Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Shiro.
When was the last time I visited my husband? 3 days ago. Palagi ko siyang binibisita lalo na kapag hinahanap-hanap ko siya. Hindi niya ako ulit binibisita sa panaginip ko kaya palagi ko 'ding sinasabi sa kanya dito na bisitahin ako so I can see him again.
"How are you, Angel? Wag kang mag-alala samin ni North kasi ayos na ayos kami. In fact, North is growing up so fast. Ang daya nga e. Parang ang bilis-bilis. Hindi ko man lang siya napagtuunan ng sobra-sobra simula nang mawala ka. Ang bilis-bilis mo din kasi akong iwan.. naaalala ko pa nung kinasal tayo. Parang kahapon lang nangyare." Pagkausap ko sa kanya at naupo sa harap ng lapida niya.
"Pagod na pagod na ako sa sakit na nararamdaman ko simula nung iwan mo kami. I-I'm readying myself that time, Troy.. I swear, tinatanggap ko naman paunti-unti. I'm sinking it all to my head na kailangan kitang bitawan."
Pero bakit agad-agad naman? Bakit kung kailan wala ako sa tabi mo? Bakit hindi ka nagsabi? Bakit hindi mo ko pinigilan na huwag na lang umalis? Bakit hindi mo ko binigyan ng choice noon? Bakit wala akong choice na panatilihin ka? Bakit tanging pagtanggap lang yung pwede kong gawin kahit na gusto kitang manatili?
Ang daming tanong. And I tried to calm myself down to not be carried by my bursting emotions but I failed. I always failed when I'm already infront of him. Palagi na lang akong nasuko at umiiyak.
"Bisitahin mo naman ako.. hindi mo ba ako nami-miss, Troy? Kasi ako, miss na miss na kita. Miss na miss ko na yung asawa ko."
Hindi ko magawang iiyak sa bahay namin lahat ng lungkot at pangungulila ko sa asawa ko ng ilang taon. Hindi ko maiiyak kay Ace lahat kahit siya ang nandyan sa tabi ko dahil kahit alam kong iintindihin niya ako.. hindi niya nararapat na makinig ang pagsusumamo ko tungkol sa iba.
Magkasamang pagsisisi, lungkot at sakit ang dala-dala ko ng ilang taon. Hindi ko gustong alisin si Troy sa buhay ko. Not when he's there since everything in my life became a mess. Trying to find the beauty in my chaos and instead of changing me, he matched everything for me.
But it's unfair for Ace. Hindi ko siya mabitawan. Troy, pwede pa ba akong magmahal ulit? Masasaktan ba kita kung gagawin ko yon? Mahal ko siya pero ayaw pa kitang bitawan..
"Iiwan mo na lang ba ako ng ganon-ganon? Hindi mo ko bibisitahin? Gustong-gusto ulit kitang makita.Gustong-gusto ko sabihin sayo lahat-lahat.. Bisitahin mo lang ako kahit isang beses."
With begging voice, I cried. It seems like I'm still there where I can't completely move forward almost a decade ago. He's always on my back from the very start. Physically and now spiritually.