ko dahil sa nangyayare ngayon.



"God, please.. heal my husband." Bulong ko habang hawak-hawak ang kamay ni Troy. Nilagay ko ito sa may pisngi ko habang natutulog siya. Napasinghot na ako dahil sa pangingilid ng luha ko.



"Ishiro, magpahinga ka muna.." nagulat ako nang may humagot sa likod ko. Si Vonn pala kasama si Kit na paniguradong galing sa photoshoot niya. I smiled to him.



"Kanina pa kayo 'dyan? Sorry, lutang lang." panglaw akong tumawa. "Si Den?"



"Hm, kasama si Jiro sa may vending machine. Gusto ng buntis ang hot choco" iling nito bago naupo sa sofa sa likod ko.



A year had passed and Den and Jiro decided to stay here tutal ay inilipat na din si Den ng branch. Madaming nangyare. Sobrang dami na halos sobrang nakakalungkot.



First, na-stroke si Papa so Me, Troy and North needed to stay at our house para maalagaan siya dahil kahit si Nana nanghihina na. Good thing na lang na may iba pa kaming kasama sa bahay na sumasama kay Papa kapag nagt-trabaho kaming mag-asawa. Also Mamita, nanghihina na siya dahil sa pabago-bagong panahon. Kadalasan tuloy ay hindi kami magkasamang mag-asawa dahil siya ang sumasama dito habang ako naman sa Papa ko. Second, Third and Oli broke up kung kailan malapit na silang ikasal. No one knows the reason basta noong rehearsal ng kasal ay inanunsyo nilang ititigil na nila ang kasal.



Third, Czarina and Ace broke up. Pagkatapos ng contract nila ay naghiwalay na din sila dahil nagsilabasan ang rumors tungkol samin. Na may anak si Ace and He doesn't love Czarina anymore dahil nagkita na daw ulit kami. Sobrang takot ko noon dahil alam 'kong any time malalabas ang pangalan ko o ni North pero nawala ang pangamba ko dahil sinigurado ni Ace at ng pamilya ni Troy na walang lalabas sa media. Troy also contacted the staffs and directors ng YunLim and mostly sa mga taong behind sa Love Contract about sa kasunduan namin noon na sila ang bahala sakin. Lahat pa nga sila ay nagulat nang nalaman na kasal na ako kay Troy.



Fourth, Nezer and Kleo also broke up last year. Fifth, the worst that ever happened. Nezer died in a car accident. Nangyare pa yon 1 month after ng kasal ko at punong-puno ang schedule ni Ace non. They're taping abroad pero napauwi ito agad sa nabalitaan.


There, the rumors spread about us dahil nahalungkat ng fans ni Ace ang tungkol sa rason 'kung bakit nakita siyang bumalik sa bansa without Czarina. Nalaman 'din na hindi nagdebut ang dapat group nina Ace, Oli, Nezer at Jiro. Even their past or present relationship is revealed maliban sa names at sa contract thingy.


Kaya din napalaunan ng bash si Kleo dahil lumabas ang pangalan niya at sinisi siya sa pagkamatay ni Nezer. Simula 'non nagkalamat na ang relasyon ni Third at Oli ending up to their break up kasama na din sina Ace at Czarina. While me and my husband? We're good I think? Naging busy kami sa work at individual life.


Love in NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon